Gwendoline Ruais thinks that she will be more effective as TV host rather than being a total performer. As for her stint in GMA-7's Party Pilipinas, Gwen says: “It’s not that I don’t enjoy dancing. Medyo awkward lang for me kasi bukod sa masyado akong matangkad, hindi talaga ako sumasayaw. Hindi ko iyon forte talaga."

 

 

 

a

Photo: Noel Orsal

Naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miss World 2011 First Princess Gwendoline Ruais sa formal launch ng Miss World Philippines 2012 sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, last May 8.

Ang Miss World Philippines franchise ay hawak na ng Kapatid Network TV5 at ni Ms. Cory Quirino.

Sa panayam ng PEP kay Gwendoline, malamang daw na sa TV5 na niya ituloy ang kanyang showbiz career.

NO EXCLUSIVE CONTRACT. Wala naman daw kasi siyang anumang kontrata with GMA-7, kung saan napapanood siya regularly, at ang kontrata lang niya ngayon ay sa Miss World Philippines.

   

Pumirma rin siya kamakailan ng managerial contract with Viva Artist Agency (VAA) at sila na ang bahala sa magiging projects niya sa TV at baka pati sa pelikula.

   

Ani Gwen, “I never had a contract naman with GMA-7. But they are generous enough to put me in their shows like Party Pilipinas.

    

“Ms. Cory entrusted me to them after I won Miss World Philippines and even after I won First Princess in the Miss World 2011.

    

“But now that Miss Word Philippines is with TV5 na, and I signed a managerial contract with Viva Artist Agency, I guess I will be seen more na sa TV5.

    

“And just the same, Ms. Cory was nice enough to recommend me with VAA.

“But I will still be visible with all the activities of Miss World Philippines as we go on the search for new candidates nationwide.”

     

Mas marami raw magagawa si Gwen bilang isang TV host kesa sa mag-perform—na kadalasan niyang ginagawa sa Party Pilipinas.

    

“It’s not that I don’t enjoy dancing," paglilinaw niya.

“Medyo awkward lang for me kasi bukod sa masyado akong matangkad, hindi talaga ako sumasayaw. Hindi ko iyon forte talaga.

    

“But I am thankful naman for GMA-7, especially sa Party Pilipinas, kasi nagawa nilang pasayawin ako.

“Kahit na feeling ko ay nagkakamali ako, may mga fans na gustung-gusto akong makitang sumasayaw.

    

“Siguro they enjoy my awkwardness.

“I don’t know, pero natutuwa sila sa ginagawa ko sa Party Pilipinas!” tawa pa ni Gwen.

    

OWN TALK SHOW. Kung sakaling bigyan ng sariling talk show si Gwen, hindi raw niya ito tatanggihan, pero malaking pressure iyon sa kanya.

    

“Who would say no kung may ganyang offer, di ba?

    

“But I still have to learn the ropes. It’s not enough for me to say na porke’t madaldal ako, e, I can be a good TV host overnight.

    

“I still have so much to learn and I am willing to go through those workshops.

“There’s nothing wrong in making improvements sa sarili mo, di ba?

    

“Para masabi nila na hindi lang ako beauty queen na kakaway-kaway, but I can do other things that will be an interest to many.”

    

NO CONFLICT. May balita na sa isang pictorial session ay nagkaroon daw ng hindi magandang palitan ng salita si Gwen at ang former Bb. Pilipinas-Universe at Miss Universe 2010 4th runner-up na si Venus Raj.

“I heard about that at wala akong matandaan na may pinag-awayan kami ni Venus,” mabilis na pagtanggi ni Gwen.

    

“Venus is one of my good friends—para na kaming magkapatid niyan.

“So, bakit naman kami magkakaroon ng problema?

    

“Nagkausap na kami ni Venus regarding that at nagtawanan lang kami.

“Kasi wala naman talagang problema between us.”

    

NOT AFFECTED. Parehong nakakuha ng magagandang puwesto sina Gwen at Venus sa respective beauty pageants na sinalihan nila.

    

Kaya, ayon kay Gwen, “I am somehow sad because many people are saying na yumabang daw ako—it is not true at all.

    

“Kung may ganyang akong attitude, hindi papayag ang family ko na ganyan ako.

“I was raised by my parents na maging down-to-earth and never be arrogant.

“So bakit ko naman gagawin ang alam kong hindi magandang attitude?

    

“At kung may nagbago man sa akin, it’s just that I had this title. Yun lang naman.

“But I am still the same Gwendoline Ruais that my family and my friends know.