news

Mom of Cebu Pacific ground crew seeks public apology from Claudine Barretto

by Jojo Gabinete posted on May 14, 2012  STATS: 119006 Views | 295 Comments

Raymart Santiago on why his wife Claudine Barretto (main photo) need not apologize to Mrs. Rosario Ilagan's (inset, left) daughter: "Nagalit naman si Claudine doon sa situwasyon, sa pangyayari. Hindi naman direkta sa anak niya. Hindi naman ibig sabihin na pinagmumura yung anak niya. Gusto ko lang i-clarify 'yon. Walang murahan na nangyari. Oo aaminin namin, nagalit si Claudine doon sa situwasyon. Doon sa pangyayari. Sa bag, sa Cebu Pacific, pero hindi diretso sa anak niya ang galit ni Claudine."

Photo By: Screen capture from

Muntik nang hindi matuloy kaninang umaga ang exclusive interview ni Anthony Taberna sa Umagang Kay Ganda kay Mrs. Rosario Ilagan, ina ng isa sa dalawang Cebu Pacific ground crew na diumano'y nakaranas ng "verbal abuse" mula kay Claudine Barretto sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) Terminal 3, nung May 6, Linggo.

Humantong sa mainit nang pinag-uusapan ngayon na kaguluhan sa pagitan ng beteranong kolumnista na si Mon Tulfo at ng grupo nina Claudine at asawa nitong si Raymart Santiago ang diumano'y "verbal abuse" ng aktres sa ground crew nung araw rin na iyon.

Ayon kay Mrs. Ilagan, ayaw na siyang payagan ng kanyang anak na magpainterbyu pero nakapangako na raw siya sa staff ng nasabing pang-umagang programa kaya kailangang tuparin niya ito.

Gusto ni Mrs. Ilagan na magbigay ng public apology si Claudine sa kanyang anak kaya ito ang topic na pinag-usapan kanina sa "Punto Por Punto," ang segment ni Anthony sa morning program ng ABS-CBN.

Sa kuwento ni Mrs. Ilagan, nagtapos ng BS Tourism-HRM (Hotel and Restaurant Management) ang kanyang anak na pitong buwan nang nagtatrabaho bilang ground crew ng Cebu Pacific.

Ayaw na raw ni Kristine na magsalita pa siya tungkol sa NAIA 3 incident. Nagdesisyon na rin ang kanyang anak na manahimik.

Ayon kay Mrs. Ilagan, "Ayaw niya ng magulo. Ayaw na niya magsalita. Sa totoo lang, ayaw na niya ako papuntahin dito [sa Umagang Kay Ganda ].

“Nalaman [niya] kanina na pupunta ako, talagang ayaw niya, kaya lang nakipagkasundo ako kagabi na pumayag ako.”


ASKING FOR PUBLIC APOLOGY FROM CLAUDINE. Sunod na tanong ni Anthony ay kung kailangan bang magbigay si Claudine ng public apology sa kanyang anak.

Sagot ni Mrs. Ilagan, "Sana, kung kakayanin niya [Claudine].

"Bilang artista, kaya niya 'yon."

Tanong ni Anthony, "Hinahanggan ba niya si Claudine?"

Sagot muli ni Mrs. Ilagan, "Hindi naman. Matagal na 'yon dahil hindi nga nakakapag-TV, dahil marami akong trabaho." 

WITH RAYMART SANTIAGO. Ang sumunod ay ang pag-uusap nina Mrs. Ilagan at Anthony hanggang sa kasama na ang asawa ni Claudine na si Raymart na nasa telepono.


Anthony: "Noong nangyari po yung insidente noong Sunday, ikinuwento ba sa inyo agad ang pangyayari?"
 

Mrs. Ilagan: "Noong  nakapanood kami ng TV, saka siya tumawag. Ang una lang text niya, manood kami ng TV dahil may konting gulo sa NAIA. Yun lang, bago pa namin nalaman sa kanya [ang mga nangyari]."

Bumaling naman si Anthony kay Raymart na isa-isang sinagot ang mga katanungan ng UKG host.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

295 Comments

  • 295  malaguku_04444

    05/17/2012 | 12:29 PM
    Well sometimes Kahit Hindi artista pag pagod ka and ang tagal ng bagahe mo mappamura k tlg. Ngkataon n artista si Claudine Kaya bigdeal.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 294  SimonLaplace2

    05/17/2012 | 05:25 AM
    O ayan natuto na kayo. Hinde ang pagiging emo ang solusyon. Gamitin ang utak sa situasyong ganito. Nagtalak si Claudine, talakan mo rin. Anong problema mo Teh at hinde mo na manage ang rabid na kliente. Kumuha kayo ng basong tubig na may yelo, inalok kay Aleng Claw...Mam huminahon po muna kayo, wala po tayo sa talipapa. Nandito po ako sa Manila, ang mga tao sa Caticlan ang nag offload ng baggages ninyo. Saglit lng Mam tawagin ko po ang Manager namin. Mataas respeto ko senyo favorite artista ko po kayo, inaabangan ko po yung iglot sayang na cut short. Saglit lang Mam kausapin nyo muna ang Manager namin, mas magkakaintindihan po kayo, frontliner lng po kse ako dito at iba ang lenguahe na gamit namin po. Simpleng palusot di mo nagawa. Mahina ka Day, kulang ka pa sa training. Tell your Momma na wag ng mag emo. CHARGE IT TO EXPERIENCE.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 293  ellenbermu

    05/17/2012 | 12:56 AM
    Ang isang apology ay kusang ibinibigay ng isang nagkasala. di dapat pinipilit...kong ayaw ni claudine magsorry sa ngayon,let her be...epal masyado ang nanay na ito,baka akala niya mapeperahan niya ang mga artista. Im being fair on my opinions in this issue.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 292  erichd

    05/16/2012 | 03:57 PM
    nakakatawa ang comments mo kcpretty angel..all paying customers has the right to asked and question if they are not satisfied with the services..and if you are a customer service you should know the pasikot sikot ng company kung di alam di magtanong thats why in customer service my phone lahat ng access para makatawag para makapagtanong also if the hearsay are true na nagwawala nga si claudine eh bakit di siya tumawag ng security guard?common sense kasi ang dapat na gawin at gumawa ng paraan to ease the anger of the custmer.kung sa exam pa kung di mo alam ang sagot di babagsak ka talaga!gets mo?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 291  Babylove2

    05/16/2012 | 03:06 PM
    Ang pera nga naman day ano o gusto mo lang din sumikat?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 290  kcprettyangel

    05/16/2012 | 01:15 PM
    Mabuti pa si Juday at Ryan sila yong nagpakumbaba. Hindi kawalan ang magpakumbaba at paghingi ng sorry.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 289  kcprettyangel

    05/16/2012 | 01:11 PM
    Not because the staff can not answer your question may karapatan na ang nagrereklamong ipatanggal ito. Not because mas mataas ka at kilala ka , okey lang manlait magmaliit ng ibang tao. Kahit staff ay customer din, dahil kung walang staff walang business. at hindi dahil nasa customer service ka alam mo lahat ng sagot sa tanong. At lahat ng airline nangyayaring paminsan-minsan may bagaheng naiiwanan. Pero ibagay mo ang identification mo at information about you and the bagage. kapag di na nabalik sayo doon ka magreklamo. Nangyari na rin ito sa akin that's why I know how it is.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 288  proudtobepinoy84

    05/16/2012 | 01:10 PM
    Kung ikaw siguro ang tinalak talakan, tapos may kausap ka sa phone para magwan nang paraan na mtapos na ang mga bagay-bagay, siguro naman, gagawin mo rin ung nagawa ng CSR. the more na may nagtatalak, the more na walang nagagawang solusyon. distraction kamo. try mo kaya, makipag-usap ka sa boss mo while tinatalkan ka ng kung sino?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 287  charma7

    05/16/2012 | 12:54 PM
    from what i understand in this article,kaya pinatatahimik ni anak si ina,dahil nakapagbigay na sya ng written statement na walng nangyaring murahan.so ang pagpapainterview na ito eh hinaharang ni anak.so bakit pa nga magbibigay si claudine ng public apology eh di naman nya minura ayon sa written statement.pero if you dig down under, and read between the lines,pati sa binitawang salita ni raymart at sa himig ng ina,ayon sa sumbong ng kanyang anak.me murahan kaso ayaw syempre ng anak na mawalan ng trabaho kya iyon ang written statement.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 286  pilyangmaganda

    05/16/2012 | 12:52 PM
    Boycott Cebu Pacific. Huwag ng sumakay sa mga wala modo airline!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 285  mode10114

    05/16/2012 | 12:29 PM
    The video itself can prove how this Baretto and the whole entourage take there actions which is very disturbing the fact that there kids was there a whole a nine yards what a shameful act on there part knowing that they are a public figure. Hey man nobodys perfect in this world just give a public apology and move on don't be chicken...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 284  maserati222

    05/16/2012 | 09:31 AM
    Buhay pa pala ang ang kwento na ito nakita ko yong picture habang nagwawala si Claudine nakatalikod yong customer service kina Claudine habang nakikipagusap siya sa phone kaya lalong na irate si Claudine.Kulang talaga siya sa training.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 283  SimonLaplace2

    05/16/2012 | 08:38 AM
    Customer is always RIGHT. Ang customer service walang karapatang mag inarte. Pag nag inarte ang cliente, gawan nya ng paraan para matapos ang trabaho ng walang sigalot.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 282  SimonLaplace2

    05/16/2012 | 08:36 AM
    At bakit keylangan mag sorry ni Claudine sa anak mo? Haler ka naman Tita. Hinde naman palengke ang CebuPac na puede mag emote kung gusto. Hinde naka deliver or perform ang anak mo of what is expected of her eh kaya ayan, inulan ng mura. Tell you daughter to find a new job, ok. Pag abroadin mo na yan, wala syang future sa Cebu Pac...heheheheeheheh
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 281  SimonLaplace2

    05/16/2012 | 08:34 AM
    Sa States marami na ring paparazzi naumbag ng mga artista. Normal yun, part of the day job. Kaya ikaw Mon, sana magsilbi kang leksyon sa mga usiserong paparazzi. Hindi sa lahat ng pagkakataon eh basta na lang kayo mag scoop. Pumili din kayo ng something sensible and with sense. Andami namang pag aksayahan ng panahon, Spratlys or yung mga corrupt sa gobyerno. Bakit yung laos na artista pa ang pinagdiskitahan mo? Mahina ka pang tumayming, andyan ang Mister eh sugod ka ng sugod. At kayo namang customer service peeps, umayos kayo, gamitin utak. Gawin nyo ang trabaho ninyo na tulungan ang customer, hinde yung nagwawala na eh paimportante pa kayo. Di naman magwala yan kung inayos ninyo ng kausap.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 280  buretche

    05/16/2012 | 07:53 AM
    wala modo claudine baretto!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 279  aiveec

    05/16/2012 | 07:49 AM
    Hindi basehan kung ano ang natapos na pag-aaral ng isang tao sa ugali niya... Si Claudine, 11 years old pa lang, nagtatrabaho na at hindi umaasa kay mommy at daddy para ibayad sa school o sa bills niya o sa pambayad ng sarili niyang bahay, hindi siya nakikitira sa magulang niya ng libre... Kung hindi matanggap ng customer service rep na masigawan siya, huwag siyang magtrabaho sa service industry... Between Mon versus Claudine and Raymart naman, mas believable ang sinabi ni Mon na inaagaw ng mag-asawa ang cell phone niya kaya siya lumaban.. Para kasing naging snatcher o holdaper si Claudine at si Raymart kaya nga maraming namamatay na hinoholdap... Napaka-BS naman na mabait na tinanong lang ni Raymart si Mon ay bigla na itong nanuntok at nanipa... Ginawa na ito ni Raymart doon sa isang driver na naka-away niya. Tapos nagkamali pa ng paa si Claudine sa pag-ika at pag-gamit ng saklay sa paa na nadumihan lang at ngayon ay malinis na dahil nakaligo na siya kaya hindi na uli ipinakita sa TV ang binti niya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 278  aiveec

    05/16/2012 | 07:41 AM
    steelwings, hindi lang ang Cebu Pac ang laging nakasimangot ang mga customer service reps... Halos lahat ng company sa Pilipinas ganoon... Ang iba nga sa kanila na dala-dala ang ugaling iyon sa ibang bansa ay nasisigawan ng mga customer o natatanggal sa trabaho... Between Mon versus Claudine and Mon, kay Mon ako... Pero between Claudine versus the customer service rep, kay Claudine ako... Kung maramdamin ang tao, huwag silang magtrabaho sa service industry.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 277  fecatada

    05/16/2012 | 07:37 AM
    GABRIELA SUPPORTS A WOMAN WHO HELPED MAULED A SENIOR CITIZEN STUPID ORGANIZATION HELP THOSE WHO ARE REAL VICTIMS OF ABUSE AND NOT AN ABUSIVE WOMAN.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 276  steelwings

    05/16/2012 | 07:10 AM
    CEBUPALPAC HAS THE WORST CUSTOMERSERVC REPS! For the record, ilang customers na ba ang nakapagmura sa kanila dahil sa palpak na serbisyo?? Claudine was just one of the many irate customers of cebupac! One more thing, mga nakasimangot ang mga customerserc reps nila! lalapitan mo pa lang parang kulang na lang eh irapan ka at layuan! POOR SERVICE deserves IRATE and MAD CUSTOMERS around! Asking public apology to an irate customer is nothing but a BIG DISGRACE TO THE ENTIRE CUSTOMER SERVC REP CREED!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About