Nikki Gil believes that for a relationship to last, there should be mutual trust. She shares that they need to be separated once in a while to experience missing each other. “Iba na ang level ng trust namin sa isa’t isa... iba na."

Photo: Noel Orsal

Kumpirmadong nakaalis na ng bansa last April 30 ang singer/TV host na si Billy Crawford patungong Paris para i-pursue ang naiwanan niyang singing career doon. 

Mga magagandang proyekto ang naibinigay sa kanya ng ABS-CBN at naging maayos din naman ang relasyon nila ng girlfriend niyang si Nikki Gil.

   

Last Sunday in ASAP Rocks, naka-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nikki at ibinalita niyang hindi niya naihatid ang boyfriend sa pag-alis nito.

   

“One week na bale nang umalis siya.  Hindi ko na siya nahatid  sa airport, unfortunately nagte-taping ako. 

“Siyempre hindi mo naman puwedeng ipaalam yun–personal yung lakad.

“Nagpunta na lang siya sa taping ko to say goodbye, medyo may kadramahan na naganap. 

“Sabi ko nga, ‘Ngayong araw na ito, parang mas marami pa akong iniyak off-cam kaysa on-cam,’ pero okay lang… ganun talaga.

    

“Nagakahiwalay din naman kami before nang medyo matagal during the Sarah Geronimo’s US tour but we saw each other halfway.

“Kasi ang Mommy ko saka ako, nagpunta kami ng States so nagkita kami ni Billy. 

“Ito, hindi talaga kami magkikita at all, sa July na.”

OPEN LINES. Ayon naman kay Nikki, constant ang communication nila ni Billy at halos araw-araw silang magkausap.

  

“Nag-i-skype naman kami everyday, nagkakatawagan naman kami araw-araw, okay naman siya.

“Busy siya sa meeting, marami siyang kung sino-sinong kausap, nagpapa-sexy, nagte-training, marami siyang hanap, recording. 

“’It’s looking good–perfect timing,’ sabi niya.”

Aminadong emosyonal, malungkot at name-miss nila ang isa’t isa lalo’t nasanay na sila na laging magkasama.

Pero alam nilang makabubuti sa kanila ang naging desisyon ng boyfriend.

   

“Oo, pero kasi pareho naman kami siguro, na what alleviates the pain is the fact na, makakabuti ito para sa kanya, makakabuti rin ito para sa akin. 

“Siyempre kailangan din ng relationship namin ng…

“Para ma-miss naman namin ang isa’t isa dahil halos araw-araw naman kaming nagkikita.

  

“Actually hindi rin naman araw-araw because yung pinanggalingan namin–nag-movie, [nag] Showtime, then nagte-taping ako…

“So bihira din kaming magkita prior to his leaving.