news

Mom of Cebu Pacific ground crew seeks public apology from Claudine Barretto

by Jojo Gabinete posted on May 14, 2012  STATS: 118803 Views | 295 Comments

Raymart Santiago on why his wife Claudine Barretto (main photo) need not apologize to Mrs. Rosario Ilagan's (inset, left) daughter: "Nagalit naman si Claudine doon sa situwasyon, sa pangyayari. Hindi naman direkta sa anak niya. Hindi naman ibig sabihin na pinagmumura yung anak niya. Gusto ko lang i-clarify 'yon. Walang murahan na nangyari. Oo aaminin namin, nagalit si Claudine doon sa situwasyon. Doon sa pangyayari. Sa bag, sa Cebu Pacific, pero hindi diretso sa anak niya ang galit ni Claudine."

Photo By: Screen capture from

Muntik nang hindi matuloy kaninang umaga ang exclusive interview ni Anthony Taberna sa Umagang Kay Ganda kay Mrs. Rosario Ilagan, ina ng isa sa dalawang Cebu Pacific ground crew na diumano'y nakaranas ng "verbal abuse" mula kay Claudine Barretto sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) Terminal 3, nung May 6, Linggo.

Humantong sa mainit nang pinag-uusapan ngayon na kaguluhan sa pagitan ng beteranong kolumnista na si Mon Tulfo at ng grupo nina Claudine at asawa nitong si Raymart Santiago ang diumano'y "verbal abuse" ng aktres sa ground crew nung araw rin na iyon.

Ayon kay Mrs. Ilagan, ayaw na siyang payagan ng kanyang anak na magpainterbyu pero nakapangako na raw siya sa staff ng nasabing pang-umagang programa kaya kailangang tuparin niya ito.

Gusto ni Mrs. Ilagan na magbigay ng public apology si Claudine sa kanyang anak kaya ito ang topic na pinag-usapan kanina sa "Punto Por Punto," ang segment ni Anthony sa morning program ng ABS-CBN.

Sa kuwento ni Mrs. Ilagan, nagtapos ng BS Tourism-HRM (Hotel and Restaurant Management) ang kanyang anak na pitong buwan nang nagtatrabaho bilang ground crew ng Cebu Pacific.

Ayaw na raw ni Kristine na magsalita pa siya tungkol sa NAIA 3 incident. Nagdesisyon na rin ang kanyang anak na manahimik.

Ayon kay Mrs. Ilagan, "Ayaw niya ng magulo. Ayaw na niya magsalita. Sa totoo lang, ayaw na niya ako papuntahin dito [sa Umagang Kay Ganda ].

“Nalaman [niya] kanina na pupunta ako, talagang ayaw niya, kaya lang nakipagkasundo ako kagabi na pumayag ako.”


ASKING FOR PUBLIC APOLOGY FROM CLAUDINE. Sunod na tanong ni Anthony ay kung kailangan bang magbigay si Claudine ng public apology sa kanyang anak.

Sagot ni Mrs. Ilagan, "Sana, kung kakayanin niya [Claudine].

"Bilang artista, kaya niya 'yon."

Tanong ni Anthony, "Hinahanggan ba niya si Claudine?"

Sagot muli ni Mrs. Ilagan, "Hindi naman. Matagal na 'yon dahil hindi nga nakakapag-TV, dahil marami akong trabaho." 

WITH RAYMART SANTIAGO. Ang sumunod ay ang pag-uusap nina Mrs. Ilagan at Anthony hanggang sa kasama na ang asawa ni Claudine na si Raymart na nasa telepono.


Anthony: "Noong nangyari po yung insidente noong Sunday, ikinuwento ba sa inyo agad ang pangyayari?"
 

Mrs. Ilagan: "Noong  nakapanood kami ng TV, saka siya tumawag. Ang una lang text niya, manood kami ng TV dahil may konting gulo sa NAIA. Yun lang, bago pa namin nalaman sa kanya [ang mga nangyari]."

Bumaling naman si Anthony kay Raymart na isa-isang sinagot ang mga katanungan ng UKG host.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

295 Comments

  • 175  talk1979

    05/15/2012 | 12:33 AM
    pwearl102...ingit u much? sige mag flooding din you!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 174  wanna_change

    05/15/2012 | 12:32 AM
    MAdam Ilagan, magkano ang bayad sa iyo ni Maam Charo?... dapat sa CebuPac mag-complain ang anak mo dahil sa kanilang kapalpakan, kaya nasabon ang anak mo ng isang customer.. yang company ng anak mo ang may kasalanan at hindi si Claudine... normal na magalit ang isang customer na naka-received ng isang palpak na serbisyo.. twisted ang pag-iisip ng mga taong ito..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 173  starkaba

    05/15/2012 | 12:24 AM
    naremember ko ang ang kwento ng friend ko na customer serv/rep sa isang big company...sabi nya ang mura daw ay breakfast, lunch at dinner nila yun... kasama sa trabaho...mura mula ulo hanggang paa...sabi pa nya minsan daw...p i ang tawag sa kanya...sabi nya sya customer...Thank you! and same to you...sabay talikod... hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 172  wanna_change

    05/15/2012 | 12:15 AM
    binayaran ito ni Maam Charo para manira... dapat sa Cebu Pac mag-complain ang anak mo kung bakit nagalit sa kanya ang isang customer... twisted na talaga ang pag-iisip ng mga tao ngayon...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 171  flow246

    05/15/2012 | 12:12 AM
    No need for public apology from Clau. Nagawa nyang magtalak dahil nga sa palpak na serbisyo. Charice was there to represent the company, so she is the pawn. Maartista o normal na tao, sisigaw ka sa galit kong sino man dyan ang kaharap mo. In the real situation, maski sinong tao na nainis dahil sa palpak ay talagang magtalak doon. Anghel o santo lang siguro ang hindi magalit. Kasama yon sa trabaho ni Charice. Pag there is an apology, this will be a precedent na ok lang ang mga palpak dahil hindi pala pwede magalit tayo. Plastik ang tao na magsabi na hindi ko gagawin yon if I'm on that situation... IT IS THE BATTLE OF TULFO AND SANTIAGO. That's the fact of the issue. Leave Charice alone.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 170  misstoe

    05/15/2012 | 12:02 AM
    Spoilled brat talaga itong si Claudine na ito...kung naiinis kayo sa commercial airlines, bili ka ng sarili mong plane, huwag ka nang mag-co-commute sa commercial...simple lang iyan...we all know that airlines kahit dito sa US ay maraming problema...belittling and embarrassing the agent is not going to fix the problem...it'll just make you look like a completeeskan brat and walang delikadesa...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 169  erichd

    05/15/2012 | 12:01 AM
    mabuti naman yung iba natauhan.huwag kasi magjudged kaagad dahil wala naman tayo dun sa naia!i would agree to raymart mag sorry sila dahil sa nangyari di dahil sa reason..di naman pala directly na minura so bakit magagalit?iba kasi pagsinabi na your stupid kaysa stupid tong airline nyo or stupid lang just to release the frustrations.kung narinig man ng ibang pasahero eh kasi ng napalakas ang boses kasi galit meron ba namang galit na malumay pagkakasabi so yung ibang pasahero maririnig talaga.mismo ang staff na mismo nagsabi na di sya talaga ang minura so alam nya na hindi directly sa kanya galit si claudine..so kung magfa file sya ng kaso alam nya na di sya mananalo kaya tatahimik nalang sya.sana nalang magsorry si claudine para manahimik na itong inang to na nag eenjoy sa pagpapa interview..ano ba yan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 168  fecatada

    05/14/2012 | 11:58 PM
    Raymart is as a low level headed as claudine ayaw magsorry kasi alam nila either way no fans na sila. I like randy or rowell very cool.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 167  Kazumichan

    05/14/2012 | 11:53 PM
    Paawa effect naman tong girlaloung to. Kung sa common person naman nangyari to tinatarayan at pinagdadabugan lang ng mga CebuPac ground crew na to eh. Tapos porke artista kala mo aping api. Tse!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 166  daiguro01

    05/14/2012 | 11:51 PM
    oo tama, normal sa taong walang pinag aralan, walang modo, at walang breeding na tulad mo, put yourself on the shoes of that poor ground staff, how would you feel? magagaling kayong magreklamo, magtalak ng magtalak, mag mura ng mag mura, masosolve ba problema nyo sa pag mumura? ang galing galing magtatalak, simpleng sorry di magawa? ugaling bulok, yan dapat ang kinakasuhan at makatikim sa kulungan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 165  fanhan

    05/14/2012 | 11:47 PM
    ganyan talaga ang trabaho ng customer service. u represent the company. so ang kapalpakan ng kompanya mo eh ikaw ang mananagot eh kasi front liner ka dba. customer service rep is one of the most stressful job there is. it's depressing and it can really burn you out.. i dont blame the attendant for feeling that way and i dont blame claudine's frustrations either. i think naman the one that's at fault here is the cra ppy service cebu pacific has. you get what u pay for. mag PAL nalang kayo. so far naman wala akong reklamo for PAL. except that minsan, may mga attendant talaga na rude.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 164  karylle3ari

    05/14/2012 | 11:46 PM
    okay ate, sikat ka na. sali ka sa face to face para kumpleto na existence mo. OA ka ha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 163  MissSummer

    05/14/2012 | 11:46 PM
    Hahaha I can only laugh at this woman. Interview left and right, magkano bayad? Habol kasi nila artista eh, pero Kung ibang tao ung nawalan ng bagahe cgurado they're quiet. Claudine doesn't need to give a public apology dapat Cebu Pacific pa nga. I'm not sure if they did that or not. Again if you can't handle crisis and stressful situations and you don't know how to call on a supervisor when things get heated, then don't go into customer service. Sayang Lang degree mo Kung di ka naman marunong umaksyon in tough situations with customers.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 162  jasonsight

    05/14/2012 | 11:43 PM
    OO nga naman sa kakasisi natin kay CLAUDINE, hindi ba dapat natin siyang PASALAMATAN kasi kung ordinaryong tao yung nagcomplain, hindi matatauhan ang CEBU PACIFIC at NAIA... I was sure she was ready for the consequences but she thought that she has the right to complain... Di ba kung ang mga celebrities kung binibigyan ng extra privileges ng gov't and private corporations nagrereklamo tayo kasi gusto natin dapat itrato sila na parang ordinaryong tao. Ngayon nagagalit at nagreklamo sila tulad ng ordinaryong tao, dapat itanong natin, have we complained the same in the past? or even harsher than she did? As for me she save us the energy to burst our complain in the face of CEBU PACIFIC and NAIA...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 161  fabglam

    05/14/2012 | 11:38 PM
    Nakakatawa naman ang mga nanay ng ground personnel na napagalitan, panay ang paniterview! Magkano ang bayad? Huwag mag apply sa customer service kung mahina naman pala ang loob, yan ang trabaho nyo. Kung sinasabi nyong ang mga artista ay kailangan maging behave lagi dahil yan ang kapalit ng trabaho nila, ganun din ang mga nasa customer service dapat gawin kung ano ang trabaho nila. Minsan kasi hindi sila accomodating, pang asar pa ang mga mukha kaya tuloy ang ibang customers lalong umiinit ang ulo. Hindi dapat magpublic apology si Claudine kasi hindi lang naman sya ang kauna unahang customer dito sa Pilipinas na nagreklamo dahil sa palpak na serbisyo nila!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 160  justinblue01

    05/14/2012 | 11:28 PM
    Normal lang ang ginawa ni Claudine dahil customer sya, ang hindi normal ay ang umapir pa ang nanay ng CEBU PACIFIC staff para manghingi ng apology kay claudine para sa anak nya...ANG KAKAPAL, NAGPAPASIKAT PA ANG MAG-INA....Kung ayaw ng starlet na yan na staff ng CEBU PACIFIC na palpak na pagalitan at murahin sya ng customer di wag sya magtrabaho as customer service staff para di sya matalakan ng mga customer...Gumawa sya ng sarili nyang kumpanya....For sure,INUTUSAN yan ng Cebu Pacific na humingi ng apology para matakpan ang kapalpakan na ginawa nila....i should know, naranasan ko na rin ang service nila...talagang PALPAK...DONT EVER APOLOGIZE CLAUDINE dahil wala kang kasalanan....Channel 2 nakisawsaw pa...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 159  Mute19

    05/14/2012 | 11:25 PM
    You have to understand na you can't keep up with the "public image" all the time. May time na darating na di na natin kaya yan ihandle at tao rin yang mga yan. Parang yung mga ordinaryong tao, we are paid for being a receptionist, a flight attendant, pero darating at darating yung time na di natin magagampanan yung role na yan palagi. At eto ang nangyari sa situation na ito. Sana sinagot nung babae, nung pinapatawag ni Claudine yng may ari ng airline. Sinabi nya "mam, friends kau? may po kau? txt natin?" hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 158  celmar12

    05/14/2012 | 11:24 PM
    at saka anu ngaun kung pinagmumura ka trabaho mo yan as a customer service lahat na ng worst and good character makakaharap mo jan at ang masakit don u cannot force them na mag sorry sila sau cause its part of your job. nangyari na rin yan sa kin sa bank galit na galit sa kin ung client nagmumura din tapos sila din ng kapwa client nya ang nag away nagmurhan nag bantaan pero hindi sya nakakaiyak kasi nakakatawa. kasi ang bumababa ang moral ung taong nagmumura at ndi ung minumura
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 157  Mute19

    05/14/2012 | 11:22 PM
    di kasi natin alam anu ba nangyari, may mga instances din kasi na ang staff di marunong sumagot. At meron din na sila pa yung mataray,sila na nga yng mali. Yung iba kasing staff dyan, puro ewan ang sagot or minsan tataasan at lalayassn ka na lang bigla. So if you're the passenger, maiinis ka talaga. You paid for the service and that includes an answer if you need it. I'm sure this isn't the first time na nangyari at nasigawan ang babaeng ito. Masyado lang bigdeal kasi artista at eto nga nationwide na. Bastos yung pagkasabi ni Claudine yes, but dun sa training ng mga staff im sure na tackle nila na there will come a time na makakaencounter ka ng ganito, how will you handle it? At im sure ang sagot nya e i will handle it with calm and deligence... ek ek.. hahaha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 156  bac_tol

    05/14/2012 | 11:20 PM
    Kung sa call center ka nagtatrabaho, siguro mas madali "lunukin" ang mga talak ng nagwawalang customer kse hindi mo naman kaharap yung kausap mo at kayong dalawa lang nakakarinig ng pinag uusapan nyo. Pero dun sa ginawa ni Claudine, talaga namang nakakatrauma yun. Ikaw ba sigawan ng pagkalakas lakas sa harap ng madaming tao, hindi ka ba mapapahiya at maiiyak nun? Tapos artista pa yung tumatalak syo? Matatameme ka talaga. Kung "karapatan" ni Claudine ang magwala, pano kung si Lance Gokongwei na yung kaharap nya? Mapagtataasan nya ba ng boses yun? Aber?!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About