news

Raymart Santiago and Claudine Barretto file physical injury and child abuse complaints against Mon Tulfo

by Gorgy Rula posted on May 9, 2012  STATS: 103090 Views | 494 Comments

Claudine Barretto and Raymart Santiago formally filed their complaints against veteran broadcaster Mon Tulfo at the Pasay City Prosecutor's Office earlier today, May 9.

Photo By: Melo Balingit

Physical Injuries at Rep. Act 7610 o Anti-Child Abuse ang mga inihaing reklamo ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Baretto laban kay Mon Tulfo.

Inihain ng mag-asawa ang kanilang mga reklamo sa tanggapan ni Fiscal Juliet Garcia ng Pasay Prosecutor's Office kaninang hapon, May 9.

Samantala, pag-uusapan at pag-iisipan pa raw nina Raymart at Claudine kung kailan nila isasampa ang kasong Grave Threats laban sa mga kapatid ni Mon na sina Ben, Raffy, at Erwin Tulfo.

Ito ay dahil sa mga binitiwang pananakot at pagbabanta ng magkakapatid laban kina Raymart at Claudine sa TV5 public-service program nilang T3 Kapatid, Sagot Kita!.


(CLICK HERE to read related story.)

APOLOGY FROM TULFO BROTHERS. Pero pagkatapos magsalita ng Tulfo brothers sa kanilang programa ay pinagsabihan na sila ng kanilang Kuya Mon na huwag nang magsalita at mag-ingat sa mga sinasabi nila.

Ano ang reaksiyon dito ni Raymart?

           

“Siyempre, kuya nila yun,” sambit ng aktor sa pakikipag-usap sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa Pasay RTC.           

Kinabukasan ay nagsalita rin si Erwin at humingi ng paumahin sa mga sinabi nila dahil napuna na ito ng Movie Television Review and Classifcation Board (MTRCB).

Naglabas na rin ng statement ang TV5 kaugnay dito at sinuspindi ang magkakapatid.

Pero reaksiyon ni Raymart dito, “Sa tao sila nag-sorry, e.

“Isa pa, hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang sorry nila.

“Kasi sinasabi nila na hindi sila pinalaki ng magulang nila na hindi sila nananakit ng babae. Wala sa Tulfo na nananakit ng babae.

“Pero sinasabi naman nila na 'pag magkita daw kami sa Terminal 1, Terminal 2, Terminal 3 [ng NAIA], huwag lang mag-krus ang landas namin, ‘makakatikim ka sa akin pati ang asawa... tatamaan ikaw at ang asawa mo.’

“Magulo, e, di ba?”

Kaya pagkatapos daw nito ay aayusin na nila ang paghahain ng reklamong Grave Threats laban sa Tulfo brothers.

HURTING HIS WIFE… Hindi naman napigilan ni Raymart ang maiyak nang magpahayag itong hindi niya matanggap ang pananakit diumano na ginawa ni Mon kay Claudine.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

494 Comments

  • 154  ShowbizWatcher

    05/10/2012 | 04:01 AM
    Bakas sa mukha ng mag-asawang ito na hindi sila masaya sa buhay nila kaya nadadaan nila sa ibang tao ang galit nila. Sa pinapakita nila sa TV, parang magkasundung-magkasundo sila at tunay na nagmamahalan. Pero sa loob ng bahay, siguro puro away at sigawan sila sa isa't-isa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 153  ehryle

    05/10/2012 | 04:00 AM
    Ang ugat ng lahat is to hide there evil attitude in public kaya nambugbog pinagtulungan pa.. may video ba nung pang-aalipusta sa counter ng cebu pacific sana lang meron??? ang dapat sa war freak couple na eto anger management at good parenting ipakita ba naman sa mga bata kung pano sila mang-gulpi ng isang matanda at magalit sa isang pangkaraniwang empleyado.. OA bait baitan lang in front of camera!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 152  aaliyah2a

    05/10/2012 | 04:00 AM
    Naku kung hahalunkatin lang ni Mon Tulfo ang past events na nagpakita si Claudine na mala bipolar disorder niya ang dami niyang makukuha. Bukod sa mga airline personnels, sila Angelica Panganiban, Angel Locsin, yung mga katulong niya dati, nireklamo din siya, etc.etc. pati si Mr. M ang daming alam hindi lang nagsasalita..tapos ngayon, wala siyang imik at panay ang pa presscon nga nila ang kikinis naman ng mukha walang blackeye or pamamaga at pasalaat sila at hindi na heart attack yung si Mon habang ginugulpi nila kundi susugurin talaga sila ng mga Tulfo Brothers.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 151  czeska221

    05/10/2012 | 03:59 AM
    spell raymart and claudine - l o s e r. get a life you two! You know that you both are wrong in every sense of the word. Kahit anu pang angulo mo tingnan, maling mali kayo. But hey fret not, you have few blind followers that are willing to defend your crooked ways. Shame on you both. Child abuse daw. Heh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 150  pinoycali_ako

    05/10/2012 | 03:57 AM
    Nakakainis na talaga itong mag-asawa na ito. Sila pa ang nagbugbog sa matanda sila pa ang magsampa?! At saka child abuse? For sure na trauma anak nila kasi nakita sila AS PARENTS na binugbog ang isang matanda! Grabe talaga itong news na ito!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 149  JoeyfromNY

    05/10/2012 | 03:52 AM
    This is really sad. I didn't expect Raymart to behave like this. I guess we know who wears the pants in the family.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 148  SimonLaplace2

    05/10/2012 | 03:47 AM
    Kakaiyak naman si Raymart, kung gano nya kamahal si Claudine. Sana ganon din ako kamahal ng asawa ko!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 147  SimonLaplace2

    05/10/2012 | 03:46 AM
    May karapatan si Claudine magtalak. Bakit nandon ba kayo at alam nyo pano sya sinagot ng customer service. Maraming customer service na sablay kung alam nyo lng. And incase you forgot CUSTOMER IS ALWAYS RIGHT. Ang pangit sobra ng serbisyo ng Cebu Pac. Wake up people. Kahit ako many times gusto kong magwala, di ko lng magawa dahil hinde naman ako sikat at artista. Sometimes you have to do that because it is the only way you make people move! Etong Tulfo naman mega pakialam. OK naman sana yung explanation nya noong una. Kaso kalaunan di ko na gusto mga binitawan nilang salita. At very inconsistent. So I go for Clawclaw. Ang tanging mali ni Clawclaw ay nagmaldita sya, eh ano naman? KARAPATAN NYA YUN bilang nagbayad sya na customer.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 146  rhapsody123

    05/10/2012 | 03:46 AM
    Kung makita ko na ang 65 years old kong tatay ginugulpe at pinagtulongan ng mga tao, sa husgado talaga magkikita.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 145  Lzqm

    05/10/2012 | 03:44 AM
    any video to defend u guys? Dapat matagal na lumabas, e kau ang labas ng labas sa presscon e, i find it funny lol. Hugas kamay ni sorry wala kau binanggit.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 144  Lzqm

    05/10/2012 | 03:37 AM
    Wa na bigyan trabaho sa showbiz please. Mag focus na lang mag asawa sa family, magrefresh ng gmrc magbible study para makapagturo ng maganda sa anak.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 143  Lzqm

    05/10/2012 | 03:35 AM
    Sana wag na bigyan trabaho sa showbiz ang mag asawa. Madami naman jan talents hindi sila kawalan.. Mag focus na lang sa family life, mag turo ng gmrc sa anak, mag bible study :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 142  ironickme

    05/10/2012 | 03:32 AM
    Ang ugat ng gulo...Arogante itong mag-asawa. Kung sanay kang magbyahe, alam mo na kung minsan naiiwan or nauuna ang bagahe mo. Para mag iskandalo ka at laitin nag ground employees dahil celebrity ka or may powerful friends ka, it's wrong. Pangalawa, kung may physical threat sa sayo at sa family mo, instict of a good father is to secure the wife and kids and bring them to a safer place. Sa video kitang pinagtutulungan ng mag-asawa si tulfo. Pano naging child abuser ang victim of physical violence? Be humble guys, soon you won't be celebrity anymore. Arogante.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 141  liwayway

    05/10/2012 | 03:26 AM
    kayo na ang magcompare and contrast! sa video, parang mga maton na walang tigil at ayaw paawat sa pambubugbog. sa presscon, bumaliktad, naging magalang, humble, may problema ang paglakad, paiyak iyak. that is why it's called ACTING.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 140  sharmanjoshi

    05/10/2012 | 03:25 AM
    child abuse? but they are also at fault on their part! Their kids may have witnessed their mom got kicked BUT they also witnessed Claudine bashing and cursing a helpless employee at nagsisisigaw pa and witnessed both of their parents punching this man on the ground. So ok lang pag sila ang sumusuntok? It's violence on both ends. Ito namang mga Tulfo, advantage na sana nila if they didn't threaten them on National TV. They both made a fool of themselves. And NAIA and CEBU Pacific is the worst of them all.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 139  mccec65

    05/10/2012 | 03:22 AM
    i would like to see this couple, RG and the mom in jail. matauhan man lang ba.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 138  sharmanjoshi

    05/10/2012 | 03:12 AM
    SO, Tulfo vs. Barettos, Anabelle/Ruffa vs. Amalia Fuentes, Anabelle vs. Nadia, AraMina vs. Cristine, Casino vs. Eigenmann/Magalona/Lacson etc, Miriam Quiambao vs. LGBT, Gumatay vs. Pempengco, Gumatay vs. DJ Mojo, Gumatay vs. Rhian vs. People of the Philippines... O SINO BET NYO? SINO ANG TKO? ILANG ROUNDS KAYA? buti na lang nagkabati na si Shawie and Helen Gamboa at hindi na nadaan sa pagsampa ng kaso! idaan sa mabuting usapan at maging humble naman sana itong mga ito
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 137  Syete

    05/10/2012 | 03:06 AM
    Baligtad na ba ang mundo? Hindi pa kita naman na sila ang nambugbog? Ano ba yan. Sino mang judge ang didinig, please dismiss this case, this is a waste of tax payers' money!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 136  rhapsody123

    05/10/2012 | 03:00 AM
    Kapal naman ng mukha ng dalawang ito. Sila pa ang mag file ng child abuse, sila naman ang may kagagawan. Sa harap ng mga bata, nang gulpe ng senior citizen. Yan ba ang tinuro niya sa mga anak niya? Pinagtulongan pa ang tao, dahil lang ayaw niyong ma bulgar ang masamang ugali ng isang babaeng laos. Matapos niyang tinalakan ang mga employees sa CP, hayon, sinugod naman ang iba at nang gulpe sa harap ng kanyang mga anak kasama pa ang kanyang under de sayang asawa. Haaay , kakainis talaga...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 135  Lzqm

    05/10/2012 | 02:57 AM
    Sinakal mo raymart ung matanda hello. Sana makulong kau. At totoo he was running out of breath as he claimed. I could hear it clearly sa video. Sana namatay ung matanda para naging cccrrriiimmmiiinnnaaallllsss kau.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About