news

Mom of Cebu Pacific ground crew seeks public apology from Claudine Barretto

by Jojo Gabinete posted on May 14, 2012  STATS: 118810 Views | 295 Comments

Raymart Santiago on why his wife Claudine Barretto (main photo) need not apologize to Mrs. Rosario Ilagan's (inset, left) daughter: "Nagalit naman si Claudine doon sa situwasyon, sa pangyayari. Hindi naman direkta sa anak niya. Hindi naman ibig sabihin na pinagmumura yung anak niya. Gusto ko lang i-clarify 'yon. Walang murahan na nangyari. Oo aaminin namin, nagalit si Claudine doon sa situwasyon. Doon sa pangyayari. Sa bag, sa Cebu Pacific, pero hindi diretso sa anak niya ang galit ni Claudine."

Photo By: Screen capture from

Muntik nang hindi matuloy kaninang umaga ang exclusive interview ni Anthony Taberna sa Umagang Kay Ganda kay Mrs. Rosario Ilagan, ina ng isa sa dalawang Cebu Pacific ground crew na diumano'y nakaranas ng "verbal abuse" mula kay Claudine Barretto sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) Terminal 3, nung May 6, Linggo.

Humantong sa mainit nang pinag-uusapan ngayon na kaguluhan sa pagitan ng beteranong kolumnista na si Mon Tulfo at ng grupo nina Claudine at asawa nitong si Raymart Santiago ang diumano'y "verbal abuse" ng aktres sa ground crew nung araw rin na iyon.

Ayon kay Mrs. Ilagan, ayaw na siyang payagan ng kanyang anak na magpainterbyu pero nakapangako na raw siya sa staff ng nasabing pang-umagang programa kaya kailangang tuparin niya ito.

Gusto ni Mrs. Ilagan na magbigay ng public apology si Claudine sa kanyang anak kaya ito ang topic na pinag-usapan kanina sa "Punto Por Punto," ang segment ni Anthony sa morning program ng ABS-CBN.

Sa kuwento ni Mrs. Ilagan, nagtapos ng BS Tourism-HRM (Hotel and Restaurant Management) ang kanyang anak na pitong buwan nang nagtatrabaho bilang ground crew ng Cebu Pacific.

Ayaw na raw ni Kristine na magsalita pa siya tungkol sa NAIA 3 incident. Nagdesisyon na rin ang kanyang anak na manahimik.

Ayon kay Mrs. Ilagan, "Ayaw niya ng magulo. Ayaw na niya magsalita. Sa totoo lang, ayaw na niya ako papuntahin dito [sa Umagang Kay Ganda ].

“Nalaman [niya] kanina na pupunta ako, talagang ayaw niya, kaya lang nakipagkasundo ako kagabi na pumayag ako.”


ASKING FOR PUBLIC APOLOGY FROM CLAUDINE. Sunod na tanong ni Anthony ay kung kailangan bang magbigay si Claudine ng public apology sa kanyang anak.

Sagot ni Mrs. Ilagan, "Sana, kung kakayanin niya [Claudine].

"Bilang artista, kaya niya 'yon."

Tanong ni Anthony, "Hinahanggan ba niya si Claudine?"

Sagot muli ni Mrs. Ilagan, "Hindi naman. Matagal na 'yon dahil hindi nga nakakapag-TV, dahil marami akong trabaho." 

WITH RAYMART SANTIAGO. Ang sumunod ay ang pag-uusap nina Mrs. Ilagan at Anthony hanggang sa kasama na ang asawa ni Claudine na si Raymart na nasa telepono.


Anthony: "Noong nangyari po yung insidente noong Sunday, ikinuwento ba sa inyo agad ang pangyayari?"
 

Mrs. Ilagan: "Noong  nakapanood kami ng TV, saka siya tumawag. Ang una lang text niya, manood kami ng TV dahil may konting gulo sa NAIA. Yun lang, bago pa namin nalaman sa kanya [ang mga nangyari]."

Bumaling naman si Anthony kay Raymart na isa-isang sinagot ang mga katanungan ng UKG host.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

295 Comments

  • 195  sharmanjoshi

    05/15/2012 | 02:39 AM
    the whole point of this incident is the reason why Raymart have to be desperate to take Tulfo's cellphone. Kung wala ka namang maling ginawa, then it doesn't matter if somebody took a picture or a video right? If in fact she was doing something good then baka gustuhin niya pa na ma-broadcast yun. If she was doing the right thing mas maganda pa nga mavideo yung reklamo niya at ng makarating sa mga gokongwei ang bad service ng negosyo nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 194  sharmanjoshi

    05/15/2012 | 02:27 AM
    obviously parehong may mali on the part of claudine and tulfo... and most obviously sa Cebu Pacific. A lot of foreigners have complained about it, marami na ring nanakawan ng luggage- gone missing. This is a chance to call them out. At least because of Claudine, a lot of people are now aware na pwedeng kang mag ala Hulk sa galit if you traveled with this airline. And to be honest, if I was there and I saw her, I would have taken a video of that event and I will post in on my blog and say what I think about it.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 193  showbizdak

    05/15/2012 | 02:14 AM
    sa puntong ito lang ako humanga ke claudine. consistent sya ka kasungitan at pagmamalabis in fairness. itodomax na, kumbaga para ang balik ng karma ay kasing tindi din. baka akala nila teleserye lahat ito. grabe ang pagkabulag ng mag-asawang dahil sa pride at ego. pinaninindigan kahit yung mali. kung kayo 2 nasaktan, ano na lang kaya ang tawag nyo sa naramdaman nung minaltrato nyo, verbally or physically?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 192  pepreaderako1234

    05/15/2012 | 02:12 AM
    I agree! Ang dali daling mag sorry lalo na kung mabuti kang tao bec if you're polite it doesn't matter whose fault it is just say sorry then all is well. Pero asa pa kayo kay claudine. Kelan ba nag sorry yan? She doesn't know what accountability is. Dahil sya ay sobrang MATAPOBRE. I'm not holding my breath and wait for her to apologise to that poor girl bec in claudine's eyes she has done no worng. She's always right. Matapobre nga eh. She needs not just a slice of the humility pie but I guess someone needs to throw the whole pie on her!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 191  sosingmasa

    05/15/2012 | 02:01 AM
    Ano saysay ng pagpapa-interview sa TV ng nanay ng ground stewardess kung ayaw naman pala niya ikuwento yung nangyaring salitaan with Claudine? I dont see the point kung bakit pa siya nag-guest on TV. And if her daughter doesn't want to talk about the incident, bakit ang nanay ang nagsasalita na wala din namang full knowledge doon sa nangyaring 'talakan' sa NAIA3? Her daughter is an adult professional, whose job is to attend to and help resolve conflicts..I dont think someone like her shd make 'tago sa likod ng palda ng nanay nya' just because a mean btchy has-been of an actress said some unsavory words abt the services of the company she's representing.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 190  sweetum

    05/15/2012 | 01:54 AM
    Matalino naman siguro ang mga tao to understand na kaya hinahalbot ni Claudine at Raymart yong cellphone para walang ebidensya yong pagmumura nya sa pobreng ground steward. Yes, you can complain, murahin mo na ang bad services ng airline, but Claudine has no right na murahin personally yong tao, she should choose her battle. Lahat talaga may reklamo sa maling pamamalakad, pero kung tama ang iyong pagiisip, when you complain, you complain for the services and u dont attack the person kasi nakakababa yon ng pagkatao. Diba nga, You can even file a case against ur husband if he verbally abuses you, yan pa kaya na public. Claudine should be humble enough to publicly say sorry to end this brouhaha. Dito lang naman nagumpisa ang lahat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 189  terry07

    05/15/2012 | 01:46 AM
    My sympathy to Mr. Mon Tulfo and my absolute DISMAY to Claudine Baretto and to her husband Raymart for having the NERVE to deny things that has enough proof gaya ng makikitang nangyari sa mukha ni Sir Mon na talaga namang traumatic this is the result of what the couple had done to him as we've seen in the video kung paano nila pinag tulungan ang pobreng matanda. Well, what can we expect to someone like Claudine na tlaga namang may REBELLIOUS character base on the record na maraming beses nang napag usapan sa showbiz na kung sino sino ang nakakagalit even her SISTER Gretchen nga di ba. Nakakahiya!!! Sa lahat ng ugaling di maganda ng tao ay yung siya na ang naka molestiya kung makaarte akala mo siya ang naapi. Si Mr. Mon Tulfo ang kitang - kitang may tama sa mukha tapos ikaw itong mato- trauma...tibay ng MUKHA mo BASAGULERA!!! WALANG BREEDING ... Magaling ka ngang UMARTE este MAG INARTE.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 188  Metaxu

    05/15/2012 | 01:32 AM
    sawsaw... ewan ko lang kung nde rin tayo tataas ang BP sa cebu pacific. eh kung ordinaryong pasahero nga pinapasapasa nila? nakakainis naman talaga ang service ng cebu pacific. kung sila ang late ok lang pag nagchange ka ng sangkatutak na flights wlang choice kundi magbayad per head? wth... wala tayo doon sa pinangyarihan kung nagmura nde siguro yon para sa mga tao kundi sa serbisyo. nakikisawsaw lang ang mga yan bulong kaya to ng mga tulfo? ay nako sanay na ang mga yan sa mga ganyan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 187  wanna_change

    05/15/2012 | 01:32 AM
    pweral102, akala ko ba ay Kristiyano ka at may pinag-aralan? bakit ganyan ang comments mo? di kay may inferiority complex ka?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 186  daiguro01

    05/15/2012 | 01:18 AM
    ay teka lang, bago ko sagutin yan, nagsisimba ka ba? kelan ka last nag confession?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 185  Tweetumzz123

    05/15/2012 | 01:15 AM
    oii nasa pangalawa yang pakikipagkapwa tao sa ten commandments...mahalin mo kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa sarili mo,ibig sabihin nun bawal magmura..lol..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 184  wanna_change

    05/15/2012 | 01:13 AM
    daiguro01, may superiority complex ba ang magalit sa kalahi mo dahil sa palpak na serbisyo? ang superiority complex ay kung tinitignan mo ang lahi mo, at status mo sa buhay na mas mataas sa ibang lahi o status nila sa buhay... nagalit si Claudine dahil sa palpak na serbisyo, normal yan... pero abnormal yan sa mga taong may inferiority complex...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 183  wanna_change

    05/15/2012 | 01:09 AM
    daiguro01, masama ba ang magmura? nasa Ten Commandments ba yan? cursing ay bahagi yan pag bad trip at galit ang isang tao... ang hindi nagcu-curse ay abnormal at may inferiority complex.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 182  daiguro01

    05/15/2012 | 01:07 AM
    o so u mean ok sayo ang superiority complex? hangal
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 181  daiguro01

    05/15/2012 | 01:03 AM
    yung isa dito may sira na ang ulo, dinamay pa si charo. hindi daw nag mura si claudine, oh come on! nadulas nga lang sa stage, malutong na PI na ang nasabi, dito pa kaya na situation na to? sinong ta nga maniniwala sa pinagsasabi ni raymart? kayo kayo lang yon!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 180  wanna_change

    05/15/2012 | 01:01 AM
    pwearl102, may inferiority complex ka siguro.. dahil sa inferiority complex, kahit binabastos ka ng ng binilhan mo ng serbisyo, tahimik ka lang... okey lang...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 179  wanna_change

    05/15/2012 | 12:56 AM
    pwearl102, hindi ka pa ba nakaranas ng isang ugly customer service?? kung nakaranas ka, hindi ka ba nagalit?? kung hindi ka nagalit ibig sabihin may inferiority complex ka..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 178  erichd

    05/15/2012 | 12:54 AM
    pearl plastic ka!plastic!isa kang tupperware!lol..para bang hindi talaga dumating sa buhay na nagreklamo at nagalit sa isang tao dahil sa kapalpakan..baka nga mas grabe pa ang ginawa mo sa isang tao!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 177  butchike

    05/15/2012 | 12:48 AM
    no manners, donnu how to conduct herself publicly and now dunno how to say sorry.... is she human??? maybe not... probably an animal or a monster. hope someday she or any member of her family will suffer the same fate. pweeeh....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 176  Tweetumzz123

    05/15/2012 | 12:39 AM
    di ba kaya tayo pumupunta sa costumer service ay para masolve yung problem? ano masosolve dun kong uunahin mo yung pagwawala o galit?! hindi naman nilagay sa costumer service yang mga staff na yan para okrayin,anjan sila para tumulong...anyway minsan may mga b0bita din naman talaga na walang silbi pero hindi ko pa rin sya mumurahin dahil unang una wala akong karapatan gawin yun...mataas lang talaga tingin ni claudine sa sarili nya kaya nya nagagawa ang mga kabastusan na yan...turn off lang tong si raymart dahil sa kanilang mag asawa sya dapat ang mas nakakaintindi pero isa pa ding mayabang...the end na ng career nyo mag asang baliw....kong gano kalilit ng mga height nyo sya namang taas ng mga eree nyo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About