news

Helen Gamboa on reconciling with Sharon Cuneta: “Kaya ako lumuluha, out of happiness na hindi siya tuluyang nawala sa akin.”

by Arniel C. Serato posted on May 13, 2012  STATS: 24402 Views | 24 Comments

Helen Gamboa (left) narrates how she and niece Sharon Cuneta (right) made peace: “Nung nag-text siya sa akin, sabi niya, 'Mama, bati na tayo. Mama, wag ka nang magtampo, wag ka nang magalit.' ... So sabi ko naman, sumagot ako, 'Anak, mahal na mahal kita.'"

Photo By: Noel Orsal


Ekslusibong nagpaunlak ng panayam si Helen Gamboa-Sotto sa Paparazzi Showbiz Exposed matapos maayos ang tampuhan nila ng pamangkin na si Sharon Cuneta.

Sa unang pagkakataon ay ibinihos ni Helen ang kanyang emosyon sa nangyaring sigalot sa kanila ng kanyang pamangkin nang dahil sa pulitika. Madamdamin ang naturang interview ni Cristy Fermin sa segment na Caught By Cristy dahil halos kalahati ng interview ay iyak nang iyak ang asawa ni Senator Tito Sotto.



Una munang inusisa ni Cristy ang tungkol sa kanyang busilak pa ring ganda na hindi pinagbabago ng panahon. Masayang tugon ni Helen, “Unang-una ang Panginoon na isinasapuso naman natin yon, laging nasa ating puso. Pangalawa, siguro yung pagmamahalan sa pamilya. Yung sinasabi nating love, peace and harmony.”



THE RIFT. Sunod na tanong ni Cristy ang tungkol sa kontrobersiyang kinaharap nila ng pamangkin nitong si Sharon Cuneta. Paano nga ba niya naharap ang nasabing isyu?



Lahad ni Mrs. Sotto, “Hindi ko makuhang magalit. Siguro yung sa akin, tampo, sama ng loob kasi nasaktan ako.

"Nung sumagot siya na medyo wala na sa kumpas, siyempre nasaktan ako. Umiyak ako nang umiyak pero inintindi ko na lang, inintindi ko na lang na sumama rin ang loob niya.”



Magkapatid sina Helen at ina ni Sharon na si Elaine. May karamdaman na si Mommy Elaine pero kapag dumadalaw daw si Helen dito ay never niyang nabanggit na may tampuhan sila ng pamangkin, na labis daw na ikinatuwa ng Megastar.



Paliwanag ni Helen, “Sa palagay ko, hindi dapat. Kasi yung ate ko may sakit na. Gusto ko pag pumupunta kami dun, masaya siya so bakit namin siya dadalhan ng problemang ganito? Ano bang kinalaman niya dito?"



Kapag magkasama na sila at nagkikita ng kapatid, ano kaya ang nararamdaman niya?



Kuwento nito na halos maiiyak na, “Unang-una, umiiyak ako kasi it pains me to see her in that condition na nasa wheelchair, hindi makalakad, siyempre nalulungkot ako.

"Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na ganon, kasi masaya siyang tao pero what can we do?”



Kuwento pa ni Helen, lagi daw siyang umiiyak kapag maiisip ang tampuhan nila ng pamangkin.



Dugtong pa niya, “Naku, heaven knows, hanggang sa taping [ng Walang Hanggan.] Nakikita ako nila Richard [Gomez], umiiyak ako. Nakikita ako nila Dawn [Zulueta] kasi nga kumbaga, napakalungkot ko, na-hurt ako dahil yung mahal na mahal ko, e, nakasamaan ko ng loob."



RECONCILIATION. Nauna nang naiulat na nagkabati na nga ang magtiyahin through text. Kinumpirma ito ni Sharon sa isang panayam sa kanya sa grand finals night ng Talentadong Pinoy. Paano nga ba lumambot ang puso niya sa pakikipagbati ng pamangkin?



Lahad ni Helen habang umiiyak, “Nung nag-text siya sa akin, sabi niya, 'Mama, bati na tayo. Mama, wag ka nang magtampo, wag ka nang magalit.'



“Hindi ko namang makuhang magalit sa kanya. Tampo lang yung sa akin kasi nga yung nananaig, yung pagmamahal ko. So sabi ko naman, sumagot ako, 'Anak, mahal na mahal kita.'



“Alam ng Diyos yon pero sana magkausap tayo, sabi kong ganon. Kaya ako, Cristy, masayang-masaya ako dahil tinext niya ako.



“Masayang-masaya ako dahil naliwanagan siguro siya. Binati niya ako.



“Kaya ako lumuluha, out of happiness na hindi siya tuluyang nawala sa akin. Yung ganon.Yun lang ang masasabi ko.”



Gaano siya kasaya sa pakiramdam niya ngayon na okay na ulit ang relasyon nilang magtiyahin?



Sagot niya kay Cristy, “Siyempre, kaya ako lumuluha ng ganito because of that, kasi kilang-kilala ko si Sharon. Simula nang ipinanganak yan, minahal ko na yan.



“In fact, sabi ko talaga sa ate ko at uulit-ulitin ko, 'Ate, kung ibibigay mo lang sa akin si Sharon, hindi na ako mag-aasawa.'

"Sabi ko sa kanya. 'Sige na Ate, ibigay mo na siya sa akin kasi masyadong mahal na mahal ko siya talaga.'



“Sabi ko hindi na talaga ako mag-aasawa at talagang wala na akong balak, Cristy, noon.

"Kaya nung nangyari ito, naku, talagang sasabog ang dibdib ko talaga. Siyempre, ang nagfa-flashback sa akin yung maliit siya.”



So wala na nga ba kahit kaunting tampo pang naiwan sa puso niya?



Sagot niya, “Wala na, kasi si Sharon, she has a way na maalis yung sama ng loob ko.

"Ano niya ako, e, kilalang-kilala niya ako, kayang-kaya niya ako. Kayang-kaya niya ako talaga.”



HELEN'S MESSAGE TO SHARON. Sa huli, nagpaabot naman ng mensahe si Helen sa pamangkin.

Aniya, “Siyempre, ang sasabihin ko sa kanya, 'Anak, kung anuman itong nangyaring sigalot na alam ko na for the past two years ay medyo napabayaan mo rin, na parang nakalimutan mo na puntahan ako o kausapin ako.



“'Yung dalawang taon na yon, masakit na masakit sa akin dahil di kita nakita, di kita nakausap, pero wala na yon, kasi nandiyan ka na ulit.



“'Inaantay ko na lang na magkita tayong dalawa. Basta’t alam ko, alam mo 'yon, maski hindi ako magsalita, alam mo kung gaano kita kamahal from the start.

"'From the day you were born hanggang ngayon, anak, hindi magbabago yung pagtingin ko sa iyo, lalo na ina ka na rin.



“'Alam mo yung gusto kong sabihin dahil ikaw rin bilang isang ina, ganun din kaimportante sa iyo ang mga anak mo, yung pagmamahal, yung pag-aaruga, yung pag-iintindi sa kanila.

"'Wag mong kakalimutan yon. Hanggang sa mamatay ako, mahal na mahal kita, Sharon. Happy Mother’s Day. I love you!'"



1  

more on this story

Show/Hide Comments

24 Comments

  • 24  ohmychika

    05/15/2012 | 12:47 PM
    love them both..... love . love . love.... :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  ClawClown

    05/15/2012 | 05:06 AM
    Salamat at nagka-ayos na. Helen, lesson learned, politics divide families, pero upcoming TV shows can unite it. Salamat, TV5, may show na si Nega kundi baka nakikipag-away pa yan sa Twitter at di pa nakipagbati sa tiyahin niya. Syempre, after mga sunud-sunod na nega publicity, naghahanap naman ng positive kaya ayun, pasok, Helen, bati na kayo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  myrth

    05/14/2012 | 09:12 PM
    21 tama ka !! kung gusto nyo magpraise kayo sa negastar. ako gusto mag nega, pakialam ng iba. yan ang feel ko. porke kayo ganyan opinion, ako ganun din? pwede ba? iba ako , yan ang gusto ko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  scarlet_lisptick

    05/14/2012 | 12:27 PM
    i think people should be allowed to express their opinion, be it positive or negative. this is the very essence of DEMOCRACY. could you imagine a world with no diversity of opinions? there would be no no challenges, no progress and growth. the key is not to suppress negative opinions for it derives one the opportunity to examine the issue from a different angle. the key is LEARNING TO ACCEPT OTHERS' OPINIONS. they have every right to aver their dissatisfaction as you have every right to shower your compliments.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  agusanonko

    05/14/2012 | 09:48 AM
    mga plastik, dahil sa ambisyon nyong ,gkamal pa ng sakosakong kuarta salipunan..mgsigtigil na sana mga jowa nyo lalo na ikaw mega at helin dahilang dami nyo ng salapi.. ano paba ang kulang nasa inyo na lahat..number 14 AMEN!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  glen

    05/14/2012 | 06:19 AM
    itapon sa China ang mga negang frog haha! nagbati na nga nega pa kayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  milomilo123

    05/14/2012 | 06:07 AM
    Salamat At magandag gabi sa inyong lahat. tapos na ang zaruela
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  diocyl

    05/14/2012 | 05:22 AM
    Very true, Xray !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  Xray

    05/14/2012 | 04:43 AM
    The world is full of war and hate. Let's celebrate this reconciliation. Huwag nang negative please!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  lawrenzo

    05/14/2012 | 03:58 AM
    Maging masaya na lang tayo dahil nanaig ang pagmamahalan. Wag ng maging nega, pwede? lol..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  snowhitetx

    05/14/2012 | 03:48 AM
    Wala akong paboritong artista. Lahat sila ay pinapanood ko dahil nagbibigay sila ng kaligayahan at tuwa. Nalulungkot din ako kapag may nababasa akong mga nag aaway away na mga artista, hindi lang artista kahit mga kapwa ko, gaya lang nitong mga nakaraan pangyayari sa showbiz. Masaya ako na nagkabati na silang magtiyahin pero bakit ganoon may mga hindi masaya? Peace na dapat lahat. Huwag na tayong magcomment pa ng hindi maganda after all wala naman silang ginagawa sa atin. Kung may mag oopen na TV show ni Sharon, hayaan na natin dahil masaya. maayos at marangal naman siyang nagtrabaho. Hindi naman siya nagnanakaw ng kinabubuhay niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  slickchick02

    05/14/2012 | 02:29 AM
    2 yrs na pala na hindi sila naging ok, tapos ngayon lang nakipagbati si fake nega, para may magamit na issue for her new failed show, she can't fool the public, nice try tho
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  myrth

    05/14/2012 | 01:44 AM
    pagmamahal? nararamdaman yan, basta totoo lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  myrth

    05/14/2012 | 01:41 AM
    TRUE! Kung walang show si taba, di siya makipagbati sa tiya niya. si helen ay totoo. pero siya ay pakitang-tao. kahit smile nya peke. parang di magtagal ang show. nega na kung nega. at least totoo ako sa comment ko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  Jockinthepan

    05/14/2012 | 01:34 AM
    Daming mala CR dito mga Ampalaya. Hayaan na natin magka sundo ang mag tiyahin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    05/13/2012 | 10:50 PM
    the drAMA, the hysteria, AT ANG KA HIPOKRITOHAN ay natapos din on time sa pilot episode ng show ni siaron.....whats next? in this order piolo, gabby, ritsard, robin, charlee, haydeen then back to kiko and tito-helen again.. roller coaster lang yan mga kafatid hanggang maputi na ang buhok nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    05/13/2012 | 10:36 PM
    ay buhay, hayaan na natin ang mga mapapait ang puso. bahala na si Lord sa inyo kung papaano ang maramdaman ang KALIGAYAhAN AT PAGMAMAhAL. yan ang wala sa iba dito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    05/13/2012 | 10:32 PM
    wow naman, im soooo touch talaga sa magtiya na 'to.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • butching

    05/13/2012 | 08:04 PM
    maluha-luha pa ako habang binabasa ko ang article, tapos pagbasa ko ng comment - ampalaya agad! kayo talaga oo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • humandynamics

    05/13/2012 | 06:51 PM
    Milomilo123, hayaan mo next time iko konsulta muna nila sayo Kung kailan sila dapat mag-usap ha! Maski pa birthday ni Helen noong May 7 Kung gusto mong Nobyembre batiin ni Sharon maghihintay nalang muna sayo ha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About