news

Mom of Cebu Pacific ground crew seeks public apology from Claudine Barretto

by Jojo Gabinete posted on May 14, 2012  STATS: 119013 Views | 295 Comments

Raymart Santiago on why his wife Claudine Barretto (main photo) need not apologize to Mrs. Rosario Ilagan's (inset, left) daughter: "Nagalit naman si Claudine doon sa situwasyon, sa pangyayari. Hindi naman direkta sa anak niya. Hindi naman ibig sabihin na pinagmumura yung anak niya. Gusto ko lang i-clarify 'yon. Walang murahan na nangyari. Oo aaminin namin, nagalit si Claudine doon sa situwasyon. Doon sa pangyayari. Sa bag, sa Cebu Pacific, pero hindi diretso sa anak niya ang galit ni Claudine."

Photo By: Screen capture from

Muntik nang hindi matuloy kaninang umaga ang exclusive interview ni Anthony Taberna sa Umagang Kay Ganda kay Mrs. Rosario Ilagan, ina ng isa sa dalawang Cebu Pacific ground crew na diumano'y nakaranas ng "verbal abuse" mula kay Claudine Barretto sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) Terminal 3, nung May 6, Linggo.

Humantong sa mainit nang pinag-uusapan ngayon na kaguluhan sa pagitan ng beteranong kolumnista na si Mon Tulfo at ng grupo nina Claudine at asawa nitong si Raymart Santiago ang diumano'y "verbal abuse" ng aktres sa ground crew nung araw rin na iyon.

Ayon kay Mrs. Ilagan, ayaw na siyang payagan ng kanyang anak na magpainterbyu pero nakapangako na raw siya sa staff ng nasabing pang-umagang programa kaya kailangang tuparin niya ito.

Gusto ni Mrs. Ilagan na magbigay ng public apology si Claudine sa kanyang anak kaya ito ang topic na pinag-usapan kanina sa "Punto Por Punto," ang segment ni Anthony sa morning program ng ABS-CBN.

Sa kuwento ni Mrs. Ilagan, nagtapos ng BS Tourism-HRM (Hotel and Restaurant Management) ang kanyang anak na pitong buwan nang nagtatrabaho bilang ground crew ng Cebu Pacific.

Ayaw na raw ni Kristine na magsalita pa siya tungkol sa NAIA 3 incident. Nagdesisyon na rin ang kanyang anak na manahimik.

Ayon kay Mrs. Ilagan, "Ayaw niya ng magulo. Ayaw na niya magsalita. Sa totoo lang, ayaw na niya ako papuntahin dito [sa Umagang Kay Ganda ].

“Nalaman [niya] kanina na pupunta ako, talagang ayaw niya, kaya lang nakipagkasundo ako kagabi na pumayag ako.”


ASKING FOR PUBLIC APOLOGY FROM CLAUDINE. Sunod na tanong ni Anthony ay kung kailangan bang magbigay si Claudine ng public apology sa kanyang anak.

Sagot ni Mrs. Ilagan, "Sana, kung kakayanin niya [Claudine].

"Bilang artista, kaya niya 'yon."

Tanong ni Anthony, "Hinahanggan ba niya si Claudine?"

Sagot muli ni Mrs. Ilagan, "Hindi naman. Matagal na 'yon dahil hindi nga nakakapag-TV, dahil marami akong trabaho." 

WITH RAYMART SANTIAGO. Ang sumunod ay ang pag-uusap nina Mrs. Ilagan at Anthony hanggang sa kasama na ang asawa ni Claudine na si Raymart na nasa telepono.


Anthony: "Noong nangyari po yung insidente noong Sunday, ikinuwento ba sa inyo agad ang pangyayari?"
 

Mrs. Ilagan: "Noong  nakapanood kami ng TV, saka siya tumawag. Ang una lang text niya, manood kami ng TV dahil may konting gulo sa NAIA. Yun lang, bago pa namin nalaman sa kanya [ang mga nangyari]."

Bumaling naman si Anthony kay Raymart na isa-isang sinagot ang mga katanungan ng UKG host.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

295 Comments

  • 15  Prd2bpnay8

    05/14/2012 | 04:49 PM
    Wow, huh! Porke nasa customer service ka dapat tanggapin mo na lang ang lahat ng pagmumura sa iyo at lahat ng verbal abuses and assaults ng mga customers? This is not to say na walang mali ang Cebu airline pero hindi lahat ng gusto mo or lahat ng nangyaring na hindi maganda ay dapat kuhain sa pagmumura, pang-iinsulto, at pananakot. Claudine even resorted to name dropping which is obviously her way of showing na powerful siya so it's either she gets her way right there and then kahit imposible or hit the high way. Dito sa States kapag nagwala ka sa customer service in the same manner that she did they can call the cops on you. Threats, verbal abuse, and physical violence will never be tolerated here. It's only there sa Pilipinas puwede ang ganiyang ugali kasi IT"S MORE FUN IN THE PHILIPPINES, di ba?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  iam_a_tvfan

    05/14/2012 | 04:47 PM
    the blame should be on cebu pacific. Kahit sa akin mangyayari yan, makakapagmura talaga ako..i-unload ba naman ang bagahe ko without my knowledge, ano yun masusurpise ka na lang pag nakuha na ng lahat na pasahero ang bagahe sa carousel at ang sayo ay wala pa?... sasabihin lang ba ng cebu pacific na SURPRISE! nasa kalibo pa po ang bagahe nyo!... makakatikim talaga ng mura sa akin ang sinumang customer service representative na hindi makapagpaliwanag ng maayos sa akin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  steelwings

    05/14/2012 | 04:44 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  thelostreasure

    05/14/2012 | 04:40 PM
    hay nakuh...Team Barreto ako...nkikisawsaw naman tong nanay!!!!!susmiyo!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  dustmyeat

    05/14/2012 | 04:40 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  steelwings

    05/14/2012 | 04:37 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • steelwings

    05/14/2012 | 04:34 PM
    Wow huh! Ano pang silbi ng pagiging customer service mo kung hindi ka well trained sa mga irate customers! NAPAKA LAME naman pala ng training ng CEBUPAC sa mga customer service rep nila huh! RULE NUUMBER1 on irate customers: CUSTOMER IS ALWAYS MAD AT THE SERVICE. Nanay, pakitanong nga sa anak mo kung alam nya yan? Kung hindi nya alam, hindi sya dapat nagcustomer service! Sa callcenter, pagpinagmumura ka ng client, dapat din ba silang magdemand ng apology???????? NONSENSE si nanay huh! Kung ganyan lang din ang anak mo, then let her resign! That work doesnt fit her! Di pala sya marunong sa customer service! CEBUPAC, TRAIN UR EMPLOYEES WELL!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Prd2bpnay8

    05/14/2012 | 04:33 PM
    Hindi sila aamin na minura ni Claudine yung ground staff kahit mag-public apology sila kasi their credibility wil be questioned lalo na na deny to death sila mula nung nagsimula ang gulo na ito. Another reason ay pag umamin sila na nagmura talaga si laos eh di lalabas na tama si Mon Tulfo at may dahilan ito na kumuha ng video or picture. Pero obvious naman na LIAR si LAOS kasi kung wala siyang masamang ginawa ay bakit gigil na gigil sila na makuha ang cellphone ni Tulfo? Dinig pa nga sa video na pinapakuha ni Claudine yung bag nung tao sa asawa niyang maton kuno.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • shyleen_uae

    05/14/2012 | 04:31 PM
    Naman! Isa pa ito..naki-sama sa gulo..Ung anak nga ayaw na ng gulo..nakisawsaw pa itong ina. Pagka ba hindi artista un nagwala pupunta kaya sya sa TV pra mag-demand ng apology??!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    05/14/2012 | 04:29 PM
    GAMITAN; yan ang angkop sa sitwasyon ng mga 'to. Dami ng reklamo sa pangit na serbisyo ng Cebu Pacific, kulang pa nga ang mura jan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lotuss

    05/14/2012 | 04:23 PM
    comment nr 1 .. hindi naman siguro .. marumi lang ang isip mo..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    05/14/2012 | 04:20 PM
    sinulsulan lang ito ng mga Tulfo....aminin. sa klase ng trabaho ng anak mo, marami ng mura at reklamo ang inabot nya. artista lang c claudine kaya sinakyan nyo. di ba?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • bus_stop

    05/14/2012 | 04:14 PM
    hay naku!sanay na talaga yang si clau-clau sa away...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • HornBlower

    05/14/2012 | 04:13 PM
    Ibang klase rin talaga si Raymart magsinungaling, pinipilit na walang murahan gayong kaya nga kinukuhang pilit ang CP ni Tulfo ay akala niya na vini-video ni Tulfo ang pagmumura ni Claudine.....Maykonting sayad na yata ang taong ito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • chikorita_pikachu

    05/14/2012 | 04:09 PM
    naku nagpapansin na nmn ang anchor ng abs-cbn, nakikisawsaw na nmn ang ch.2, i'm sure kung talent pa nila c Clau. titikom ang news dept. nila....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About