news

Mom of Cebu Pacific ground crew seeks public apology from Claudine Barretto

by Jojo Gabinete posted on May 14, 2012  STATS: 119008 Views | 295 Comments

Raymart Santiago on why his wife Claudine Barretto (main photo) need not apologize to Mrs. Rosario Ilagan's (inset, left) daughter: "Nagalit naman si Claudine doon sa situwasyon, sa pangyayari. Hindi naman direkta sa anak niya. Hindi naman ibig sabihin na pinagmumura yung anak niya. Gusto ko lang i-clarify 'yon. Walang murahan na nangyari. Oo aaminin namin, nagalit si Claudine doon sa situwasyon. Doon sa pangyayari. Sa bag, sa Cebu Pacific, pero hindi diretso sa anak niya ang galit ni Claudine."

Photo By: Screen capture from

Muntik nang hindi matuloy kaninang umaga ang exclusive interview ni Anthony Taberna sa Umagang Kay Ganda kay Mrs. Rosario Ilagan, ina ng isa sa dalawang Cebu Pacific ground crew na diumano'y nakaranas ng "verbal abuse" mula kay Claudine Barretto sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) Terminal 3, nung May 6, Linggo.

Humantong sa mainit nang pinag-uusapan ngayon na kaguluhan sa pagitan ng beteranong kolumnista na si Mon Tulfo at ng grupo nina Claudine at asawa nitong si Raymart Santiago ang diumano'y "verbal abuse" ng aktres sa ground crew nung araw rin na iyon.

Ayon kay Mrs. Ilagan, ayaw na siyang payagan ng kanyang anak na magpainterbyu pero nakapangako na raw siya sa staff ng nasabing pang-umagang programa kaya kailangang tuparin niya ito.

Gusto ni Mrs. Ilagan na magbigay ng public apology si Claudine sa kanyang anak kaya ito ang topic na pinag-usapan kanina sa "Punto Por Punto," ang segment ni Anthony sa morning program ng ABS-CBN.

Sa kuwento ni Mrs. Ilagan, nagtapos ng BS Tourism-HRM (Hotel and Restaurant Management) ang kanyang anak na pitong buwan nang nagtatrabaho bilang ground crew ng Cebu Pacific.

Ayaw na raw ni Kristine na magsalita pa siya tungkol sa NAIA 3 incident. Nagdesisyon na rin ang kanyang anak na manahimik.

Ayon kay Mrs. Ilagan, "Ayaw niya ng magulo. Ayaw na niya magsalita. Sa totoo lang, ayaw na niya ako papuntahin dito [sa Umagang Kay Ganda ].

“Nalaman [niya] kanina na pupunta ako, talagang ayaw niya, kaya lang nakipagkasundo ako kagabi na pumayag ako.”


ASKING FOR PUBLIC APOLOGY FROM CLAUDINE. Sunod na tanong ni Anthony ay kung kailangan bang magbigay si Claudine ng public apology sa kanyang anak.

Sagot ni Mrs. Ilagan, "Sana, kung kakayanin niya [Claudine].

"Bilang artista, kaya niya 'yon."

Tanong ni Anthony, "Hinahanggan ba niya si Claudine?"

Sagot muli ni Mrs. Ilagan, "Hindi naman. Matagal na 'yon dahil hindi nga nakakapag-TV, dahil marami akong trabaho." 

WITH RAYMART SANTIAGO. Ang sumunod ay ang pag-uusap nina Mrs. Ilagan at Anthony hanggang sa kasama na ang asawa ni Claudine na si Raymart na nasa telepono.


Anthony: "Noong nangyari po yung insidente noong Sunday, ikinuwento ba sa inyo agad ang pangyayari?"
 

Mrs. Ilagan: "Noong  nakapanood kami ng TV, saka siya tumawag. Ang una lang text niya, manood kami ng TV dahil may konting gulo sa NAIA. Yun lang, bago pa namin nalaman sa kanya [ang mga nangyari]."

Bumaling naman si Anthony kay Raymart na isa-isang sinagot ang mga katanungan ng UKG host.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

295 Comments

  • 115  teeenapey

    05/14/2012 | 07:50 PM
    ayus tong si Anthony! ganyan dapat!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 114  pretty

    05/14/2012 | 07:47 PM
    106 steelwings nagdemanda ba si claudine vs. cebu pacific?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 113  mccec65

    05/14/2012 | 07:46 PM
    while she might have the right to be irate about lost or delayed luggage - her actions were uncalled for. th is bi yatch needs anger management training. hahahaha.. mahirap itago ang ugaling masama....lalabas at lalabas. kita mo, she has money, had fame, may asawa at anak....dapat happy di ba? kaso masama talaga ugali. there could have been a better way of channeling her frustration but she chose to be an a s s....community service, perhaps? ito rin si raymart........hmmmm, i wonder if they will act the same if they were in other countries?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 112  preciosarosa

    05/14/2012 | 07:41 PM
    Hoy service rep ng Cebu Pacific, part ng customer service ang mamura ng customer lalo na at palpak ang service ng company mo. Kung na bump out ang luggage, tungkulin ninyo i-report sa passenger para no surprises pagdating nila sa destination saka lang malaman naiwan pala ang baggages nila. Merong intercom, radio, telephone communications na mako kontak ang passenger through their stewardess di nila ginawa. So yun ang napala nila. Tapos public apology sa passenger i-require nila. Hindi ah, dapat ang Cebu Pacific ang mag public apology to save face kasi sila ang nag start ng lahat ng chaos na ito. At si Tulfo, in the first place hindi siya dapat nakikialam sa mga bagay na di siya involved kahit media pa siya Di lahat eh karapatan nilang maki-sawsaw kung di sila involved. Period.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 111  rray

    05/14/2012 | 07:40 PM
    oo tama naman talaga si claw claw magalit kc hindi nila alam na wala baggage nila .. pero yong nanggulpi at hilahin si mon tulfo kababaing tao asal kalye.. sa harap pa ng mga chikiting tama ba yon.. kung isa kang ina never mong gagawin yon unahin mo sana safety ng mga anak mo kc may gulo ... yon lang ... i think claw claw needs professional help hindi na healthy mga kilos niya...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 110  ike

    05/14/2012 | 07:38 PM
    akala ko sa showbiz lang may stage mother...hehehe...baka gustong magartista ng anak...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 109  pantas_uno

    05/14/2012 | 07:36 PM
    apayagamin i am definitely not. experience is the best teacher...during training hindi ka ihaharap sa totoong taong ginawan mo ng pagkukulang...while you're exactly on your work, doon ka makaka encounter ng ibat ibang situations and ibat ibang klase ng tao and from there doon mahahasa talaga ang pakikideal mo sa lahat ng uri ng customers. look at the way i deal with you now...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 108  pantas_uno

    05/14/2012 | 07:31 PM
    duhhh! si anthony nagmamarunong sa feelings ni claudine, wag mo ngang i pressure yung tao..kaka frustrate naman talaga ang service ng cebu pacific pag ganyan noh....asan sila ngayon? bakit sila nananahimik?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 107  wisdomtooth

    05/14/2012 | 07:28 PM
    apayagamin: that's good alam mo ginagawa mo sa mga irate customers. Pero lets see kung kaya mong sikmurain si Claudine pag nakaharap mo na baka magkanightmare ka pag nagkamali ka sa kanya. Case to case basis yan pero si Claudine yung tinatawag na most wrathful customer one can ever have. Hopefully di mo sya makaencounter. Goodluck.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 106  bpp

    05/14/2012 | 07:27 PM
    Halatang hindi pa sanay sina Claudine at Raymart mag travel by plane. Normal itong nangyayari sa mga eroplano na kung minsan babawasan nila ang bagahe for safety reasons. Mas importante ang safety ng eroplano at mga pasahero kesa sa bagahe nila. offloading of baggage happens to any and all airline companies and even sa mga international airlines walang exception. Safety should come first. Its a weight and balance issue, calculation should be accurate or else it will be a serious problem. but they make sure it will be delivered to your doorstep intact. All your essentials should be in your carry on. If the ground staff will check the each baggage offloaded it will create more delays and of course chaos.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 105  apayagamin

    05/14/2012 | 07:26 PM
    pantas_uno... tangengot ka pala.. bago isabak yan may training na dapat yan... hindi pwede na isabak na sya at dun sya matuto sa trabaho.. kelangan nag training yan bago iharap...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 104  AquaBlue

    05/14/2012 | 07:25 PM
    team Barretto parin...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 103  apayagamin

    05/14/2012 | 07:25 PM
    cebu pac deserves this controversy sa dami ng mga reklamo.. kelan pa ba nila aayusin ang serbisyo nila?? wtf>>>>
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 102  pantas_uno

    05/14/2012 | 07:22 PM
    7 months pa lang naman pala yung staff sa cebu pacific, hindi pa siya trained or super exposed sa mga irate customers. marami pa siyang kakaining galit kung magtatagal siya sa isang service provider company na aminadong maraming kapalpakang ginagawa against their customers.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 101  apayagamin

    05/14/2012 | 07:22 PM
    besides ang CS e representative ng kumpanya.. nirerepresent po nya ang kumpanya kaya naman ok lang na bulyaw bulyawan sya ng mga customer.. i for one e nag proprovide ng CS and naiintindihan ko ang mga customer na nagagalit.. i dont take it against them kasi i know na hindi naman sa akin personally galit ang customer kundi sa bad service.. pero dahil alam ko kung pano i handle ang mga customer na ganyan, hindi ako nagiiiyak pag pinag sasalitaan ng masama ng customer.. instead mas nagiging tough pa ako... kung ako dun sa empleyado e mag resign na sya.. ang arte arte nya...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 100  apayagamin

    05/14/2012 | 07:19 PM
    yung mga taong hindi alam ang customer service kasi hindi pa kayo nakakaranas nun... wag maginarte yang pyetang CS na yan ... ewan ko kung may training ba sila para harapin ang mga irate customer... dapat rigid ang training sa CS at wag aaaaanga .... dahil kakainin ka ng buhay ng mga galit na customer... again sa business, customer is always right... maiintindihan nyo yan pag nagkaroon kayo ng negosyo... palibhasa karamihan dito e nagtatrabaho sa mga pipitsuging kumpanya na walang CS...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 99  joallen

    05/14/2012 | 07:18 PM
    steelwings, you're right..... dami lang ipokrito sa mundo.... na hindi daw sila magagalit pag nangyari sa kanila iyon tulad ni wisdowtooth.... righteous ate... nangyari na ba sa iyo ito... or hypothetical ang sagot ate...... ideal ka ate......
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 98  steelwings

    05/14/2012 | 07:15 PM
    i dont care kung buong department kayo ng anticlaudine ang nagkocomment dito, pero hindi nyo kaila na OBVIOUS mapanira lang ang article na ito! And obviously, CLAUDINE WAS RIGHT! kahit saan anggulo nyo tignan, Claudine stood up for her right to be informed of her offloaded baggage! Nang dahil jn, nagbago patakaran ng Cebupalpac! tapos sya pa hihingi ng paumanhin??? RIDICULOUS!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 97  steelwings

    05/14/2012 | 07:12 PM
    bhengot, YOU DONT UNDERSTAND THE DEGREE OF FRUSTRATION OF EVERY INDIVIDUAL! As a customer servc rep, YOU ARE BEING WELL TRAINED TO HANDLE SUCH IRATE CLIENTS! Claudine was a typical example of an irate passenger, may rason sya para magalit! Ang pinagkaiba lang, artista si Claudine, but she was there being a passenger not being an artista! MARAMING MAS MALALA PA KAY CLAUDINE! To crucify Claudine on this incident is VERY RIDICULOUS and unfair dahil marami talagang ordinary passengers ang MAS MALALA PA MAGALIT! HALATA NAMAN MAY SMEAR CAMPAIGN ang GAYbscbn! In fairness, KAYO LANG ANG nag effort magbalita nyan!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 96  ambishosa

    05/14/2012 | 07:11 PM
    one thing that this unfortunate incident proves is that hindi pa hiwalay si claudine at raymart hahaha. napatunayan lang na hindi naman on the rocks ang relationship nila..bow. lets look at the brighter side na lang hehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About