Jessica Sanchez is the second half-Pinay who made it to the Top 3 of American Idol.

The other one is Jasmine Trias, who finished third at the show's third season in 2004.

Photo: Internet Photo

Pasok sa Top 3 ng American Idol Season 11 ang 16-year-old Filipino-Mexican-American na si Jessica Sanchez.

Natanggal sa elimination kanina, May 11, si Hollie Cavanagh, kaya nakasama ni Jessica bilang finalists sina Joshua Ledet at Phillip Phillips.

Simula pa lang ng competition ngayong season ay itinuturing nang isa sa pinakamalakas na contenders si Jessica dahil sa kanyang pure and powerful voice.

Hindi naman binigo ni Jessica ang AI judges at ang kanyang followers dahil halos lahat ng performances nito ay umani ng papuri.

Ngunit muntik nang maglaho ang pangarap ni Jessica na maging American Idol noong pipiliin na ang Top 7, at siya ang nasa "bottom."

Pero ginamit ng AI judges na sina Steven Tyler, Jennifer Lopez, at Randy Jackson ang kaisa-isa nilang Save ngayong season.

Kaya, naligtas nila si Jessica mula sa pagkaka-eliminate.

Next week ay uuwi sina Jessica, Joshua, at Phillip sa kanilang kanya-kanyang hometowns para sa "Idol Homecoming."

Si Jessica ang ikalawang half-Pinay na nakaabot sa Top 3 ng American Idol.

Sa Season 3 ng show ay umabot din si Jasmine Trias, na naging third placer kina Fantasia Barrino (winner) at Diana DeGarmo (runner-up).