Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), which is presently headed by Grace Llamanzares-Poe (left), says T3: Kapatid, Sagot Kita is under its jurisdiction since it belongs to the "public affairs" category.

 

MTRCB spokesman Atty. Toto Villareal adds, "Only straight news are exempt from MTRCB review."

Photo: Noel Orsal

Kahapon, May 10, ay binigyan ng 20-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang TV5 public affairs program na T3: Kapatid, Sagot Kita.

Ito ang aksiyon na isinagawa ng kagawarang pinamumunuan ni Grace Poe-Llamanzares sa mga reklamo tungkol sa naganap na pagbabanta ng mga hosts nito sa mga bumugbog sa mamamahayag na si Mon Tulfo.

Matatandaang nag-ugat ito sa away na nagyari noong May 6 sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kinasasangkutan nina Raymart Santiago, ang asawa niyang si Claudine Barretto, at ang kolumnistang si Mon Tulfo.

Samantala, ipinahayag naman ng TV5 President and CEO na si
Atty. Ray Espinosa na ang suspension ay “illegal” at labag sa freedom
of the press, na nasasaklaw sa freedom of speech and expression.

Magsasampa rin daw ang TV5 ng reklamo sa Court of Appeals ngayong araw
para labanan ang desisyong ito.

UPDATE. Ngayong umaga, May 11, ay nakatanggap ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ng text message mula sa spokesman ng MTRCB na si Atty. Toto Villareal.

Naglalaman ito ng official statement ng governing body bilang sagot sa pahayag ng TV5.

Dito ay kinontra ng MTRCB ang sinabi ng Kapatid station na wala sa jurisdiction nila ang T3: Kapatid, Sagot Kita, na nasa katergorya ng public affairs.

Ang saad ni Atty. Villareal: "Only straight news are exempt from MTRCB review and not programs with 'news analyses, commentaries, or opinions.'"

Sa isyu naman na labag daw ito sa freedom of speech, ang sagot ng MTRCB: "it is basic that is not without exception."

Nakatakdang magkaroon ng hearing sa darating na Lunes, May 14, para sa
mas malalimang pagtalakay sa isyung ito.

Narito ang buong pahayag ng MTRCB (published as is):

On the reported plan of tv5 to refer the preventive suspension to
another forum based on the suggestion that MTRCB has no
jurisdiction,we sincerely hope that it would seriously rethink its
position since T3 is a public affair program, and as early as the 2005
case of MTRCB v ABS CBN it was already ruled that only straight news
are exempt from MTRCB review and not programs with “news analyses,
commentaries, or opinions” – the latter being public affairs.

In fact, when T3 applied for its permit for television exhibition, it
applied as a pulic affairs program.

On the issue of freedom of speech and expression, it is basic that is
not without exception.


In any case, there will be a hearing this Monday.