Celebrities reveal how they spend time with Mommy: (L-R) Sam Oh and mom swap recipes, Nina shares stories with Mama, while Enchong Dee and his best girl are starting a business.

Photo: Noel Orsal

Isang beses sa isang taon ay ipinagdiriwang natin ang araw ng mga nanay o mas kilala bilang Mother’s Day.

Ito’y pinagdiriwang tuwing ikalawang Linggo ng Mayo, at para sa taong ito’y pumatak siya sa petsang Mayo 13.

Bagamat abala ang mga paborito nating artista, nagagawa pa rin ng ilan sa kanila na makipag-bonding sa kanilang mga nanay.

Inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang bonding moments nina Enchong Dee, Sam Oh, at Nina kasama ang kanilang mga butihing ina.

FUN IN THE BIZ. Hindi man gano’n kagarbo ang kanilang ginagawa, sinisiguro ng tatlong personalidad na ito na masaya at hindi malilimutan ang kanilang oras kasama si nanay.

Tulad na lamang ni Enchong, kahit pa tungkol sa negosyo ang bonding nilang mag-nanay ay nagagawa pa rin nilang masaya ito.

“At the moment, ha, ang pinaka-bonding namin is ‘yong construction of the building na I wanted to have.

“So, lagi naming pinag-uusapan, ‘Anak, may BIR plate ka na,’ ‘yong plate ng BIR, ‘tapos, ‘Anak, ito na ‘yong dapat mong bayaran. Anak, ito na lang natitira mong pera.’

“So, it’s more of the business, the fun of the business.”

SHARING STORIES. Nakatira pa rin si Soul Siren Nina kasama ng kanyang ina, kaya naman ang simpleng kuwentuhan na ginagawa nila ang naglalapit sa kanilang dalawa.

“So, everyday is a bonding day for us.

“So, kung may mga lakad siya kinukwento niya sa akin, and kung may mga concerns siya, not only sa akin but also kahit kanino, sinasabi niya.

“So, everyday is a bonding day for us, kasi magkasama kami sa bahay.”

SWAPPING RECIPES. Hindi naman nakapagtataka na pagluluto at pagkain ng iba’t ibang putahe ang bonding nina Sam at kanyang nanay.

Bilang host ng isang cooking show, bukod sa natututo siya'y mas nagiging malawak ang kanyang pamilyaridad sa iba’t ibang putahe.