Majority of the PEPsters think Claudine Barretto should not have "verbally abused" the ground stewardess, and that Raymart Santiago and company should not have engaged in violence.

Photo: Melo Balingit; screen shot from TV5

Ang isyu na kinasangkutan nina Raymart Santiago, Claudine Barretto, at Mon Tulfo ang tinutukan at pinag-usapan ng publiko nitong nakaraang linggo.

Simula May 6, petsa kung kailan naganap ang away sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), hanggang May 9, labing-walong artikulo ang inilabas ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) tungkol sa isyu.

Sa kabuuan, nagkaroon ng 3,140 comments (maliban sa mga naging inactive at naulit) tungkol sa airport incident.

Isa-isa namin silang binasa para malaman ang pulso ng PEPsters. Narito ang detalye:

  Total %
Pro-Mon 258 8.2
Pro-Raymart and Claudine 280 8.9
Anti-Mon 597 19
Anti-Raymart and Claudine 1,252 39.9
Neutral/ Others 753 24

Ang mga opinyon ay hinati sa limang kategorya.

Lahat ng "Pro" comments ay nangangahulugang positibo para sa kanilang kinampihan, samantalang lahat ng "Anti" ay mga negatibong reaksiyon.

Ang "Neutral/ Others" ay para sa mga komentong walang kinampihan, tungkol sa airport at Cebu Pacific, kasama ang mga off-topic na binanggit pati ang mga pangalang Nora Aunor at Marian Rivera.

Ang sinuring comments ay nagmula sa mga sumusunod na artikulo:

1) Raymart Santiago and Mon Tulfo engage in fistfight over flare-up video of Claudine Barretto at the airport