Just when people thought Jake Cuenca and Lovi Poe already stopped communicating with each other, the actor admits: “Oo naman may communication kami, we have [mutual] friends din. Basta ‘pag ano na ako, ‘tulad ng sinabi ko…'pag handa  na ako to open up, I will. Sa ngayon, I’m blessed, inspired and happy."

Photo: Noel Orsal

Marami ang nagulat sa nakaraang guesting ni Jake Cuenca sa Bandila nang sabihin nito na bukod sa pangalan ng kanyang ina na Rachelle, ang pangalang Lourdes Virginia ang sumunod na pinakamagandang pangalan para sa kanya. 

Ang Lourdes Virginia ay tunay na pangalan ng sexy actress na si Lovi Poe na iniisip ng iba na pinatutungkulan ni Jake sa mga emosyunal na mensahe niya sa Twitter.

    

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan kay Jake sa pictorial ng Kahit Puso’y Masugatan, isang bagong show na sisimulan ng ABS-CBN, itinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung si Lovi Poe ba ang pinatutungkulan niya sa interview niya sa Bandila.

    

“Oo, magandang pangalan talaga yun. Inside and out, napakaganda niyang tao.

“Everything in her is beautiful. Sa akin, walang kaduda-duda, she’s a very amazing person. 

“Yung kagandahan niya, she’s a beautiful person inside and out. 

"Hindi lang sa pisikal, pero pati yung personality niya napakakulay, napakaganda.”

Matapos nilang ma-link noon ay biglang wala nang balita sa kanila ni Lovi. Tuluy-tuloy ba ang komunikasyon nila ng aktres hanggang ngayon?

  

“Oo naman may communication kami, we have [mutual] friends din. 

"Basta ‘pag ano na ako, ‘tulad ng sinabi ko…'pag handa  na ako to open up, I will. 

“Sa ngayon I’m blessed, inspired and happy. Yung focus ko talaga nasa trabaho din.

“Siya din ang dami ring magagandang nangyayari sa kanya. Ibalato na ninyo muna sa akin.”

PAST RELATIONSHIPS. Naging bukas si Jake sa mga nakaraang relasyon niya. Mula sa naging relasyon nila ni Roxanne Guinoo, maging yung sa kanila ni Melissa Ricks. Ngayon, mas magiging pribado na raw ang actor sa kanyang buhay-pag-ibig.

   

“Mas private, mas okay. Kilala ninyo naman ako, ilang issues na ang pinagdaanan ko.

“’Pag handa ako, sasabihin ko naman. Sa ngayon, yun lang. Nasabi ko na ang lahat ng kailangan kong sabihin.”

SHAINA MAGDAYAO. Ngayong kumpirmadong hiwalay na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao na kapareha ni Jake sa Kung Ako’y Iiwan Mo, may ilang fans ang umaasa na baka ngayon daw ay puwede nang magkagustuhan sila ng dalaga sa totoong buhay.   

“Sa lahat ng nagtu-Tweet na bagay kami, sobrang nakaka-flatter kasi ‘di nila nakikita sina Jake at Shaina kundi yung mga characters namin at nakakataba ng puso yun.”

   

“Siguro maaga pa. Kaibigan ko si John Lloyd, kaibigan ko din si Shaina. 

“Siyempre lahat naman tayo hoping for the best na sana maayos nila kung anuman ang pinagdaraanan nila. Sana maging maganda ang ending.

   

“Actually, di pa kami nagkikita ni Shaina kasi yung mga kinukunan na eksena, magkahiwalay kami.

“Pero alam naman ni Shaina na I’ll always be here for her. She’s one of my favorite co-stars.