news

Rocco Nacino wears G-string in new film and creates buzz: “Sana po, mas maging excited sila sa film at hindi sa bahag!"

by Ruben Marasigan posted on May 13, 2012  STATS: 7054 Views | 26 Comments

Rocco Nacino (in photo) shares the reaction of Sheena Halili, his rumored girlfriend, when she saw pictures of the actor wearing a G-string for the movie, Biag ni Lam-Ang: “Sabi niya… patingin nga.  Tapos no’ng ipinakita ko… hala!"

Photo By: Erwin Santiago
Medyo umitim ng konti si Rocco Nacino. Ito’y dahil sa pagkabilad niya sa araw sa pagpapatuloy ng shooting niya ng Lam-Ang na sa Ilocos Sur pa kinukunan.

 
Kumusta naman ang shooting?

 
“Masaya po. Kasi I got to watch the playbacks ng mga eksena namin,” aniya nang muling makakuwentuhan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa bakuran ng GMA Network Center kamakailan.

 
“Napakaganda. I can’t wait to go back sa Ilocos para sa pagpapatuloy ng shooting namin.

 
“First week of June kami magri-resume. Sa uplands na ‘yong mga eksenang kukunan namin.

 
“We shot the scene na nagpunta si Lam-Ang sa Vigan [Ilocos Sur].

 
"Ang sunod namang kukunan ay si Lam-Ang habang nasa village niya sa Tagudin [Ilocos Sur].

 
“So, iyon ang uplands. Kailangan naming mag-hike papunta roon.  So, mahirap-hirap ang mga eksena.

 
"'Tapos naka-bahag pa ako!” bahagyang natawang sabi pa ni Rocco.



ADOBO ANTS. May balitang isinugod siya sa ospital habang nasa kalagitnaan sila ng shooting. Nag-lock diumano ang kanyang jaw?

 
"Hindi naman po totoo na na-lock jaw ako. 

 
"Namaga ‘yong face ko. So medyo natakot din ako. 

 
"Pero naagapan ng gamot kaya buti na lang.”

 
Totoo bang dahil iyon sa sobrang pagkain niya ng mga exotic food sa Ilocos?

 
“Isa lang naman ang kinain ko. I just tried Ilocos mountain ants na inadobo 'tapos may garlic. 

 
"Masarap naman. I enjoyed the food kasama ko ‘yong director namin [Ana Agabin] at buong production staff.

 
“Siguro sila, sanay ang katawan nila sa gano’ng pagkain. Ako, hindi. 

 
"So siguro, that was the Ilocos way of saying hello! Parang pag-welcome sa akin!” tawa ulit niya.

 
Sa nakaraang shooting din niya for Lam-Ang, aksidenteng natapilok sa isang eksena si Rocco. 'Tapos ay muli raw siyang natapilok nang makipaglaro ng basketball nang mag-pack up na sila. Kaya kapansin-pansin na medyo hirap siyang maglakad.

 
“Hindi ko nga ipinaalam sa director namin na nakikipaglaro ako ng basketball. Medyo nagka-injury ako do’n sa dalawang beses na pagkatapilok ko.

 
“Pero hindi naman ito nakasagabal sa trabaho. Nag-shooting kami kahit namamaga ang kaliwang paa ko. 

 
"Hindi ko po ipinahahalata. Kayang-kaya, malayo naman sa bituka!” tawa na naman niya.



SEX SYMBOL? Ano ang pakiramdam niya na maingay ngang napag-uusapan ang tungkol sa pagsusuot niya ng bahag? Na maganda raw ang kanyang katawan at puwedeng-puwedeng maging male sex symbol ng bansa?

 
“Sana po, mas maging excited sila sa film at hindi sa bahag!" tawa ni Rocco.

 
“Pero siyempre, kahit iyon ang parang inaabangan nila, okey na rin sa akin. Wala namang problema sa akin iyon.

 
“E, di ano… bigyan natin ng magandang exposure ‘yong bahag kung gano’n! Ha-ha-ha! Kung iyon ang inaabangan nila.

 
"Pero magaganda ‘yong eksena. ‘Yong mga linya namin. 

 
"So, sana hindi lang ‘yong bahag ang mapansin do’n.

 
"Sana ‘yong acting din namin ng mga kaeksena ko. At saka ‘yong mga fight scenes namin.”

 
Ano naman ang reaksiyon ng rumored girlfriend niyang si Sheena Halili nang makita ang mga lumabas na photos na nakabahag siya?

 
“Okey lang.

 
“Sabi niya, 'Patingin nga.' Tapos no’ng ipinakita ko, 'Hala!'

 
"Actually, in-encourage nga niya ako na, 'Kaya mo ‘yan. Ituloy mo lang.'”

 
Naumpisahan na niya ang pagbi-bare ng kanyang katawan sa pagsusuot ng bahag na costume. May mga nagtatanong tuloy kung kakayanin din ba niya raw na mag-portray ng role ng isang macho dancer.

 
“Hmmm… hindi biro ‘yon, a!” nangiti si Rocco.

 
“Hindi birong maging isang macho dancer. I don’t know.

 
“Siguro kapag may nag-offer sa akin ng role na ‘yon, e, pag-uusapan muna namin kung ano ang mga gagawin.

 
“Pero siyempre, nalilinya ako sa image na ganito, wholesome pa rin.

 
"Paminsan-minsan, may sunod sa pa-daring-daring. Pero hindi lagi. At gusto kong i-maintain ‘yong ganito.”



AWARDS. Baguhan pa lang siya pero kaagad-agad ay na-recognize na siya bilang isang mahusay na young actor.

 
Matapos siyang manalo bilang Best New Movie Actor sa PMPC Star Awards at Breakthrough Performance By An Actor category sa Golden Acreen Awards ng Enpress, siya rin ang nahirang na Most Promising Actor of the Year ng Guillermo Mendoza Scholarship Foundation.

 
Saad ni Rocco, “Nakakatuwa po... na this early sa aking career ay may ganito na. 

 
"Nakakalungkot na hindi agad ako nakabalik from Ilocos to Manila para tanggapin ‘yong award sa Gulliermo.

 
“Bonus po ‘yong mga gano’ng award. It’s something to remind me na galingan ko pa ‘yong ginagawa ko.

 
"Na through my hard work ay nari-recognize.” 
1  

more on this story

Show/Hide Comments

26 Comments

  • 26  Paradigm

    05/14/2012 | 11:03 PM
    Ayyy starlet!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  jeac3

    05/14/2012 | 02:35 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  jeac3

    05/14/2012 | 02:28 PM
    basta Kapuso artist and GMA topic....maraming comments good and bad.....pero pag abs or kapamilya talents ...walang walang comment...kasi walang kilig at boring...at DRY as Sahara desert....at sigurado insecure lang sila sa KAPUSO at GMA 7.....di ba brainless at ashss? aminin
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  BurningElement

    05/14/2012 | 01:49 PM
    Ano ba yan.Mga Utak naman!!!!! sabihin ba cheap ung BAHAG? syempre noong una yan kasuotan.ano expect mo barong. long sleeves, americana? Para namang d nag-aral ng history. absent ka cguro! Lahat ng bagay nag-eevolve. cguro ung utak mo lang hindi. pity.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  pearl102

    05/14/2012 | 12:46 PM
    21 apayagamin 05/14/2012 | 11:52 AM pearl102.. i am not sure kung nag research ka ba... ang lam-ang is not about igorots ... it is about the ilocanos.. that is why sa ilocos sya sinoshoot... napansin mo ba na iba ang tela???? it doesnt necessarily mean na pag nag suot ng g string e igorot na... ilocanos, aetas and other ethnic tribe wore the same thing in the past... so mag research ka muna ineng...----------Ke Igorot or Ilocano or aetas na naakasuot ng bahag na kanila namang kultura sasabihan ng NAKAKASUKA, hindi ka ba mayayamot??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  KDL

    05/14/2012 | 12:02 PM
    nu ba yan.. teleserye nalang sana.. d uso sa movies ang mga ganyan..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  apayagamin

    05/14/2012 | 11:52 AM
    pearl102.. i am not sure kung nag research ka ba... ang lam-ang is not about igorots ... it is about the ilocanos.. that is why sa ilocos sya sinoshoot... napansin mo ba na iba ang tela???? it doesnt necessarily mean na pag nag suot ng g string e igorot na... ilocanos, aetas and other ethnic tribe wore the same thing in the past... so mag research ka muna ineng...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  apayagamin

    05/14/2012 | 11:49 AM
    i agree with some of the comments here.. the writer should have not focused on the bahag thing cause thats totally cheap, yun ba ang magiging bentahe ng movie??? its a big no... the writer should have talked about the beautiful ilocos and the legendary lam-ang.. his strengths and weaknesses... hay naku... more substance po dapat.. ano ba naman yan pep... chipipay tong article nyo na ginawa... it doesnt help in promoting the movie, instead it had worked otherwise...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  apayagamin

    05/14/2012 | 11:47 AM
    coolet_06 di mo napapansin pero halata ring die hard fan ka ng GMA7.. anyway, lets give him a break... baka naman maganda ang kalabasan nito.. para naman marami pang producers ang magproducers at maraming tao ang magkaroon ng work...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  jakar

    05/14/2012 | 09:56 AM
    ang mga utak kc ng bitters sa tabi-tabi ay nasa talampaka..matakin mo hamakin ang bahag na syang kasuotan ng mga ninuno natin....and cheapness "DAW" o di lang kilala si LAM-ANG kc nga walang pinag-aralan kaya ayan....bitter na bitter
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  mskeane_11

    05/14/2012 | 09:51 AM
    PEP writers should have left the bahag issue alone! There's more to the movie that should be talked about aside from the main character wearing bahag... Tsk!Tsk! Tsk! Talk about more substance... There's no doubt that because of this kind of article, it's like selling sex instead of the legendary Lam-Ang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  chances2010

    05/14/2012 | 06:49 AM
    lipat ka na sa ABS-CBN para naman mas magiging sikat ka...ito lang naman ang hinahangaan kong male artist ng kapuso...hindi naman sobrang kagwapuhan pero ang lakas ng sex appeal niya. napapa wow ako sa kanya everytime he dance sa party payatas...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  Paradigm

    05/14/2012 | 04:38 AM
    16, Ang tinutukoy mo ba inday ay yung My Nehboar's Julalay? Tumpak ka nga!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  soy_tu_duena

    05/14/2012 | 02:42 AM
    ano ba yan rocco? ang sagwa.. kakasuka.. lahat tlaga gagawin ng TH na itey..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  Paradigm

    05/14/2012 | 01:50 AM
    4,5 - Inday, hivang ka lang... ako si brainful ay iisa? Hahaha Paranoid ka inday.. Umaandar ang pagka madam auring vibrations mo. Gawain mo yata yan inday ang magkakaroon ng multiple account. Magtigil ka inday, wag gagawa ng storya na wala namang katuturan. Para ka lang isang pelikula na flop at gumagapang sa kangkungan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  carlo68

    05/13/2012 | 08:41 PM
    Roco Naccino? Sino naman to?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  ivano

    05/13/2012 | 06:07 PM
    Marian at Angel laos na yang mga yan ang tunay na sikat sa ngayun ay sila Anne at Sarah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • coolet_06

    05/13/2012 | 05:48 PM
    Paradigm 05/13/2012 | 05:21 PM Parang my kontralaglag girl lang to... gimikan sa hubaran yung mga starlet na kasamahan ni Ramos ayun nilalangaw hindi umubra ang pakita daw ng wetpu... Ok sana kung Blockbuster eh hindi naman... ngayon eto na naman si Recca Tocina ang bahag-bahagan hindi naman kagandahan. ------------->>>>> at para ka lang din si BRAINFUL... puro bitterness ang comments... kahit anong tago mo sa pagkatao mo, bulok pa din ang umaalingasaw.... Ok sana kung magkaiba ng style ang pagcocomment nyo eh.... kaso parehang-pareha.... hindi man lang umiba ng istilo ng hindi napaghahalatang iisang tao lang... hahahahhahahaha....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • coolet_06

    05/13/2012 | 05:45 PM
    Paradigm 05/13/2012 | 05:15 PM Hubadera si ineng... Starlet na starlet.. Very Kapuso! ----------->>>>> very kapamilya ang comment.... pang Class A daw.... damang dama ko sa mga comments mo ang pagiging class A mo,.. at damang dama ko din na si brainful at ikaw ay iisa lang.... haist, taong may dual/split personality.... hahhahahahaha... yun nga lang, buti pa ang taong may split personality, may side na mabuti... pero sayo wala talaga akong makitang kabutihan.... hahahahahahahaha...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Paradigm

    05/13/2012 | 05:21 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About