news

Mayor Herbert Bautista on rumors claiming Vic Sotto will run against him next election: "Bossing, huwag naman!”

by Rey Pumaloy posted on May 14, 2012  STATS: 36092 Views | 6 Comments

Mayor Herbert Bautista on why he believes that Vic Sotto will not also run for mayor in Quezon City next year: “Ummm, parang narinig ko si Senator  [Tito] Sotto na [sinabing] one is enough in politics, e.”

Photo By: Melo Balingit

Ang kakatapos lang na birthday party ni Quezon City Mayor Herbert Bautista noong Sabado, May 12, na ginanap sa Isla Ballroom ng Shangri-La Hotel, Edsa ang maituturing niyang pinakamalaking selebrasyon ng kanyang kaarawan sa buong showbiz at political career daw niya.

Kilala si Mayor Herbert sa simpleng selebrasyon lang sa tuwing magbi-birthday. 

Karaniwan niyang ginagawa ang party sa mismong opisina niya sa Quezon City Hall at kinagabihan ay salu-salo lang kasama ang ilan niyang malalapit na kaibigan, kapatid, at pamilya.

May temang pampelikula ang konsepto ng kanyang nakaraang kaarawan, kung saan ang bulwagang pinagganapan ay tinawag pang "Bistekwood," mula sa pinagsamang palayaw niya na "Bistek" at showbiz capital ng U.S. na Hollywood.

Noong una, umiiwas pa si Herbert na sagutin ang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kung ang movie theme sa kanyang party ay pahiwatig ba sa pagbabalik niya sa showbiz.

Pero nang makorner siya uli ng PEP, sinabi niyang hangga’t maaari ayaw na niyang magsalita tungkol sa kanyang pabugsu-bugsong showbiz career.

“E, kasi pag sinabi kong oo, ‘tapos hindi naman ako nakabalik, nakakahiya,” paliwanag ng kapo-44 pa lang na mayor.

Gustung-gusto na raw ni Mayor Herbert na sumalang uli sa kamera, pero laging natataong marami siyang trabaho bilang mayor kaya nasasakripisyo ang kanyang pagbabalik-showbiz.

Ayon sa kanya ay may mga natanggihan na siyang offer dahil may conflict sa kanyang pagiging alkalde ng Quezon City.

ONE BIG CELEBRATION. Nilinaw ng alkalde na isahang selebrasyon na lang para sa lahat ng mga kaibigan at kasamahan niya sa pulitika at showbiz ang nasabing party.  

“Hindi ako nagpa-party talaga, e. Pero sabi ko, ‘Sige, ikaw ang bahala,’” sabi raw niya sa long-time girlfriend at ina ng kanyang dalawang anak na sina Athena, 15, at Harvey, 8, na si Tates Gana.

“Silang dalawa actually ni Harlene [kapatid ni Herbert na asawa ni Romnick Sarmenta] ang nag-organize nito.”

Wala bang kinalaman sa pagkandidato niyang muli sa pagiging mayor ng Quezon City ang magarbong selebrasyon ng kanyang kaarawan?

“Wala. Walang kinalaman ito doon. Kainan lang ito. Walang announcement,” saad niya.

Pero nagpahayag na rin si Mayor Herbert ng intensyon na tumakbong muli para sa parehong posisyon.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

6 Comments

  • danyap

    10/01/2012 | 10:04 AM
    Mayor may isang kang inappoint jan sa munisipyo na gumagawa ng kalokohan. Isa kme sa naging biktima. Sana naman masolusyunan ito..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ratedsardines

    05/16/2012 | 11:59 AM
    Dapat maaga pa lang ay mapalitan na agad itong si Bistek. Sya na yata ang epitome ng salitang EPAL dahil sa kaliwat kanang BILLBOARD nito na nagkalat sa Quezon City. Puro pultika ang nasa utak ng taong ito. May tatak ng HB ang bawat poste , at kahit ang mga street sweeper ay may tatak ng HB din ang mga t shirts , na para bang nagsasabing sya ang may ari ng quezon city. Kadiri talaga ang pag ka trapo, samantalang hindi naman maka usad ang QC at ang dami dami pang krimen like carnapping na di maresolba.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lanalang08

    05/16/2012 | 04:43 AM
    wala sa vocabulary ni bossing na pasukin ang pulitika sinabi na niyan noon pa. kaya itong si bistek ay puwede nang kumalma. nagcelebrate siya nang isang lavish na birthday dahil siyempre mayor na siya kasi noon ay vice pa lang siya. mas lumaki na seguro ang kita niya kaya nakaya na niya. lol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tatoyadik

    05/14/2012 | 09:57 PM
    malabo yn c bossing pumasok sa pulitika...sarap ng buhay nya tpos papasok sya sa magulong mundo...di cguro...nakakatulong nmn sya sa ibang paraan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Manamalady

    05/14/2012 | 09:26 PM
    If ever Bossing Vic will decide to run, i am very very sure lahat ng babangga sa kanya...... giba. Kya tamo c Bistek, hindi pa man nangangatog na hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ghie28

    05/14/2012 | 09:13 PM
    with all due respect Ms. pwearl102...I don't see anything wrong kung puro artista ang pumasok sa politics...Don't be so judgmental naman...kung meron man sigurong may KARAPATANG magreklamo kung sila ay capable or not ay ung mga taga distrikto mismo nila...saka kung talaga namang MAY NAGAGAWA SILANG KABUTIHAN at kung TALAGANG NAPAPA-UNLAD nila ang kani-kanilang lalawigan walang masama dun...hindi naman siguro iboboto ng tao yan kung talagang walang NAGAWA... - that's my opinion so peace!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About