news

Jennylyn Mercado denies marriage plans with Luis Manzano; says she's happier to celebrate her birthday this year because of him

by Ruben Marasigan posted on May 14, 2012  STATS: 19384 Views | 27 Comments

Jennylyn Mercado on having Luis Manzano (photo inset) guest in her show despite them being contract stars of two rival networks: "Siyempre masaya at napagbigyan niya kami…ang Showbiz Central. Masaya kami na merong kakaibang maio-offer din sa mga tao. Like, possible rin pala na yung mga tagaibang network ay puwedeng makasama namin dito. So, nakakatuwa."

Photo By: Noel Orsal

Bakas sa mukha ni Jennylyn Mercado kung gaano siya kasaya nang mag-guest ang boyfriend niyang si Luis Manzano sa Showbiz Central kahapon, May 13. 

Kilig na kilig naman sa kanilang dalawa ang mga taong naroon sa loob ng studio.

       

"Kasi, nag-guest ako sa kabila," pagbanggit niya sa kanyang pagiging contestant sa Kapamilya, Deal or No Deal na programa ni Luis sa Kapamilya network kamakailan.

"So, dapat bumawi siya dito!" natawang sabi ni Jennylyn nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal) at iba pang miyembro ng media matapos umere ang nasabing Sunday showbiz talk show ng GMA-7.

       

"Siyempre masaya at napagbigyan niya kami…ang Showbiz Central

"Masaya kami na merong kakaibang maio-offer din sa mga tao. 

"Like, possible rin pala na yung mga tagaibang network ay puwedeng makasama namin dito. So, nakakatuwa."

       

CELEBRATIONS. Yesterday was a very special day for Jennylyn. Bukod kasi sa 5th anniversary special ng Showbiz Central ang episode kahapon, Mother's Day pa. ‘Tapos, may advance birthday celebration din siya sa nabanggit na programa.

       

Bukas, May 15, ang mismong birthday ni Jennylyn. Unang pagdiriwang daw niya ng kanyang kaarawan na sila na ni Luis. At mas masaya raw siya ngayon kumpara sa mga nakaraang birthday niya.

       

"Opo," nangiti ang aktres. "Kasi yung last time, iyon pa ang peak na… ano pa ako, may pinagdadaanan pa ako noon," dahil kabi-break lang nila ni Dennis Trillo that time at ang daming mga intriga.

        

"So, hindi pa talaga ako gano’n kasaya no’n. Ngayon, masaya ako dahil kasama ko si Luis at nandiyan siya para sa akin."

       

WITH LUIS MANZANO. Paano ba naiba ang pagsi-celebrate nila ni Luis ng kanyang birthday kumpara sa mga nauna?

      

"Ayoko namang mag-compare. Pero pare-pareho namang may magagandang memories. 

"At may magagandang lessons naman akong natututunan sa lahat ng mga napagdadaanan ko. Sa lahat ng mga nakakasama ko.

       

"So, as much as possible, ayaw ko nang mag-compare. Kasi magiging unfair naman iyon sa iba."

       

LUIS'S GIFT? Ano ang birthday gift sa kanya ni Luis?

       

"Wala pa. Ano’ng plano? Magdi-dinner lang kami kasama ang family at saka friends. Yun lang. Simpleng-simpleng dinner lang."

       

Nung birthday ni Luis, siya ang naging abala sa sa preparasyon ng selebrasyon nito. Ngayon kayang kaarawan niya, si Luis naman ang mag-aasikaso?

       

"Ay, ayokong mag-expect. Kasi siyempre, magkaiba naman kami.

        

"At saka ang babae naman talaga ang mas nag-aasikaso ng mga ganyang party. Mas masipag ang mga babae sa mga ganun, e.

        

"Yung mga boys, hindi mo kailangang mag-expect."

        

Pero sa pakiramdam ba niya, may inihahandang surprise para sa kanya si Luis?

        

"Hindi ko talaga alam, e."

        

Anu-ano na ang mga regalong natanggap niya kaugnay ng kanyang birthday?

       

"Wala pa. Wala pa talaga akong natatanggap na regalo. Pero yung Showbiz Central family ko, talagang napasaya nila ang birthday ko."

        

Halatang medyo kinakabahan si Jennylyn sa paggi-guest ni Luis for the first time sa Showbiz Central. Unang yapak din ito ng actor-TV host sa bakuran ng Kapuso Network.

       

"Oo.  Sobrang kinabahan talaga ako!" sabay tawa ni Jennylyn.

       

"At saka hindi ako masyadong makapag-isip," patungkol pa niya sa naging one-on-one interview niya kay Luis.

       

"Hindi katulad ng mga ibang nai-interview ko na may mga pumapasok sa isip ko. 

"Pero with Luis, parang may nakaharang na…kapag wala kang nabasa [na questions sa idiot board], wala na akong maisip!" napahalakhak niyang pahayag.

       

"Hindi naman kami nag-usap bago kami sumalang sa floor. Ini-expect lang niya na isang formal interview iyon. Na ako talaga ang gagawa."

        

CLOSE WITH ATE VI? Nabanggit ni Luis, natutuwa raw ito na ang mommy niyang si Batangas Governor Vilma Santos-Recto at si Jennylyn ay maganda ang samahan at laging may communication. Malaking bagay raw ito para sa actor-TV host.

        

Kusa ba ni Jennylyn na mag-exert ng effort para mapalapit kay Governor Vilma?

       

"Well, siyempre malaking parte ng buhay ni Luis si Governor Vi [palayaw ni Vilma]. 

"Ako, siyempre nakakasama namin siya. Kahit papa'no nakakapag-text, nakakapag-usap [kami].

        

"So, hindi namin talaga sinasadya. Pero siyempre bilang malaking parte ng buhay ni Luis si Tita [Vilma], e, siyempre ano… kailangang marunong ka ring makisama."

        

At para sa Star For All Seasons na si Ate Vi, may sagot si Jennylyn sa mensahe nitong, "Please take care of my son."

       

"Aalagaan ko po talaga. At saka, maraming salamat po at ibinigay n'yo sa akin ang tiwala. At sinuportahan n'yo po kami."

       

HER PLANS? Now that she’s 25, ano ang pangunahing nasa isip niya?

       

"Mas pagbutihan pa ang trabaho ko. Mas magiging workaholic ako ngayong taon na ito. At sa darating pang mga taon.

        

"At saka magpu-focus ako sa family ko, sa work ko. And hahabaan ko ang pasensiya ko. Yun!

        

"Dati, maiksi ang pasensiya ko," nangiting pag-amin ni Jennylyn. 

"Medyo…mabilis akong mapagod. Mabilis uminit ang ulo ko.

        

"Pero ngayon, mas mahaba na talaga ang pasensiya ko."

        

LUIS'S INFLUENCE. Ito ba ang malaking influence sa kanya ni Luis?

        

"Si Luis naman kasi talagang ano, e, very positive na tao. So, nakakahawa talaga. Malaking influence.

         

"Dati, pinuproblema ko pati mga maliliit na bagay na hindi naman dapat problemahin. 

"Yung mga intriga, tinatawanan na lang ‘yan. Kung hindi naman totoo, bakit mo pag-aaksayahan ng panahon? Yung mga gano’ng bagay."

        

MARRIAGE PLANS? May kumalat na tsismis kamakailan na nag-inquire na raw ng tungkol sa pagpapakasal sa Basilica of St. Martin de Tours sa Taal, Batangas si Luis.  Ikinagulat daw ni Jennylyn ang tungkol dito.

        

"Oo nga po, e. Nagulat ako kasi tinext ako ng manager ko, ‘Jen, ano ito, magpapakasal na raw kayo?’

        

"Hindi totoo. Unang-una, hindi pa kami handa. Pangalawa, marami pa kaming kailangang isipin at marami kaming priorities sa buhay.

        

"Lalo na ako. Si Jazz [anak niya kay Patrick Garcia], siyempre. At ang pamilya ko.

       

"Hindi pa ako handing magpakasal. Kaya wala muna iyon."

       

At wala pa rin naman daw proposal from Luis.

"Wala po. Wala po talaga."

      

Marami ang nagsasabing bagay nga sila o perfect match ni Luis. May mga umaasa na sana raw ay sila na nga ang magkatuluyan.

       

"Siyempre, lahat namang ng tao iyon ang gusto, na kung sino ang partner mo sa buhay mo, siya na ang panghabambuhay na makasama mo.  

"Pero siyempre, sa tulong na rin siguro ni God at tiwala na rin sa isa’t isa, di ba?

      

"Depende naman iyon sa pagdadala ng isang relasyon," patuloy ni Jen.

       

DENNIS TRILLO. Nung kaarawan niya last year nung hindi pa sila ni Luis, at nasa kasagsagan pa ng intriga tungkol sa break up nila ni Dennis ay nagawa pa raw siyang batiin ng huli.

        

Magkasunod ang birthday nila ni Dennis na ipinagdiriwang naman ang kaarawan tuwing May 12. Ngayon ba ay nabati nila ang isa’t isa?

       

"Hindi. Ayoko, kasi baka mamaya maging issue pa iyon, e," sagot ni Jennylyn.

        

Nagkaroon na nga ng isyu ang hindi niya pagtuloy sa Boracay para sa live appearance ng mga Kapuso stars doon nitong Biyernes at Sabado. Totoo bang umiwas daw siya kay Dennis na dapat ay makakasabay niya sa flight patungo roon?

       

"Ang totoo po kaya hindi ako tumuloy, kasi Lunes pa lang ng gabi, sumama na po ang tiyan ko.

       

"Kasi nung Sabado po bago ako mag-Party Pilipinas, nag-sprint ako. ‘Tapos parang nagkapilay ako kaya hindi ako masyadong makalakad nang maayos.

       

"Nalaman ko na napunit pala yung muscle ko sa legs kaya hindi ako makalakad. At saka masakit na masakit ang binti ko.

          

"'Tapos sinabayan ng high fever. At saka nga yung sakit ng tiyan, yung LBM. Na-dehydrate ako kaya nagkaroon ako ng mataas na lagnat.

          

"Sabi ni Mama, huwag na raw akong tumuloy ng Boracay kasi mukha na raw akong kamatis. Ang pula-pula ko raw. 

"Ang taas nga kasi ng lagnat ko at nahihilo ako. Kaya sabi ko, dalhin na ako sa ospital. 

          

"'Tapos in-admit na nga ako kasi ang dami nang nawalang fluid sa katawan ko. Two days akong na-confine.

          

"Hindi ko sinasadyang huwag tumuloy sa Boracay.  Excited nga ako for that. 

         

"Alam ko naman na kasabay ko sa eroplano si Dennis kung natuloy ako. At okey lang. Wala na namang problema.

         

"Masaya na naman kami sa kanya-kanya naming buhay. So, I don’t think magkakaroon talaga ng problema," katuwiran pa ni Jennylyn.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

27 Comments

  • 27  rockabye

    05/16/2012 | 09:56 AM
    oh ok..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  orange04

    05/15/2012 | 12:30 PM
    san luis, hindi mo sasaktan si jen, sana hindi ka katulad ng ibang lalaking dumaan nkay jen, i think she deserve to be happy naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  orange04

    05/15/2012 | 12:28 PM
    im happy, kasi happy na si jen,, hopefully si luis na yong lalaking hinhanap ni jen.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  soclose08

    05/15/2012 | 12:05 PM
    Makikita mo kay Luis Jen na sobrang inlove talaga sila sa isat isa... Sana ndi sila matulad sa ibang showbiz couple na mapupunta lang sa merry go round ang relasyon.. BTW Jen is a nice girl she deserves to be happy..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  chubie_buknoy

    05/15/2012 | 10:39 AM
    Is she an ideal daughter-in-law???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  chikadee

    05/14/2012 | 10:25 PM
    One of the best episode of SC. One of the sweetest and happiest couple in the industry. You can tell in their eyes that they're so much inlove and inspired. Wishing them the best in their relationship. God Bless you both :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  lunagirl

    05/14/2012 | 09:17 PM
    parang scripted iyong one-on-one interview ni jen kay luis sa SC.. walang ka-feeling-feeling... siguro LQ sila or sadyang ganon ang "sweetness" nila sa isa't-isa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  flipflops123456

    05/14/2012 | 07:23 PM
    yeah..she looks so frgile..parang madaling magkasakit..tama ba term ko d2..hi hi hi sana magpataba sya ng konti parang malamya syang tingnan at kng kumilos.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  Christiana219

    05/14/2012 | 05:53 PM
    paket: baka ganun kasi wala na siya tonsils so madali siyang kapitan ng sakit. ganun daw iyon if wala ka na tonsils madali ka mahawa at magkasakit - sipon at ubo!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  zabeth58

    05/14/2012 | 05:01 PM
    luis and jen are good for each other !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  paket

    05/14/2012 | 04:55 PM
    pansin ko kay jen,mahina resistensya nya..madali syang tamaan ng sakit at bacteria..ingatan mo katawan mo at health mo jen para man lang kay jazz..god bless u..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  BeckyLeeKelly

    05/14/2012 | 04:47 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  BeckyLeeKelly

    05/14/2012 | 04:45 PM
    Asaness ka na papakasalan ka? Hanggang live in ka na lang dami na kasi dumaan sa yo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  alexangel

    05/14/2012 | 04:36 PM
    braindead, anong 'magsuccess?' baka mag-succeed ang ibig mong sabihin? world class? LOL! tanungin kaya natin ang panig ni world class bago tayo umangkin. hahaha! ayan, joke yan para lang alam mo. another hahaha! regarding jen, she really looks gorgeous nowadays. she must be really happy and contended with her life. congrats jen!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  hototguy

    05/14/2012 | 03:36 PM
    Happy bday Jen, regards to ate Vi......!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  artwork

    05/14/2012 | 03:21 PM
    Pano magiging worldclass ang pilipinas? Ni wala nga asenso ang bayan, di sana pinagmalaki tayo ng ibang bansa lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  Paradigm

    05/14/2012 | 03:18 PM
    7, allergic yata sa salitang worldclass... hahha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  jpcrzyluv

    05/14/2012 | 03:17 PM
    What the heck is that word world class... Thought u r brainful looks like your brain is dead...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • artwork

    05/14/2012 | 02:53 PM
    Jen, huwag mo nang pakawalan si Luis
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Christiana219

    05/14/2012 | 02:52 PM
    kakakilig sila ni Luis sa SC! Plus they both look gorgeous and really happy!! nakakahanga si Luis sumagot sa mga tanong sa kanya - napakahusay and at the same time may matutunan ka. I really hope alagaan nila ang relasyon nilang iyan and be a blessing to one another. Best of happiness to both!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About