[x]

Naniniwala si Pia Magalona na walang kinalaman ang anak niyang si Frank Magalona sa nangyaring pambubugbog kay Albie Casiño noong Mayo 5 sa isang bar sa Makati. “I take his word for that because may communication naman kami and nasasabi naman niya [lahat sa akin]. Kasi kung talagang meron siyang ginawang mali, kailangan niyang harapin iyong pagkakamaling iyon at baguhin," saad niya.

Photo: Noel Orsal

Noong Miyerkules, Mayo 9, pinarangalan ng Absolute Distilled Water ang limang “Absolutely Inspiring Moms” sa pamamagitan ng isang awarding ceremony na ginanap sa M Café sa Greenbelt, Makati.

Kabilang sa mga pinarangalan ang biyuda ni Master Rapper Francis Magalona na si Pia Magalona.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Pia, inihayag nito ang kagalakan sa natanggap na award.

“This is the first time I’m ever going to be recognized actually for being a mom and I’m very grateful.

“Kasi siyempre, I’ve aways been behind the scenes lang lagi. Si Francis was always the one who’s in the forefront.

“So now, I’m so glad. I do embrace it na.

"I have to accept the credit, I give myself credit for that and I’m very proud to be a mom.

“I’m very proud to be [called] a good mom, a good parent.”

Isa umano sa sikreto ni Pia sa pagiging mahusay na ina ay ang pagkakaroon niya ng bukas na komunikasyon sa kanyang mga anak.

“That’s what I want to teach in other people na in the family very important iyong communication with each other.

“Basta meron kayong gano’n, madali lang na mapag-usapan talaga lahat whether it’s bad or good," sabi niya.

ISSUE WITH SON FRANK MAGALONA. Kasama siyempre sa napag-uusapan nilang mag-iina ang mga problemang pinagdadaanan ng mga bata, 'tulad na lamang ng kinasasangkutang isyu ngayon ng panganay nila ni Francis na si Frank Magalona.

Isa kasi si Frank sa mga itinuturong nanakit umano sa Kapamilya actor na si Albie Casiño sa parking lot ng Fiamma Bar, Makati noong Mayo 5.

(CLICK HERE to read related story)

Dismayado si Pia na nadadawit ang pangalan ng kanyang anak sa kontrobersiya.