Gabby Concepcion has yet to meet daughter Cloie Syquia-Skarne. “Hindi pa, hayaan ninyo magkikita din kami. Ang kailangan lang talaga is panahon, everything is timing," he says. It took a while before the actor met and bonded with his two other daughters, KC and Garrie Concepcion.

Photo: Noel Orsal
Naging emosyunal si Cloie Syquia-Skarne sa interview nito sa Paparazzi nang aminin nito na hindi pa niya nami-meet nang personal ang amang si Gabby Concepcion. 
 
 
Nangangahulugan na tulad ng dalawang anak ng aktor na sila KC at Garrie Concepcion,  lumipas muna ang matagal na panahon bago nakilala ng mga ito ang tunay na ama.
 
 
Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Gabby noong nakaraang Lunes sa pictorial ng bagong seryeng sisimulan ng Kapamilya network, ang Kahit Puso’y Masugatan, hindi naman ipinagkaila ng aktor na di pa talaga sila nagkikita nang personal ng anak pero naniniwala siyang mangyayari ito sa hinaharap.
 
 
“Hindi pa, hayaan ninyo magkikita din kami. Ang kailangan lang talaga is panahon, everything is timing," ang sabi ni Gabby.
 
 
Kumpirmadong gagawa ng pelikula ang aktor kasama ang dating asawa na si Sharon Cuneta para sa Viva Films pero dala ng maraming rason ay di ito matutuloy sa ngayon.
 
 
Kinumpirma ni Gabby na makakagawa sila ng pelikula ng Megastar sa susunod na taon.
 
 
“Ngayon katatapos lang namin ng The Mommy Returns. Maraming salamat sa mga nanood nun. 
 
 
"Tuloy yun [movie with Sharon], panahon lang ang pinag-uusapan namin pero mangyayari yun hopefully next year. 
 
 
"Marami lang kasing nangyayari ngayong taon na ito kaya hindi  matutuloy ang pelikula."
 
 
PROJECT WITH KC? Pagkatapos mapanood sa bakuran ng TV5 ay balik-Kapamilya ang aktor sa Kahit Puso’y Masugatan.  Positibo naman ang aktor na maaaring magkatrabaho sila ng anak na si KC.
 
 
“Marami ang nagre-request na  baka puwede siyang kasama sa movie—ako, siya, si Sharon, kaya lang di pa natin alam kung kailan mangyayari yun," aniya.
 
 
"Kami ni KC? Maganda nga rin yun, puwede nating tanungin kung may project.”
 
 
Bukas na aklat naman na sobrang nasaktan si KC sa kinauwian ng relasyon nila ng ex-boyfriend na si Piolo Pascual. Tinanong namin si Gabby kung ano ang payo o suporta na binigay niya sa panganay na anak sa pinagdadaanan nito.
 
 
 
"Ang buhay ganun talaga, life goes on, you have to move forward, you have to focus, you have to concentrate. 
 
 
"Maalala mo kung ano ang mga nangyari sa nakaraan but you have to focus, move forward.
 
 
“Sa lahat ng tao, kahit na sino, naranasan na puso’y masugatan. Kailangan i-absorb natin, enjoyin natin ang nararamdamn natin kasi yan ang nagpapatakbo ng buhay," aniya.
 
 
 
“Makakatakbo lang tayo pag natuto tayong madapa, bago tayo makalakad at tuluy-tuloy na makabangon."
 
 
DOING WHAT HE LOVES. Ayon kay Gabby, masarap gumawa ng de-kalibreng proyekto lalo na kung gusto mo ang iyong ginagawa.
 
 
“Iba talaga yung may nagmamahal sa iyo, iba yung mayroon kang ginagawa, iba yung maganda ang iyong ginagawa, masaya ka.
 
 
"Basta ang istorya maganda, nakikita mo na may kinabukasan," aniya.
 
 
Tinanong namin si Gabby kung ano ba ang character niya sa nasabing serye at ano ang pakiramdam niya na makatrabaho sila Andi Eigenmann, Iza Calzado at Jake Cuenca.
 
 
“Businessman ako dito, mayroon akong shoe business at yung aking aampunin ay si Andi. Mayroon akong anak na nasa America.
 
 
“Si Iza nakasama ko na sa pelikula.  Si Jake at si Andi ngayon ko lang makakasama... It's a new set of actors, iba ang style nila, nakita ko na ang performance nila, magagaling sila at masarap makasama ang mga ganun.”
      
 
Ibinahagi din sa amin ng aktor ang preparasyon na ginawa ng buong cast.
 
 
“Nagkaroon kami ng parang maliit na briefing nung umpisa, pangalawa ngayon. Mayroon kami sa [May] 15, yun ang preparation namin. 
 
 
"Di ko alam kung magkakaroon pa ng maliit na workshop, pero yung mga kasama ko naman, e, magagaling. Usually pag nasa set, heto pa lang na nagpi-pictorial kami, sinasabi na sa amin yung mga characters namin. 
 
 
"So yung mga shots namin, naaanggulahan namin sa nararamdaman namin.  Naku-cue kami kung sino ang makakasama namin pag nagpi-pictorial, ano ang feeling na dapat mong i-project.”
 
 
Puro positibo din ang mga salita ni Gabby para sa direktor nila sa Kahit Puso’y Masugatan na si Direk Wenn Deramas na una na palang nakatrabaho ng aktor sa isang commercial.
 
 
“Nakasama ko siya sa commercial pero di ko pa nakakasama si Wenn sa teleserye.
 
 
"Naku, marami akong magandang balita kay Direk, nung nakasama ko siya sa commercial, he was fun, ang sarap kasama, gusto ko ang personality niya.”