news

Claudine Barretto may face charges from NAIA ground stewardess’s family

by Joyce Jimenez posted on May 11, 2012  STATS: 70933 Views | 328 Comments

Claudine Barretto’s camp says they’re ready to face the charges that Charisse Bocboc, NAIA’s ground stewardess, may file against the actress before the Commission on Human Rights.

Photo By: Melo Balingit

Planong kasuhan ng pamilya ni Charisse Bocboc si Claudine Barretto.

Si Charisse at ang kasamahan niyang si Kristine Ilagan ang mga empleyado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, na napag-initan ng aktres noong Linggo ng tanghali, May 6.

Ito’y matapos maiwan ang mga bagahe nila Claudine sa Caticlan airport, mula sa bakasyon nila sa Boracay, dahil kinailangan itong i-offload "for safety purposes."

Ang pagwawalang ito ni Claudine ang pinagmulan ng away ng asawa niyang si Raymart Santiago at ng veteran broadcaster na si Mon Tulfo sa nasabing terminal.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa report ni Alex Santos sa ABS-CBN News kagabi, Mayo 10, nasaktan daw ang ina ni Charisse na si Elizabeth Bocboc sa ginawa ni Claudine sa kanyang anak.

Ani Elizabeth, “Napakasakit naman talaga ang ginawa niya, duru-duruin niya ang anak ko.

“Binababoy niya, e.

“Iyan ay pinapaaral namin, hindi sa pinapaaral namin na mumurahin lang at babastusin.

“Napasakit lang bilang nanay!

“Di yung husgahan nila agad o mumurahin nila agad porke't mayaman sila mahirap lang kami.

“Kaya ang ano ko sa kanila, sana naman ma-realize nila [ang mali nila].”

Dagdag pa nito, umiiyak daw ang kanyang anak nang umuwi ito sa kanila noong araw na maganap ang naturang insidente.

Apat na araw din daw lumiban si Charisse sa kanyang trabaho.

Gayunman, nakapagpasa na ang kanyang anak ng written affidavit tungkol sa insidente, at pinayuhang huwag munang magkomento, lalo na sa isyu sa pagitan nina Raymart at Mon.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

328 Comments

  • Lieutenantcaine

    05/11/2012 | 12:03 PM
    Hala bira labo labo na
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tineetinee

    05/11/2012 | 12:00 PM
    buti nga sa yo, Claudine!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rotoscaper

    05/11/2012 | 11:59 AM
    good for the ground stewardess's fam.ubusin niyo si claudine.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • itnok

    05/11/2012 | 11:59 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Pulmoll_0709

    05/11/2012 | 11:55 AM
    hahahahahahha sa dami ng kapalpakan ng cebu pacific e sana marami na clang kinasuhan na mga passengers na kung mura murahin cla e hanggang langit. minsan may nakasabay ako gamit credit card sabihin ba namang fake e lagi na lang ginagamit yung cc na yun. modosang ng mga nasa loob para offload tapos kukuha ng bagong passenger na nag hihintay ng vacant seat. nakakaloka ang cebu pac.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • genre475

    05/11/2012 | 11:54 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About