Claudine Barretto’s camp says they’re ready to face the charges that Charisse Bocboc, NAIA’s ground stewardess, may file against the actress before the Commission on Human Rights.

Photo: Melo Balingit

Planong kasuhan ng pamilya ni Charisse Bocboc si Claudine Barretto.

Si Charisse at ang kasamahan niyang si Kristine Ilagan ang mga empleyado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, na napag-initan ng aktres noong Linggo ng tanghali, May 6.

Ito’y matapos maiwan ang mga bagahe nila Claudine sa Caticlan airport, mula sa bakasyon nila sa Boracay, dahil kinailangan itong i-offload "for safety purposes."

Ang pagwawalang ito ni Claudine ang pinagmulan ng away ng asawa niyang si Raymart Santiago at ng veteran broadcaster na si Mon Tulfo sa nasabing terminal.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa report ni Alex Santos sa ABS-CBN News kagabi, Mayo 10, nasaktan daw ang ina ni Charisse na si Elizabeth Bocboc sa ginawa ni Claudine sa kanyang anak.

Ani Elizabeth, “Napakasakit naman talaga ang ginawa niya, duru-duruin niya ang anak ko.

“Binababoy niya, e.

“Iyan ay pinapaaral namin, hindi sa pinapaaral namin na mumurahin lang at babastusin.

“Napasakit lang bilang nanay!

“Di yung husgahan nila agad o mumurahin nila agad porke't mayaman sila mahirap lang kami.

“Kaya ang ano ko sa kanila, sana naman ma-realize nila [ang mali nila].”

Dagdag pa nito, umiiyak daw ang kanyang anak nang umuwi ito sa kanila noong araw na maganap ang naturang insidente.

Apat na araw din daw lumiban si Charisse sa kanyang trabaho.

Gayunman, nakapagpasa na ang kanyang anak ng written affidavit tungkol sa insidente, at pinayuhang huwag munang magkomento, lalo na sa isyu sa pagitan nina Raymart at Mon.