After the success of Reel Love Presents Tween Hearts, Barbie Forteza bids good bye to screen partner Joshua Dionisio and says hello to a new loveteam with Elmo Magalona in Tweets for My Sweets. She says about the split: “Pero siyempre, may konting lungkot kasi hindi na si Joshua ang makakasama ko.”

Photo: File photo

Mawawala na sa ere ang Reel Love Presents: Tween Hearts na pinagbibidahan ng Tween Queen na si Barbie Forteza.

Pero may kasunod kaagad na dalawang projects para sa kanya ang GMA-7–ang ipinapalabas nang Tweets for My Sweet at Luna Blanca na pilot airing na sa May 21.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie kamakailan at ang unang naitanong sa kanya ay kung ano ang feeling na dalawa agad ang shows niya ngayon sa GMA.

“Masaya po at very thankful po ako sa tiwala ng GMA,” sagot ni Barbie.

“Pero siyempre, may konting lungkot, kasi hindi na si Joshua [Dionisio] ang makakasama ko.”

Hiwalay muna ang tambalang Barbie at Joshua o JoshBie.

Sa Tweets For My Sweet kasi ay si Elmo Magalona na ang magiging kapareha niya.

Sa Luna Blanca, na nasa ilalim ng direksyon ni Dominic Zapata ay may tatlong generation of stars.

Sa unang generation ay sina Jillian Ward at Mona Louise Rey, habang sa second generation ay sina Barbie at Bea Binene naman ang gaganap.

At sa pangatlo at huling henerasyon, pagbibidahan naman nina Heart Evangelista at Bianca King ang kuwento.


COMPETITION. Magkasama dati sina Bea at Barbie sa Tween Hearts series.

At dahil magkasama uli sila ngayon sa Luna Blanca, hindi ba naaapektuhan ang friendship nila ng pilit na pagbabangga sa kanila ng fans?

“Hindi po kami ganoon ka-close, pero hindi naman po kami magkaaway.

“Pero tulad po ni Joyce [Ching], mas naging close po kami nung nagkasama kami sa Ikaw Lang ang Mamahalin.

“Kaya sana po ngayon sa Luna Blanca, maging close din kami ni Bea.

“Hindi naman po siguro nag-aaway yung mga fans.