Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), which is headed by Grace Llamanzares-Poe (left), stresses that it has jurisdiction over T3: Kapatid, Sagot Kita, because it is a "public affairs" program.

Photo: Noel Orsal

Pinanindigan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang kanilang posisyon na bigyan ng 20-day suspension ang programa ng TV5 na T3: Kapatid, Sagot Kita.

Ito ang nakasaad sa maikling statement na ipinadala ng MTRCB sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, May 12.

Ang nasabing statement ay ang reaksyon ng government body sa pagdulog ng TV5 sa Court of Appeals kahapon, May 11, para humingi ng temporary restraining order (TRO) para pigilan ang 20-day suspension.

Ipinataw ng MTRCB ang suspensyon sa T3 noong May 10 dahil sa naganap na pagbabanta ng hosts nito—ang Tulfo brothers na sina Erwin, Raffy, at Ben—sa mga bumugbog sa kanilang kapatid na si Mon sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nuong May 6, nasangkot sa eskandalo si Mon at mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Ayon sa news report na lumabas sa PEP,  nakita ni Mon na nagwawala si Claudine sa counter ng NAIA 3 dahil nawawala ang bagahe nila ni Raymart.
 

Naiwan ang mga bagahe ng mag-asawa sa Caticlan airport sa Boracay, dahil kinailangan itong i-offload "for safety purposes."

Nakita ni Raymart na kinukunan ni Mon ng video sa pamamagitan ng cellphone camera ang pagwawala ni Claudine. Ito raw ang pinagsimulan ng gulo.

Pahayag ng TV5 President and CEO Atty. Ray Espinosa, wala raw sa jurisdiction ng MTRCB ang T3 dahil news program ito.

Labag din daw ang suspension sa freedom of the press, na nasasaklaw sa freedom of speech and expression.

Sa pahayag ng MTRCB ngayong araw, pinandigan nila ang pagbibigay ng suspensyon sa programa. Ayon sa kanila, hindi raw news, kundi public affairs program ang T3 kaya kasama ito sa jurisdiction nila.

Narito nag buong pahayag ng MTRCB:

"On the reported filing by TV5 of a petition with the Court of Appeals questioning the 20-day preventive suspension order against the program 'T3,' the MTRCB stands by the legality of the said order and its jurisdiction over 'T3' as a 'public affairs' program under PD1986 and the agency's Implementing Rules and Regulations.

"The Board shall legally respond to the reported petition at the proper time."