[x]

Naniniwala si Pia Magalona na walang kinalaman ang anak niyang si Frank Magalona sa nangyaring pambubugbog kay Albie Casiño noong Mayo 5 sa isang bar sa Makati. “I take his word for that because may communication naman kami and nasasabi naman niya [lahat sa akin]. Kasi kung talagang meron siyang ginawang mali, kailangan niyang harapin iyong pagkakamaling iyon at baguhin," saad niya.

Photo: Noel Orsal

Ayon sa kanya, “Iyon lang binigay kong statement, I want to keep it at that na I really want to say na iyong media, bakit nilalabas nila iyong mga pangalan ng taong hindi naman pa formally charged or proven or anything like that?

“Para sa akin kasi, my son is 24 years old.

"So, ever since he became an adult, meron na siyang sariling pag-iisip, sariling mga desisiyon na ginagawa.

"And I do trust iyong guidance na binigay namin sa kanya habang lumalaki na iyon ang sinusunod rin niya.

“And masasabi ko lang kasi na tingnan n'yo rin iyong history ng family namin.

“Wala naman kaming mga—not that we’re really like trying to put [out] an image, wala kaming image, kami lang talaga ‘to—wala naman kaming inaagrabyado or anything like that and hindi rin kami violent na tao.

“So, para sa akin, napaka... masakit talaga sa akin na nalabas sa media iyong pangalan niya, e, according to him, hindi naman [siya kasama].

“I wasn’t there as an eyewitness so ayoko magsalita na as if nandoon ako, di ba?

“So, ang sa akin lang, well, you could judge character, di ba? So I judge my son’s character na hindi naman siya gano’ng klaseng tao.”

Ano nga ba ang naikuwento sa kanya ni Frank tungkol sa insidente?

“Well, sabi nga niya he was at the party, which was in Fiamma, but he was at a party and he was not with the people mentioned.

“So, I take his word for that because may communication naman kami and nasasabi naman niya [lahat sa akin].

“Kasi kung talagang meron siyang ginawang mali, kailangan niyang harapin iyong pagkakamaling iyon, di ba, at baguhin.”

Ano naman ang masasabi niya sa planong pagsasampa ng criminal case ng mga magulang ni Albie laban sa mga nanakit sa kanilang anak?

“I don’t really know so I can’t comment on that. I have no idea about that.