Suzi Entrata-Abrera is looking forward to spending Mother's Day with husband Paolo, and their three daughters, Leona, 8,  Jade, 7, and Nela, 6. She shares: “Usually, breakfast in bed ako. Nilulutuan nila ako ng pancake, bacon, tapos may orange juice. So, sabay-sabay kaming kumakain sa kama. E, di ba bawal yun? So, once a year kaming sama-samang kumain sa kama.”

Photo: Glen P. Sibonga

Mother’s Day na bukas, May 13, kaya may kinalaman dito ang inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa celebrity mom na si Suzi Entrata-Abrera.

Nakausap namin siya sa grand press launch ng Clara Ole Ora Mix Mo specialty fried rice mix na ginanap sa 55 Events Place sa Sct. Rallos, Quezon City kahapon, May 11.

Siya kasi ang nagsilbing host sa naturang event na tinampukan din ng sikat na Pinoy chefs na sina Chef Sandy Daza at Chef Eugene Raymundo. Special guest naman si Junior Master Chef Grand Champion Kyle Imao.

Na-e-excite daw si Suzi kapag sumasapit ang espesyal na araw na ito ng mga nanay dahil super-asikaso daw siya ng kanyang asawang si Paolo Abrera at ng kanilang tatlong anak na babae – Leona (8), Jade (7) at Nela (6).

Aniya, “Usually, breakfast in bed ako. Nilulutuan nila ako ng pancake, bacon, tapos may orange juice. So, sabay-sabay kaming kumakain sa kama.

"E, di ba bawal yun? So, once a year kaming sama-samang kumain sa kama.”

Hilig daw niyang lutuan ang asawa at mga anak. Paborito raw ng mga ito ang kanyang adobo at Thai meatballs. Nagluluto rin siya ng fried rice kaya ayon kay Suzi malaking tulong daw sa mga katulad niyang working mom ang Clara Ole Ora Mix Mo para magkaroon ng variety ang niluluto niyang fried rice na masarap pero mabilis gawin.

Sa mga nakaraang Mother’s Day, ano na ang best gift na natanggap niya mula sa kanyang mga anak?

“They always make drawings for me na may nakalagay na ‘I Love Mama,’ ‘You’re the best Mama!’

"So, ikaw nanay ka tapos pagod ka sa work, tapos nagwa-wonder ka, ‘Have I done enough for my children, for my husband? Tapos bibigyan ka ng drawing na merong ‘You’re the best Mama in the world,’ talagang wala nang tatalo sa ganung regalo.”

IDEAL CELEBRITY MOM. Kabilang si Suzi sa kinikilalang ideal at best celebrity mothers sa showbiz. Ano ang masasabi niya rito?

“Thank you so much. Basta ako, I just do my best, so if people appreciate that and they think that I’m ideal, it’s flattering for me. Kaya thanks talaga.”

Ano ang pinaka-fulfilling sa pagiging isang ina?

“To see that my children are happy and healthy. Yun ang most fulfilling para sa akin na alam kong naaalagaan ko yung kanilang physical, emotional, spiritual well-being, na balensado yung kanilang personality. Yung makita ko na marami silang tools for their lives ahead.”

A BOY FOR HER NEXT BABY? Wala pa ba silang balak ni Paolo na sundan ang kanilang tatlong anak?