Nikki Gil believes that for a relationship to last, there should be mutual trust. She shares that they need to be separated once in a while to experience missing each other. “Iba na ang level ng trust namin sa isa’t isa... iba na."

Photo: Noel Orsal

“But oo, siyempre adjustment pa rin.

“Pero kasi siguro mabuti na rin yung nangyari  at this point of our relationship, kasi matagal na rin kami-kami.”

  

LONG-DISTANCE AFFAIR. Siniguro ni Nikki ang tiwala nila sa isa’t isa kahit masasabing long distance relationship ang mangyayari sa kanila sa loob ng dalawang buwan.

“Iba na ang level ng trust namin sa isa’t isa... iba na. 

“Hindi namin masu-survive yung relationship namin nang ganito katagal kung wala kaming trust sa isa’t-isa.”

Sinabi dati ni Billy na hindi niya sigurado kung dalawang buwan lang o puwedeng ma-extend ang stay niya sa Paris dahil depende ito sa tatakbuhin ng mga pangyayari.

Ayon kay Nikki, ang tanging assurance ng pagbabalik ni Billy ay ang pinirmahan niyang kontrata sa ABS.

“There is, but ang pinanghahawakan ko ay ang kontrata na kapipirma lang niya. 

“Hindi rin naman puwede siyang magtagal dun because he has commitments here. 

“Hindi rin naman siya puwedeng mag-extend nang bongggang-bongga sa France so he will be back definitely.”

CURRENT PROJECT. Bida/kontrabida ang role sa Mundo Man ay Magunaw kung saan kinakikitaan ng husay sa pagganap si Nikki.

Masaya ang actress sa magandang feedback at mainit na pagtangkilik ng publiko sa Mundo.

  

“Siyempre masaya ka basta makaramdam ka ng anumang klase ng suporta, lalo na alam mong pinaghirapan mo at ng grupo ninyo.   

“Ako, I’m overwhelmed with gratitrude, nagpapasalamat ako sa  mga pamilya natin na talagang sinusundan nila yung kuwento. 

“Siyempre mas na-e-encourage lang kaming cast na mas lalo  pa naming pagbutihin.

  

“Marami pa silang dapat abangan. Kumbaga nasa tip of the iceberg pa lang tayo.

“Marami pang magaganap na akala mo wala na kasi siksik na yung kuwento.”