ANTHONY'S TAKE ON THE ISSUE. Bago naganap ang segment ni Anthony, ay nagkaroon muna ng poll ang Umagang Kay Ganda. Ang poll question ay kung dapat bang magbigay ng public apology si Claudine.
Ibinigay ni Anthony ang resulta ng poll at nagtuloy na sa pagbibigay ng kanyang sariling opinyon tungkol sa isyung katatapos lang nilang pagdiskusyunan.
Paglalahad ni Anthony, "Sa atin pong poll question na dapat bang magbigay ng public apology si Claudine Barreto, ang sumagot ng, 'OO,' 91% at ang sumagot ng 'HINDI,' 9%.
"Mga Kapamilya, alam po ninyo na ang isa sa pinakamahirap na trabaho sa mall, sa department store, sa supermarket, at lalo na po sa airport ay maging staff ng customer service.
"Dito po kasi tumatakbo yung mga parokyano o mga pasahero na madalas, e, high blood dahil sa iba't ibang reklamo.
"Kung minsan po, e, walang saysay yung reklamo at nakursunadahan lamang ng isang customer na magreklamo.
"Pero madalas po, tulad po ni Claudine Barretto, e, may dahilan para magalit ang customer dahil sa palpak na serbisyo.
"Wala pong puwang na tumao sa customers service ang maikli ang pasensiya, magagalitin, at madaling mapundi, ang kaharap man niya ay ordinaryo o celebrity na may reklamo.
"Kaya po hinahangaan natin yung ground staff ng Cebu Pacific na kahit po pinaliguan ng hindi magandang salita, e, hindi po umalma kahit hindi po nila kasalanan. Kahit yung bagahe ni Claudine, e, maiiwanan.
"Kung natapat lang po siguro si Claudine sa mabagsik na staff, baka hindi na nakaeksena si Mon Tulfo.
"Dahil doon pa lang sa customers service desk, e, naghalo na ang balat sa tinalupan.
"Inuulit ko po, artista man o hindi, sikat man o laos, walang karapatan ang sinuman na magtungayaw kaninuman.
"Hindi po si Claudine ang may-ari ng ground staff ng Cebu Pacific, may batayan po man na magalit si Claudine.
"Inuulit ko po na nakikisimpatiya tayo sa kanya, dahil po sa napakasama na araw na pinagdaanan niya dahil sa bagahe na naiwanan niya at kung anu-ano pa.
"Pero nabanggit na rin po natin na ang mga public figure, e, dapat na kumilos nang de-numero, lalo na po sa harap ng publiko.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
215 talk1979
214 erichd
213 aiveec
212 BERNARD2010
211 sosingmasa
210 brainfultoo
209 maserati222
208 pinoycali_ako
207 Tweetumzz123
206 zaneasia25
205 Tweetumzz123
204 SimonLaplace2
203 SimonLaplace2
202 roxie26
201 archblue
200 lucky7
199 eve21
198 2psinapod
197 Lzqm
196 lucky7
more comments