news

Mom of Cebu Pacific ground crew seeks public apology from Claudine Barretto

by Jojo Gabinete posted on May 14, 2012  STATS: 119019 Views | 295 Comments

Raymart Santiago on why his wife Claudine Barretto (main photo) need not apologize to Mrs. Rosario Ilagan's (inset, left) daughter: "Nagalit naman si Claudine doon sa situwasyon, sa pangyayari. Hindi naman direkta sa anak niya. Hindi naman ibig sabihin na pinagmumura yung anak niya. Gusto ko lang i-clarify 'yon. Walang murahan na nangyari. Oo aaminin namin, nagalit si Claudine doon sa situwasyon. Doon sa pangyayari. Sa bag, sa Cebu Pacific, pero hindi diretso sa anak niya ang galit ni Claudine."

Photo By: Screen capture from

Muntik nang hindi matuloy kaninang umaga ang exclusive interview ni Anthony Taberna sa Umagang Kay Ganda kay Mrs. Rosario Ilagan, ina ng isa sa dalawang Cebu Pacific ground crew na diumano'y nakaranas ng "verbal abuse" mula kay Claudine Barretto sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) Terminal 3, nung May 6, Linggo.

Humantong sa mainit nang pinag-uusapan ngayon na kaguluhan sa pagitan ng beteranong kolumnista na si Mon Tulfo at ng grupo nina Claudine at asawa nitong si Raymart Santiago ang diumano'y "verbal abuse" ng aktres sa ground crew nung araw rin na iyon.

Ayon kay Mrs. Ilagan, ayaw na siyang payagan ng kanyang anak na magpainterbyu pero nakapangako na raw siya sa staff ng nasabing pang-umagang programa kaya kailangang tuparin niya ito.

Gusto ni Mrs. Ilagan na magbigay ng public apology si Claudine sa kanyang anak kaya ito ang topic na pinag-usapan kanina sa "Punto Por Punto," ang segment ni Anthony sa morning program ng ABS-CBN.

Sa kuwento ni Mrs. Ilagan, nagtapos ng BS Tourism-HRM (Hotel and Restaurant Management) ang kanyang anak na pitong buwan nang nagtatrabaho bilang ground crew ng Cebu Pacific.

Ayaw na raw ni Kristine na magsalita pa siya tungkol sa NAIA 3 incident. Nagdesisyon na rin ang kanyang anak na manahimik.

Ayon kay Mrs. Ilagan, "Ayaw niya ng magulo. Ayaw na niya magsalita. Sa totoo lang, ayaw na niya ako papuntahin dito [sa Umagang Kay Ganda ].

“Nalaman [niya] kanina na pupunta ako, talagang ayaw niya, kaya lang nakipagkasundo ako kagabi na pumayag ako.”


ASKING FOR PUBLIC APOLOGY FROM CLAUDINE. Sunod na tanong ni Anthony ay kung kailangan bang magbigay si Claudine ng public apology sa kanyang anak.

Sagot ni Mrs. Ilagan, "Sana, kung kakayanin niya [Claudine].

"Bilang artista, kaya niya 'yon."

Tanong ni Anthony, "Hinahanggan ba niya si Claudine?"

Sagot muli ni Mrs. Ilagan, "Hindi naman. Matagal na 'yon dahil hindi nga nakakapag-TV, dahil marami akong trabaho." 

WITH RAYMART SANTIAGO. Ang sumunod ay ang pag-uusap nina Mrs. Ilagan at Anthony hanggang sa kasama na ang asawa ni Claudine na si Raymart na nasa telepono.


Anthony: "Noong nangyari po yung insidente noong Sunday, ikinuwento ba sa inyo agad ang pangyayari?"
 

Mrs. Ilagan: "Noong  nakapanood kami ng TV, saka siya tumawag. Ang una lang text niya, manood kami ng TV dahil may konting gulo sa NAIA. Yun lang, bago pa namin nalaman sa kanya [ang mga nangyari]."

Bumaling naman si Anthony kay Raymart na isa-isang sinagot ang mga katanungan ng UKG host.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

295 Comments

  • 135  maribeth68

    05/14/2012 | 09:49 PM
    Hindi magagalit ang pasahero kung maganda ang sagot ng mga staff, eh yung kasamahan ku nga na naka experience ng masama din, take note international flight napag mumura din ang mga staff from ground crew sa saudi hanggang sa manila dahil sa un-professional sila mag handle ng situation.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 134  majorelion

    05/14/2012 | 09:46 PM
    ay naku next topic n sobra na mga tao n ito ,sinong sikat na artista ang gustong malagay sa sitwasyon n ganito db wala, lahat ng bagay may pinag simulan wag tayong humusga sa mga tao, may mga bata sa mga ampunan na umaasa kina claudine at raymart kaya tigilan nyo na sila,bakit sa mga humuhusga sa mag asawa kaya nyo ba suportahan ang angpunan na tinutulungan nila.d naman sya ganon kasama nag palaki sya ng bata n tinapon lang sa daan at tinuring na tunay na anak,sinong tao ang d nag kakamali.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 133  yukie85

    05/14/2012 | 09:41 PM
    Hindi kailangan ni Claudine public apology ang dapat gumawa niyan Cebu pacific kalerky lang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 132  majorelion

    05/14/2012 | 09:37 PM
    naka relate ako kay claudine,naging pasahero din ako ng cebufacipic ang service ng groundcrew at air stewardes below average the way they handle the situation talagang iinit ang ulo mo .bakit naman public apology hinihingi nya nag kataon lang n artista c claudine ky cl ganyan, im sure pera lang katapat nyan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 131  catherinethegreat

    05/14/2012 | 09:26 PM
    abs has the power to protect their talents, even if the utmost controversies they can turn black into white and convince people they are so expert in promotions that theirs are better than any other stations, they will put something into your mouth even you don't like it cover your mouth and let you swallow that's how abs works full of promotions, i 'm not surprised they sound so biased here with claudine, well they can destroy her credibility but if she stills with abs this would not be as biased as this one.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 130  IMaPeper2

    05/14/2012 | 09:08 PM
    I don't call that as an apology from Raymart...binabawi nya e.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 129  pepmosa

    05/14/2012 | 09:06 PM
    eh ano yung sinasabi daw ni klawklaw na ..hinahanap nya si gokongweeh? para ipatanggal nya yung ground crew? ayan natupad na , nawalan na ng work yung isang crew..masaya ka na klawklaw?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 128  IMaPeper2

    05/14/2012 | 09:05 PM
    Kung nauna at diretsahang binastos ka ng employee, then you have every right to complain. Puede bang i-release sa public ang copy noong written report?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 127  tatoyadik

    05/14/2012 | 09:03 PM
    kasama sa trabaho yan ng mga staff ang makaencounter ng mga pasahero na nagrereklamo at di maiwasan makapagsalita ng di maggnda lalo na kapag walang maisagot na tama sa mga pasahero...di kailangan ng public apology kung manghingi mn ng paumnahin personal na nlng..to namang nanay na to epal...nautusan to ng grupo ni tulfo...di mgkakalakas ng loob to kung wla syang back-up..artista kc nakabangga kya nakikisawsaw sa publicity...tsk tsk tsk...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 126  wisdomtooth

    05/14/2012 | 08:48 PM
    celebrex: si Claudine and Raymart public figure and they are held liable sa mga maling ikikilos nila na makikita. Edi sana kung ayaw nila ng mga ganyang public apology e sana di sila nag artista. Maraming artista na hindi nakakaintindi na pag-aari na sila ng publiko at kung may mali sila they should address it properly...Maraming may kilala na kay Claudine sana lang wag na lang nya pakita ano ba talaga sya kasi wala na akong masasabi.... Makinig na lang kayo kay Mommy Dionisia hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 125  wisdomtooth

    05/14/2012 | 08:40 PM
    Kita nyo nagresign na yung isang ground staff, tama bang mangyari sa kanya yun. Isipin nyo kung nagresign ba sya o pinagresign. Hindi aamin yan pero nakasira si Claudine ng buhay dahil lamang sa baggage na parating na rin naman. Sana lang nakakatulog sila ng maayos. Whenever there's an interview mas consistent si Mon Tulfo and nakikita mo ano ba talaga ang nangyari. Unlike kay Raymart pag may natanong na nagugulantang sya sumasagot ng MAYBE or aantayin naririnig ang utos ng lawyer nila. Ako isa lang gamitin na ni Clau ito para makuha sympathy ng tao a public apology para sa public na humihingi ng pasensya ang gawin not specifically sa mga tao na nabulyawan nya but sa public na mali ang nagawa nya pero dahil bugso ng damdamin lang nya. Do like what Tulfo brothers did...apologize agad. So ngayon yung mas nakakaunawa mas nakita pa na out of sympathy sa kapatid nila ang ginawa ng magkakapatid but their mother and Mon scolded them and yumuko sila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 124  javakula

    05/14/2012 | 08:40 PM
    Ang yabang pa rin ng mag asawang ito. I am sorry but With this attitude this has been star will go down in history really fast. Ikakamatay ba niya kung mag sorry siya eh talaga namang nakasakit siya ng damdamin. And between claudine and the employee, i tend to believe the employee more. Geeez, this star need to take her meds....pronto!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 123  wisdomtooth

    05/14/2012 | 08:28 PM
    hi celebrex: as I was saying the public apology is not pertaining to what Claudine did to the ground staff perhaps public apology dahil hindi nga tama ang mga inaksyon nya and dapat marinig from her dahil may mga fans sya at yung di nya fans iba na tingin sa kanya, others who know her e for sure natatawa na lang and this is not unusual sa kanya yung ganyang behaviour. But for Claudine's sake maging matalino sana sya. The mother asked for a public apology then magbigay sya na nahingi sya ng paumanhin sa public sa maling inasta nya na sana wag gawin pag mainit ang ulo pero am not saying iadmit nya ang ayaw nya iadmit but ang best damage control nya is to speak up. Yan nasa youtube na yan forever kawawa mga anak ni Claudine ako e yun lang at least makikita din ng mga anak nya na nanay nila e marunong magapologise sa public kasi public property sya. Yung sa nanay perhaps pavideo nya na puntahan nya sa bahay yung 2 pero wag na lang iparinig ano sinasabi at least she reache out. Parang teleserye nya ganyan naman g
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 122  pinktiger

    05/14/2012 | 08:23 PM
    No need for public apology para kay miss ilagan. MRS ILAGAN dapat nyong intindihin na ngtatrabaho ang anak nu at ung galit ay wag nu personalin. KUNG SI PRESIDENT NINOY NGA NA HALOS GIBAIN ANG GATE NG BAHAY NYA NG MGA NG-RALLY DHL SA SILVERIO DEMOLISYON EH NDE SYA NGDEMAND OR NAGALIT KHT LABAS ANG BAHAY NYA SA USAPING DEMOLISYON KASI TANGGAP NYA POSSIBILIDAD OR GAWIN ITO DHL NGLILINGKOD SYA SA BAYAN LIKE UR ANAK.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 121  wisdomtooth

    05/14/2012 | 08:21 PM
    steelwings: hahaha irate poster ka pala dito and worst is that you are attributing Cebu Pacific sa akin. Sorry pero once lang ako nag Cebu Pacific at sinumpa ko na hindi na at never na ako sumakay since then. I had a bad experience with them but I didn't shout nor berate the ground staff kahit may angas sila dahil sa akin baka hindi pa nakain din yang mga yan at sa dami ng nagagalit sa Cebu Pac e napupuno na yan. No wonder why dumadami ang mga pasyente ng mga neurologist at psychiatrist sa Pilipinas dahil sa mga customer service both BPO and usual Filipino companies. Natatawa na lang ako sa posts mo pero that's fine naiintindihan kita. Magandang gabi sa iyo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 120  celebrex27

    05/14/2012 | 08:21 PM
    wisdomtooth.......pwedeng mag apologized pero siguro naman not publicly.kailangan ba gawin un in pulic kasi celebrity ung involved?lets say ordinary citizen lang sya are they going to demand the same or is there anyone who will bother to take video or picture, or is it going to be a big issue?FOR SURE NO.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 119  pinktiger

    05/14/2012 | 08:15 PM
    Andun si Ms ilagan bilang Cebu airlines staff kaya sa sitwasyong nangyari ay nagalit si claudine sa kanya nde para sa pgkatao nya kundi para sa cebu airlines. Sa mga mangagawa normal lng at dapat nilang expect such sitwasyon lalo na't may pgkukulang ang kanilang company. Kasi andun si Ms. Ilagan not as individual kundi as a part of cebu pacific. Alam nya na nangyayari iyan at customer is always right sad to say.. But again , sana maging lesson ito para sa lht.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 118  lawrenzo

    05/14/2012 | 08:10 PM
    Wag kang mag sorry Claudine, kalokohan ang mag sorry lol.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 117  KapusoTayo60

    05/14/2012 | 08:05 PM
    Nakikisawsaw.... ano ito binayaran ng TV5 para idiin ang magasawang santiago??
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 116  lawrenzo

    05/14/2012 | 08:02 PM
    Lukaret din yata itong Nanay lol. Public apology? Patawa. Wag pagamit kay Tulfo lol... This will work in favor of Claudine. Sige pa mga Inday.. push niyo pa ng husto.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About