news

Mom of Cebu Pacific ground crew seeks public apology from Claudine Barretto

by Jojo Gabinete posted on May 14, 2012  STATS: 118843 Views | 295 Comments

Raymart Santiago on why his wife Claudine Barretto (main photo) need not apologize to Mrs. Rosario Ilagan's (inset, left) daughter: "Nagalit naman si Claudine doon sa situwasyon, sa pangyayari. Hindi naman direkta sa anak niya. Hindi naman ibig sabihin na pinagmumura yung anak niya. Gusto ko lang i-clarify 'yon. Walang murahan na nangyari. Oo aaminin namin, nagalit si Claudine doon sa situwasyon. Doon sa pangyayari. Sa bag, sa Cebu Pacific, pero hindi diretso sa anak niya ang galit ni Claudine."

Photo By: Screen capture from

Muntik nang hindi matuloy kaninang umaga ang exclusive interview ni Anthony Taberna sa Umagang Kay Ganda kay Mrs. Rosario Ilagan, ina ng isa sa dalawang Cebu Pacific ground crew na diumano'y nakaranas ng "verbal abuse" mula kay Claudine Barretto sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) Terminal 3, nung May 6, Linggo.

Humantong sa mainit nang pinag-uusapan ngayon na kaguluhan sa pagitan ng beteranong kolumnista na si Mon Tulfo at ng grupo nina Claudine at asawa nitong si Raymart Santiago ang diumano'y "verbal abuse" ng aktres sa ground crew nung araw rin na iyon.

Ayon kay Mrs. Ilagan, ayaw na siyang payagan ng kanyang anak na magpainterbyu pero nakapangako na raw siya sa staff ng nasabing pang-umagang programa kaya kailangang tuparin niya ito.

Gusto ni Mrs. Ilagan na magbigay ng public apology si Claudine sa kanyang anak kaya ito ang topic na pinag-usapan kanina sa "Punto Por Punto," ang segment ni Anthony sa morning program ng ABS-CBN.

Sa kuwento ni Mrs. Ilagan, nagtapos ng BS Tourism-HRM (Hotel and Restaurant Management) ang kanyang anak na pitong buwan nang nagtatrabaho bilang ground crew ng Cebu Pacific.

Ayaw na raw ni Kristine na magsalita pa siya tungkol sa NAIA 3 incident. Nagdesisyon na rin ang kanyang anak na manahimik.

Ayon kay Mrs. Ilagan, "Ayaw niya ng magulo. Ayaw na niya magsalita. Sa totoo lang, ayaw na niya ako papuntahin dito [sa Umagang Kay Ganda ].

“Nalaman [niya] kanina na pupunta ako, talagang ayaw niya, kaya lang nakipagkasundo ako kagabi na pumayag ako.”


ASKING FOR PUBLIC APOLOGY FROM CLAUDINE. Sunod na tanong ni Anthony ay kung kailangan bang magbigay si Claudine ng public apology sa kanyang anak.

Sagot ni Mrs. Ilagan, "Sana, kung kakayanin niya [Claudine].

"Bilang artista, kaya niya 'yon."

Tanong ni Anthony, "Hinahanggan ba niya si Claudine?"

Sagot muli ni Mrs. Ilagan, "Hindi naman. Matagal na 'yon dahil hindi nga nakakapag-TV, dahil marami akong trabaho." 

WITH RAYMART SANTIAGO. Ang sumunod ay ang pag-uusap nina Mrs. Ilagan at Anthony hanggang sa kasama na ang asawa ni Claudine na si Raymart na nasa telepono.


Anthony: "Noong nangyari po yung insidente noong Sunday, ikinuwento ba sa inyo agad ang pangyayari?"
 

Mrs. Ilagan: "Noong  nakapanood kami ng TV, saka siya tumawag. Ang una lang text niya, manood kami ng TV dahil may konting gulo sa NAIA. Yun lang, bago pa namin nalaman sa kanya [ang mga nangyari]."

Bumaling naman si Anthony kay Raymart na isa-isang sinagot ang mga katanungan ng UKG host.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

295 Comments

  • 155  celmar12

    05/14/2012 | 11:17 PM
    just my opinion naranasan kong magreklamo ng mahinahon pero ndi pagmumukhain ka lang eng eng at ang worst pa don minsan parang sinungaling ka pa pero try na magreklamo ka ng mejo mataas ang boses o kaya galit ka basta no bad words lang ha kita mo ang bilis ng aksyon nila.saka diba cust is always right hindi po ako maka claudine kasi ndi ko gusto ung pinagtulungan nila si tulfo pero ndi ko naman gusto na mag public apology pa sya unang una walang gulo kung maayos ang serbisyo ng cebu pac at walang eksena don pa lang siguro sobra sobra ng napahiya si claudine sana wag naman nila masyadong durugin ung tao
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 154  edmund_galila

    05/14/2012 | 11:02 PM
    iyang si dos por dos dun ko napulaan...nakisawsaw pa sa issue ito na madami naman pambansa na issue why would he insist for public apology??trabaho ng custumer service un..ikaw na pasahero kaw pa magsososrry sa cebu pacific???? ayusin nila serbisyo nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 153  tatoyadik

    05/14/2012 | 11:02 PM
    pero di nmn lahat gnyan meron nmn mabilis ang service nila...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 152  AquaBlue

    05/14/2012 | 11:00 PM
    if you work with people you know how to handle the customer complaints.hindi yun nakatanga ka lang na humaharap.ang nakakabunsit pa ay aalis nalang bigla ni hindi sinagot ang complaints mo.only in CPCIFIC...if you never heard about customer complaints with the problems.customers hindi na bumabalik...customers sinosunod ang palicy ninyo tapos kaming customers gusto namin ang satiesfied service...pinili mo ganyan trabaho alam at alam mo sari-saring tao ang makakaharap...principal of service...feel good about yourself.and your work that you do.practice habits of courtesy everyday and evryone you deal with.use positive communication...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 151  tatoyadik

    05/14/2012 | 10:57 PM
    nasubukan ko nang magreklamo sa maayos na paraan sa gnyang sitwasyon...kapg nakita nang staff na di ka nila masisindak at masydo kang pacute sa pagtatanong ok sasagutin ka nga nila pero paghihintayin ka lang hnggang mamuti na mata mo...pero pg nadaan mo sila sa sindak un ggawa sila ng paraan masolve ang dinidemand mo....haay naku...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 150  ellenbermu

    05/14/2012 | 10:56 PM
    Let cebu pacific handle your daughters issue, di na dapat nakisawsaw pa ito.all you can do is comfort your daughter,ayaw niya na palang nagsasalita ,wag ka ng umapir sa tv.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 149  tatoyadik

    05/14/2012 | 10:52 PM
    xenaako : i salute you...very well said...totoo ka dyan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 148  marina28

    05/14/2012 | 10:49 PM
    I agree with you xenaako. I work in a hotel din kasi and deal with a lot of customers. Hindi pwedeng balat sibuyas ka sa trabahong ito. Just dont take it personally, yun lang yun. Minsan nga gusto ko nang sapakin yung guest pero syempre smile pa rin at apologize.... And most of the time, if you do your job well, eh things will go around at matutuwa pa syo yung costumer later on dahil you worked it out with them. If this two ground staff cant handle these situations eh they better find a new careers... this is very bad for them and bad for Cebu Pacific na rin dahil their CS cant handle costumer service well.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 147  mariankimfan1

    05/14/2012 | 10:48 PM
    ang written report ng employee, hindi siya direktang minura ni Claudine. minura yung airline, yung service, yung ginawa sa kanya, pero hindi iyong employee mismo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 146  bac_tol

    05/14/2012 | 10:45 PM
    Pwede naman pong magreklamo sa maayos na pamamaraan. Kung hahayaan natin na maging "normal" lang yung ginawang pagtatalak ni Claudine, aba eh magrambulan na lang tayo sa Customer Service Desk. Totoo naman na may ganyang pangyayari. May mga customer na umiinit ang ulo dahil sa palpak na serbisyo. Pero kung sinasabi nyong normal lang yung ginawa ni Claudine, eh bakit sya pinagtitinginan ng tao? Bakit nya nakuha ang atensyon ni Mon Tulfo? Ibig sabihin, may mali syang ginawa. At pag may mali kang ginawa, dapat kang magsorry, lalo na dahil public figure ka. Ngayon, ang sorry hindi yan hinihingi, kusa yang binibigay. Baka maisalba pa ni Claudine ang "image" nya kung kusa syang hihingi ng paumanhin sa ginawa nyang pagtalak sa dalawang ground staff ng Cebu Pacific. Tungkol sa career nya, sa tingin ko wala na yang pag-asa maisalba. Pati asawa nahila pa. Tsk tsk...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 145  edmund_galila

    05/14/2012 | 10:40 PM
    mga media wag na ninyo palawakin pa ang issue kau nagpapagulo! sobra pkisawsaw dami2 problema mas mabibigat s apinas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 144  marina28

    05/14/2012 | 10:39 PM
    When Cebu pacific screw up my flight, which is madalas!, can I demand a public apology too? OA ha! Dapat ayusin ng CEbu Pacific ang serbisyo nila at protocols. Learn from their mistakes at hindi paulit-ulit na inii-screw up nila serbisyo nila sa pasahero! Sa kaso ni Claudine, to whom do you expect her to vent her frustrations kung hindi duon sa dalawang ground staff? Eh sila yung costumer service diba? Trabaho nila yan. Alam mo naman kausapin nya yung eroplano! hahaha. Eh di para syang baliw nun at for sure when Tulfo sees it eh for sure kukuhanan nya pa rin ng picture yun... tapos magrarambulan sila. LOL.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 143  xenaako

    05/14/2012 | 10:38 PM
    i used to work as sales person before, kung sinu-sino ang costumer mo minsan ang sarap ng saksakin sa sobrang maldita. Dahil alam ko kng ano ang trabaho ko hindi ako nagpapaapekto. Sa dami ng reklamo na natanggap ko kahit hindi kasalanan ng outlet namin eh anong magagawa ko kundi mag explain sa guest at maghanap ng paraan pano ko matutulungan ang guest ko pero minsan may mga sobrang maldita talaga na hindi na kaya ng powers eh smile ka na lang. hindi ka naman pwde mag reklamo sa guest dahil guest mo yun eh, responsibilidad mo at ng company mo na ibigay ang tamang serbesyo pra sa kanila unless siguro kng sinaktan ka physically ay ibang usapan na yun. verbally abused dw yung staff? nakkeww. mag trabaho kamo xa sa middle east ng malaman nya kng ano talaga ang meaning ng verbally abuse. I mean majority kasi sa ating mga pinoy, sobrang sensitive. why dont we try to analyze the situation first bago mang husga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 142  marina28

    05/14/2012 | 10:32 PM
    Ay naku, OA na ha. Kung balat sibuyas yang anak nyang si Bocboc eh dapat umalis sya sa trabahong yan. Sa trabahong costumer service eh hindi nya dapat pinipersonal lahat. Lalo na at they handle costumers. Iba-iba ang ugali ng costumers lalo na kung hindi mo ma-meet ang kanilang expectations. What do they expect from a passenger pagkatapos nilang ilipat ang bag sa ibang eroplano without the passenger's consent? Magtatalon sa tuwa? Natural magagalit yun! Tapos ngayon kakasuhan nyo ng verbal abuse? What does that say sa Cebu Pacific? Na pwede mag-screw up ang Cebu Pacific anytime pero walang rights ang mga passahero magreklamo dahil pwedeng makasuhan ng mga empleado nila? That is ridiculous!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 141  shellphone

    05/14/2012 | 10:29 PM
    drama anong public apology eh nangyayari nayan sa lahat ng pag nagkaron ng delay ng flight.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 140  bac_tol

    05/14/2012 | 10:25 PM
    Hanggang sa huli ayaw pa din tumanggap ng pagkakamali. Nag sorry na Cebu Pacific, nag sorry na Tulfo brothers, ikaw na lang Claudine iniintay ng taong bayan na mag sorry dun sa dalawang empleyado na tinalakan mo. Kahit na sabihin na nating hindi ka sa kanila mismo galit, eh bakit sila ang sinisigawan mo? O kaya mo ba pinapatawag si Lance Gokongwei kse sya ang gusto mong murahin? Hehe...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 139  mariankimfan1

    05/14/2012 | 10:20 PM
    how does this mom expect other people to respect her daughter, when she herself does not respect her daughter. di ba sabi ng anak nya wag maka interview, sana hindi na sya nagpunta. this mother needs to understand that she's violating a passenger's confidentiallity agreement. kahit sabihin mo na all out in the open and everybody knows what's going, and dapat magsalita ay ang cebu pacific. hindi yung employee at hindi sya, lalo na. it is still under investigation. There are still somethings that you cannot talk about in public.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 138  JeepneyDriver

    05/14/2012 | 10:15 PM
    Pinay123 ikaw kaya sa place ni Ms Ilagan, tapos pagmumurahin kita...,sa ibang bansa, yung ginawa ng idol mo, pinosasan na siya ng pulis for public disturbance , maging sino ka mang sikat na tao...Atleats si Miss Ilagan edukada may pinag aralan...kahit mahirap, eh si idol mong si Claw -diin...anong tinapos , wala ...baka high school yata di pa natapos..... Yung tumanggap ng mura sa customer service rep is not part of the job description..puwede niya murahin yung kumpaniya , hindi yung tao kung di talga siya makapagpigil . . bottom line...Claw-diin , needs to seek professional help, hindi sa acting ha, magaling siya dun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 137  rray

    05/14/2012 | 10:14 PM
    natawa ako sa video muntik ng makita ang pribadong bahagi ng katawan ni claudine sa kauumbag kay tulfo... hahahahhahahahahahahhahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 136  pinay123

    05/14/2012 | 09:56 PM
    when you work as the frontline of an airline, expect complaints, complaints, rant, etc. from customers...i don't think claudine should apologize. nothing personal here, this is claudine vs. cebu pacific, it just happens whoever claudine is talking to represents cebu pacific.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About