Panibagong yugto ng career ni Jolina Magdangal-Escueta ang maging host ng isang programang tulad ng Personalan, na ipapalabas sa GMA News TV pero prinodyus ng GMA-7 entertainment TV.
Mula sa pagiging guest host, sina Jolina at Jean Garcia ang napili para maging regular hosts ng naturang programa na napapanood gabi-gabi. Alternate ang paghu-host nina Jolina at Jean.
FROM GUEST HOST TO REGULAR HOST. Naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolina sa taping ng Personalan noong Miyerkules, May 9, habang gumagawa ng sarili niyang notes.
Ayon kay Jolina, akala raw niya ay guest lang siya noong una bilang tagabigay ng komento. Nagulat nga raw siya na guest host pala siya noon.
Si Ali Sotto ang orihinal na host ng public-affairs program na ito. Pero kinailangang mag-resign nito sa show dahil sa family matters na kailangan niyang asikasuhin sa U.S.
(CLICK HERE to read related story.)
Kuwento ni Jolina, “Sinabi ni Ate Tracy [Backy], handler ko, na host nga raw ako.
“Talagang ako, ‘Huh?’ Kasi ako, naiisip ko ‘pag ganoon, mukha bang trying hard ako?
“Bigla kong pini-picture ang sarili ko, ginagawa ko na.
“Nakikita ko ba ang sarili ko na gumigitna sa away o nagre-resolba lang? Kasi totoo siya, di ba?
“Nakapanood na ako ng mga ganoon dati, hindi ako naniniwala—yung sa America.
“Sabi ko, ‘OA naman. Puwede mo bang saktan ang mommy mo nang ganoon?’
“E, siguro yung napanood ko sa America, ganoon sila, e. ‘Tapos may papasok na mga bouncer.
“Pero ngayon, noong tinitingnan ko, talaga namang sa Filipino, ganoon ang feeling.
“Hanggang sa ‘eto na, naupo na ako sa puting upuan na ‘yan, yun na!” natatawa niyang sabi.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
21 gayfairy
20 Paradigm
19 Tweetumzz123
18 mandersnork
17 steelwings
16 steelwings
15 steelwings
14 Paradigm
13 steelwings
12 coolitz4coolitz
11 steelwings
10 ka_epal
9 BlueBonnet
8 oskieness
7 merlion_25
6 happiness1974
5 KDL
4 kers
3 brokenheartedone
2 frida_kadiff
more comments