Ogie Alcasid (in photo, as Boy Pick-up) is willing to help both Charice and Mo Twister because the singer-composer-actor is all for peace: “If Charice needs our help we’ll help her, but suma-tutal, kung puwede silang magkabati, gagawin naman namin yun.”

Photo: Noel Orsal

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie Alcasid sa shooting ng GMA Films at Regal Entertainment Inc. movie na Boy Pick-Up (The Movie) sa MetroTiles sa Tomas Morato kahapon, May 10.

 

RUFA MAE QUINTO. Ang unang itinanong ng PEP kay Ogie ay kung napag-uusapan ba nila ng kasamahan niyang si Rufa Mae Quinto ang tungkol sa napapabalitang paglipat ng sexy comedienne sa TV5.

“Hindi pa. Actually hindi ko siya nakausap tungkol sa bagay na 'yan.

“Nakaka-text ko lang. Hindi ko siya tinanong.

"Sinabi ko lang na… nag-text kasi siya sa akin, e, out of the blue. Sabi ko, ‘O, kumusta ka?’

“Ang sinabi ko lang, ‘Kung anuman 'yang desisyon mo, ipagdasal mo. Kasi mahirap yung nagdedesisyon ka base sa pang-tao mong diskarte!'” natatawang kuwento ni Ogie.

Patuloy niya, “’Kasi ang diskarte lagi natin, mali, bilang tao. So humingi ka ng guidance, kung ano ang best way and He’ll let you know naman kung saan ka.’

“So, sabi lang niya, ‘Gow!’ Siguro nakinig na siya.”

Matagal silang magkasama ni Rufa Mae sa Bubble Gang pero wala silang napag-usapang kahit ano tungkol sa paglipat?

“Hinihintay ko siya mauna , e. Kasi… ginaganun ko lang siya niloloko ko, ‘O, ano na Rufa Mae, what’s up?’

“Gumaganun lang ako sa kanya, pero tumatawa lang siya.

“So siguro naghahanap siya ng pagkakataon na magkausap talaga kami.”

Nasa Bubble Gang pa sa ngayon si Rufa Mae; sa tingin ba ni Ogie ay aalis ang komedyana sa kanilang show?

“No. Ang alam ko, she has a contract with Bubble Gang. You may correct me, I’m not sure.”

So, sa show lang may kontrata si Rufa Mae at hindi sa network?

“So, kung ganoon nga, I don’t think there’s any legal impediment for her to work for Channel 5.