Anthony: "Public apology kaya ba ibigay ni Claudine?"
Raymart: "Yung pangyayaring 'yon, nagalit naman si Claudine doon sa situwasyon, sa pangyayari. Hindi naman direkta sa anak niya. Hindi naman ibig sabihin na pinagmumura yung anak niya. Gusto ko lang i-clarify 'yon.
"Walang murahan na nangyari. Oo aaminin namin, nagalit si Claudine doon sa situwasyon. Doon sa pangyayari. Sa bag, sa Cebu Pacific, pero hindi diretso sa anak niya ang galit ni Claudine.
"Yun lang po ang gusto namin na i-clarify. At siyempre, doon sa, sabihin na natin na tumaas ang boses, ako na lang ang humihingi ng paumanhin doon sa situwasyon. Pero mahirap naman din na mag-apologize sa hindi mo kasalanan.
"Inamin naman namin na nagtaas ng boses, pero hindi niya direktang minura yung ground staff, yung anak ni Misis.
"Yun lang po ang gusto ko na i-clarify na walang ganoon, at meron din namang written report ang anak niya, na walang... Na minura siya ni Claudine."
Anthony: "Hindi magpa-public apology?"
Raymart: "Hindi ko sinasabi na hindi. Pinag-uusapan pa.
"Ayoko rin naman magsalita dahil hindi ako mismo…hindi ako si Claudine at 'yun ang stand ko.
"Nag-apologize siya doon sa pangyayari, pero public apology na magso-sorry siya?
"Hindi naman niya minura or hindi minaliit yung anak niya at yun nga [ang] sinasabi ko, yung sa pangyayari ang nagso-sorry si Claudine.
"Kasi may mga lumalabas na pinagmumura ni Claudine yung anak niya na, na minaltrato, e. Wala po naman ganoong eksena."
Sa puntong ito, sinagot ni Rosario ang mga pahayag ni Raymart.
Mrs Ilagan: "Ibig sabihin, nagyayabang ang aking anak? Ibig sabihin, nagsisinungaling yung anak ko?"
Anthony: "Ano po ba ang eksaktong ikinuwento ng inyong anak, Ma'am Rosario?"
Mrs. Ilagan: "Hindi ko na sasabihin, ayaw ng aking anak."
Anthony: "So, puwede po bang sabihin na ang kuwento ng inyong anak, e, pinagsalitaan siya nang hindi maganda ni Claudine?"
Mrs. Ilagan: "Ganoon na nga."
Anthony: "Siya po mismo yung minura?"
Mrs. Ilagan: "Oo, dalawa sila."
Anthony: "Ano po ang damdamin ninyo sa narinig ninyo kay Mr. Raymart Santiago?"
Mrs. Ilagan: "Kung sa nararamdaman ko sasabihin ko, marami. Kaya lang gusto ng anak ko manahimik na lang ako."
Anthony: "Sabi po ni Raymart, siya'y nag-a-apologize, pero para po mag-apologize ang kanyang misis, doon sa situwasyon po kasi nagalit at hindi sa inyong anak. Ano po ang sagot ninyo doon?"
Mrs. Ilagan: "Sa situwasyon nagalit kaya lang yung kaharap niya ang anak ko, ano ang ibig sabihin doon?"
Anthony: "I-insist po ba ninyo na humingi ng public apology si Claudine?"
Mrs. Ilagan: "Ayoko nang magsalita."
Anthony: "Nauunawaan po namin kayo, Ma'am Rosario. Kami po ay umaasa na matatapos na po ito at yun pong hinihingi ninyo na simpleng public apology ay baka sa mga susunod na araw ay mapag-iisipan ng mga kinauukulan.
"Maraming salamat po again sa pagpapaunlak ninyo sa amin dahil hindi ninyo tinalikuran ang inyong salita sa pakikipagkasundo ninyo sa amin kagabi, kahit hinaharang kayo ng inyong anak. Thank you very much po.
"Raymart, ano ang makapagkukumbinsi, para…pasensya ka, Raymart, pero hindi ba magaan na bagay lamang na humingi ng paumanhin doon sa isang tao na nasaktan sa kabilang panig?"
Raymart: "Oo nga, pero mahirap naman na humingi ng tawad doon sa hindi mo nagawa. Kasi meron din naman report na isinulat ng anak niya na wala naman murahan.
"So, ayun na nga, nag-sorry si Claudine doon sa pangyayari. Pero ang sinasabi ko nga, diretso doon sa anak niya, wala naman ganoon.
"May written report nga yung anak niya at walang sinabi doon na pinagmumura siya ni Claudine."
Anthony: "Maraming salamat sa 'yo, Raymart, sa pagpapaunlak sa aming tawag. Umagang Kay Ganda sa 'yo.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
215 talk1979
214 erichd
213 aiveec
212 BERNARD2010
211 sosingmasa
210 brainfultoo
209 maserati222
208 pinoycali_ako
207 Tweetumzz123
206 zaneasia25
205 Tweetumzz123
204 SimonLaplace2
203 SimonLaplace2
202 roxie26
201 archblue
200 lucky7
199 eve21
198 2psinapod
197 Lzqm
196 lucky7
more comments