news

Mom of Cebu Pacific ground crew seeks public apology from Claudine Barretto

by Jojo Gabinete posted on May 14, 2012  STATS: 118813 Views | 295 Comments

Raymart Santiago on why his wife Claudine Barretto (main photo) need not apologize to Mrs. Rosario Ilagan's (inset, left) daughter: "Nagalit naman si Claudine doon sa situwasyon, sa pangyayari. Hindi naman direkta sa anak niya. Hindi naman ibig sabihin na pinagmumura yung anak niya. Gusto ko lang i-clarify 'yon. Walang murahan na nangyari. Oo aaminin namin, nagalit si Claudine doon sa situwasyon. Doon sa pangyayari. Sa bag, sa Cebu Pacific, pero hindi diretso sa anak niya ang galit ni Claudine."

Photo By: Screen capture from

Muntik nang hindi matuloy kaninang umaga ang exclusive interview ni Anthony Taberna sa Umagang Kay Ganda kay Mrs. Rosario Ilagan, ina ng isa sa dalawang Cebu Pacific ground crew na diumano'y nakaranas ng "verbal abuse" mula kay Claudine Barretto sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) Terminal 3, nung May 6, Linggo.

Humantong sa mainit nang pinag-uusapan ngayon na kaguluhan sa pagitan ng beteranong kolumnista na si Mon Tulfo at ng grupo nina Claudine at asawa nitong si Raymart Santiago ang diumano'y "verbal abuse" ng aktres sa ground crew nung araw rin na iyon.

Ayon kay Mrs. Ilagan, ayaw na siyang payagan ng kanyang anak na magpainterbyu pero nakapangako na raw siya sa staff ng nasabing pang-umagang programa kaya kailangang tuparin niya ito.

Gusto ni Mrs. Ilagan na magbigay ng public apology si Claudine sa kanyang anak kaya ito ang topic na pinag-usapan kanina sa "Punto Por Punto," ang segment ni Anthony sa morning program ng ABS-CBN.

Sa kuwento ni Mrs. Ilagan, nagtapos ng BS Tourism-HRM (Hotel and Restaurant Management) ang kanyang anak na pitong buwan nang nagtatrabaho bilang ground crew ng Cebu Pacific.

Ayaw na raw ni Kristine na magsalita pa siya tungkol sa NAIA 3 incident. Nagdesisyon na rin ang kanyang anak na manahimik.

Ayon kay Mrs. Ilagan, "Ayaw niya ng magulo. Ayaw na niya magsalita. Sa totoo lang, ayaw na niya ako papuntahin dito [sa Umagang Kay Ganda ].

“Nalaman [niya] kanina na pupunta ako, talagang ayaw niya, kaya lang nakipagkasundo ako kagabi na pumayag ako.”


ASKING FOR PUBLIC APOLOGY FROM CLAUDINE. Sunod na tanong ni Anthony ay kung kailangan bang magbigay si Claudine ng public apology sa kanyang anak.

Sagot ni Mrs. Ilagan, "Sana, kung kakayanin niya [Claudine].

"Bilang artista, kaya niya 'yon."

Tanong ni Anthony, "Hinahanggan ba niya si Claudine?"

Sagot muli ni Mrs. Ilagan, "Hindi naman. Matagal na 'yon dahil hindi nga nakakapag-TV, dahil marami akong trabaho." 

WITH RAYMART SANTIAGO. Ang sumunod ay ang pag-uusap nina Mrs. Ilagan at Anthony hanggang sa kasama na ang asawa ni Claudine na si Raymart na nasa telepono.


Anthony: "Noong nangyari po yung insidente noong Sunday, ikinuwento ba sa inyo agad ang pangyayari?"
 

Mrs. Ilagan: "Noong  nakapanood kami ng TV, saka siya tumawag. Ang una lang text niya, manood kami ng TV dahil may konting gulo sa NAIA. Yun lang, bago pa namin nalaman sa kanya [ang mga nangyari]."

Bumaling naman si Anthony kay Raymart na isa-isang sinagot ang mga katanungan ng UKG host.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

295 Comments

  • 95  rray

    05/14/2012 | 07:10 PM
    steelwings kawawa ka naman katulad ka ni claw claw... walang GMRC.. baduy na baduy ang dating wala ng class aba nakipagsuntukan kalowka .. nakakahiya sa family nya ..ewwwwwwwwww
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 94  steelwings

    05/14/2012 | 07:08 PM
    wisdomtooth -- OBVIOUSLY HINDI KA NGA SUMASAKAY NG EROPLANO kaya i find ur comments POOR and UNJUSTIFIED! Hello????? COMMOTION??? Eh ano bang nangyari nang hindi ipinaalam ng cebupac kay claudine ung pag offload ng bagahe nila?? HINDI BA HUMANTONG SA COMMOTION YUN??? GUNGGONG ang comment mo! PRAMIS! Kaya nga simula nung nangyari yun, ADVISE NA ANG PAGOOFFLOAD NG BAGAHE! That happened because of Claudine! TAPOS HIHINGI PA SI CLAUDINE NG PAUMANHIN???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 93  bhengot

    05/14/2012 | 07:08 PM
    Steelwings, grabe ka naman paano mo naman nasabi na di kami nakakasakay ng eroplano? Ano pala sinasakyan ko pauwi ng pinas, barko?! Sus, di ka naman nag sa side ke Claudine eh ang tinutumbok ng comment mo yung pagkampi mo sa network mo he. Excuse me, set aside mo muna yung network war thingy mo ha. At yung sinasabi mong your sister almost slapped...... grabe naman yun, mananampal ganun? Wala karapatan ang kahit na sino manakit ng kapwa tao lalo na't hindi naman patayan ang labanan. Grabe naman u!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 92  steelwings

    05/14/2012 | 07:05 PM
    Buti pa si Claudine may refund, how about ung mga ordinary passengers??? CEBUPALPAC, TEACH YOUR EMPLOYEE ON PROPER CUSTOMER SERVC REP! Kayo ang PINAKA WORST na customer servc rep! Pinalala nyo pa may seeking an apology to a passenger kahit KAYO ang PALPAK!?? And GAYbscbn is doin this as a NEWS??? VULOK TALAGA MAGREPORT ANG GAYBSCBN! Obvious ang pani2ra nyo kay Claudine! May nagtotolerate lang talaga sa customerservcrep ng cebupac na humingi ng apology si Claudine! ALAM MO YAN BLANG CUSTOMERSERVC REP na kasama sa trabaho ang mga galit ng pasahero! At saka Claudine has a reason to get frustrated! Hinahanapan talaga ng GAybscbn na sila Claudine ang punotdulo ng gulo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 91  wisdomtooth

    05/14/2012 | 07:02 PM
    I don't think that it is proper to tell the passenger while onboard and the plane already took off that some baggages were off loaded for whatever reason. There will be a commotion and too much explanation.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 90  steelwings

    05/14/2012 | 07:00 PM
    wisdomtooth - hibang ka noh?? NEVER MAG AAPOLOGIZE SI CLAUDINE! PALPAK ANG CEBUPALPAC kay dapat sila ang mag apology kay Claudine! Dun sa customerservc rep, SHOW YOUR PROFESSIONALISM! Trabaho nyo yan! ALAM NYO NA KASAMA SA TRABAHO ang mga frustrated passengers! Kaw pa may ganang mag humingi ng apology kay Claudine??? MAGTRAINING KA ULIT NG PROPER CUSTOMER SERVICE, MAJOR IN HANDLING IRATE CLIENTS! Wag ka magpadala sa pangungunsinti ng GAYBSCBN! MAS WORST PA GINAWA NG ATE KO SA CEBUPAC PERO HINDI PA RIN NAGBAGO SISTEMA NYO! Inantay nyo pa si Claudine ang magalit huh! Saka kayo kumilos! READ THE COMENTS HERE, mga WALANG ALAM SA CUSTMER SERVC ETTIQUETTE!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 89  shobizaddict

    05/14/2012 | 06:53 PM
    At saka tingnan nyo ginawa ng Cebu Pacific, ni refund yung binayaran nilang bagahe at me iba pang compensation. Kung sa isang karaniwang tao yan, wala kang makukuha. Yun ngang me mare refund ka, di nila ibabalik sa yo, ilalagay nila sa Travel Fund, pondo para sa susunod na byahe mo at dapat gamit within 90 days. e kung di ka na ba byahe? wala lumuha ka man ng bato, wala kang mapapala
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 88  shobizaddict

    05/14/2012 | 06:49 PM
    We do not live in a Perfect World no, kaya tumigil kayo, hinintay mo ang bagahe mo tapos nung di mo nakita, saka mo lang malalaman na di pala kasabay. Tapos ang gusto nyo ipagbale wala lang. At saka yung ground staff, or agent, si Claudine lang ba ang nagmura sa kanya? Sa dami ng kapalpakan ng CP? Magreklamo si Mrs Ilagan sa Cebu Pacific dahil sila naman ang puno't dulo ng lahat. Saka karma sa mga ground staff yan. Pag over booked kayo ang mine menos nyo ang mga DH, sila ang di nyo papasakayin, yung mga mukhang may kaya ang uunahin nyo dahil alam nyo mamumura nila kayo. Samantalang ang mga DH di marunong magreklamo, magreklamo man, di nila maipipilit kasi kung ano anong kabalbalan pinagsasabi nyo, kaya ayun tumatahimik na lang sila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  wisdomtooth

    05/14/2012 | 06:48 PM
    ohmychika: very true. bye out na ako dito. Hopefully, matauhan si Claudine. Mag public apology ka sa manners mo mawiwin mo mga tao pero hindi magagamit yan sa korte hindi ba nasabi ng abodago mo yan? Hanggat walang confirmation sa iyo and simpleng Sorry to the public and those who heard me raised my voice I sincerely apologize. Tapos samahan mo ng mala soap opera na drama mo na iyak patok na patok. Wag mo na gagamitin ang anak mo. Mag ala Baron Geisler or Jiro ka di ba pinagbigyan pa sila ng mga viewers. E ikaw pa kaya may talent ka naman wag sayangin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  steelwings

    05/14/2012 | 06:46 PM
    HOY ohmychika, PWEDE BA ISET ASIDE MO ANG PAGIGING ARTSTA NI CLAUDINE! Im here dahil ramdam ko ung frustration ni Claudine bilang pasahero! HALATANG MGA HINDI KAYO BUMABYAHE NG EROPLANO ung mga nagko comment against kay Claudine! KAKALOWCAH mga comment nyo! CUSTOMR REP nagdedemand ng apology sa frustrated passenger because of their POOR service! KALOWCOHAN! At ang nakakatawa pa, GAYBSCBN pa ang gumawa ng news na ito! Dun pa lang AMOY NA AMOY na bitter pa rin sila kay Claudine! I NEVER THOUGHT na magiging news ang ganitong klaseng issue na ginawa ng GAYbscbn!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  pretty

    05/14/2012 | 06:44 PM
    84 steelwings si aling claudine ang ayaw magpa-interview.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  wisdomtooth

    05/14/2012 | 06:44 PM
    Ayaw ko na dito hahaha di makaintindi ng human rights mga tao ilan dito. Hindi Cebu Pacific ang nahingi ng public apology para sa pangit nila na service yung TAO ang nahingi ng public apology sana kung kaya lang naman ni Claudine na aminin na may temper nga sya. Like yan sabi emotionally stressed sya at may depression susko in short psychotic na yan baka ganyan reaction nya sa mga bagay bagay. Baseless yung sasabihin na dahil yung gamot nandun e engerts pala nanay nung bata may hika kasi iniwan dun kesa dinala o kesa itakbo sa ospital ang bata. Tapos nanay ka makikipagyera ka kaharap anak mo so sino ang nagchild abuse? E yang paggagamit nila sa anak nila e pwede silang hainan ng kaso ng DSWD nyan dahil wala silang ibang maifile na case ginamit mga anak. Kawawa anak nila may pinarecord na sila na mental disorder. Susme pag tumakbo yan o may nakaaway sasabihin ng kalaban nila ay may mental disorder kasi yan noong maliit pa sabi ng magulang natrauma daw. Di nag-iisip sina Raymart ng complications ng ginawa nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  steelwings

    05/14/2012 | 06:42 PM
    Keep the faith Claudine! TAMA LANG ANG GINAWA MO! Ang dapat makonsensya ay ang CEBUPAC! MAGING LESSON NA YAN SA MGA CUSTMRSERVC REP! Ung mga nagcocomment dito against kay Claudine ay palibhasa mga hindi pa talaga nakasakay ng eroplano tong mga ito! HOY, MINSAN IEXPERIENCE NYO ANG NANGYARI KAY CLAUDINE NANG MALAMAN NYO! CEBPAC CHANGED THEIR RULES BECAUSE OF YOU! GAYbscbn ang nangungunsinti sa mother ng custmrservc rep na magdemand ng apology! GAYBSCBN GET A LIFE! In fairness, ginawa nyo syang NEWS sa inyo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  ohmychika

    05/14/2012 | 06:38 PM
    STEELWINGS is Pro-claudine.... damage control?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  soysilicious

    05/14/2012 | 06:38 PM
    Epal naman tong mudrakers na to,, e totoo naman na ang pangit ng service ng cebu pacific e. ngayon sila pa ang humuhingi ng apology from a customer, Kahit naman siguro ako, kakatak pag biglang nalaman kong di nila sinakay ang bagahe ko. weak!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  wisdomtooth

    05/14/2012 | 06:37 PM
    celebrex27: I guess what you meant is nakakapagmura kasi bugso ng damdamin. Sa akin fair lang yun na makapagmura dahil sa situation pero kung minumura na e yung tao mismo e foul yun. Ano ginawa sa iyo noong tao para makatanggap ng mura. Ang bottomline lang dito talaga is kung ano yung ginagawa sa iyo ang tendency you do the same. Likewise, it's the ego and yung akala mo na naaapi ka pag mag-aantay ka. Walang masama sa public apology kasi that's the most humble thing to do para ma-win back nya. She can send out a public apology sa inaksyon nya pero she won't do that dahil sa legal battle nya. Hindi nakakatulog yang mag-asawa na yan for sure. Ako naaawa ako duon sa mga bata more than sa kanino pa man. As parents mo hindi mo ipapaundergo sa psycho test yang mga yan kasi magiging record na nila yan hanggang paglaki sasabihan na yan na may mental disorder dahil sa magulang nila. tsk tsk tsk .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  iwwang2

    05/14/2012 | 06:35 PM
    before commenting, make sure you know the airlines obligations to you being a paying passenger. it does not matter whether you are flying a low cost carrier. if i were claudine, i will do the same because i know what service to expect. alam na ng mga ground staff ang mga left baggages the moment the aircraft departs. when the pax arrives at the point of destination, why do they let the pax wait for their checked in baggage at the conveyor. they should look for the pax and inform him/her of the situation and get the forwarding address for delivery. sa states nga bibigyan agad ang pasahero ng compensation. kaya sa mga shongang comment ng comment na wala namang alam sa travel, please lang tigilan nyo na. at sa mother ng ground staff, your daughter should know what she has to do in situation like this. she should quit because it means cebu pacific is not giving them good training in customer handling. at sa mga hindi nakakaalam kung ano ba ang ground handling sa mga airlines, please lang tigilan na ang mga stup
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  steelwings

    05/14/2012 | 06:34 PM
    Claudine was just being true and ordinary on her frustration sa poor service ng cebupac! YAN ANG AYAW NYO TANGGAPIN mga dimwit GAYbscbn fans! HINDI LANG SI CLAUDINE ANG GUMAWA NYAN, MAS MAY WORST PA SA KANYA na ordinary citizen lang! This news is nothing but SMEAR CAMPAIGN for Claudine!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  wisdomtooth

    05/14/2012 | 06:31 PM
    steelwings: no offense meant pero hindi kaya parehas kayo ng ugali ni Claudine? Pati sister mo kamo almost slapped yung customer service? And who gave her the rights to do such? I hope nakapag aral kapatid mo para malaman nya na may tinatawag na complaint escalation o bago ba yan sa pandinig mo. Tell your sister masama yun mananampal o mang-aaway. Thanks for sharing na marami palang alaClaudine ang ugali na posters sa pep. Thanks.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  steelwings

    05/14/2012 | 06:29 PM
    CLAUDINE, YOU DID WHAT IS RIGHT! Kung mali ang ginawa mo, hindi sana nagbago ng patakaran ang Cebupac about offloading baggages! Kaso aminado ang CEBUPAC na may mali sa service nila! tapos si Claudine pa ang hihingi ng paumanhin???? MAY PURPOSE TALAGA ANG BALITA NG GAYBSCN KAY CLAUDINE! Ni minsan ba knuha ng GAYBSCBN ang side ni Claudine?? WALA! If you want to watch fair and INTELLIGENT reportage, watch TV5 and GMA7 only! May bahid na pni2ra ang balita na ito kay Claudine!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About