Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-guest ang Kapamilya star na si Luis Manzano sa Showbiz Central na isang Kapuso show.
Birthday celebration kasi ng kanyang girlfriend at isa sa hosts ng Showbiz Central na si Jennyly Mercado kahapon, Linggo, May 13, kaya siya naroon.
Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na mapanood nang live sa Studio 6 ng GMA-7 TV Complex ang guesting ni Luis.
Ang unang itinanong kay Luis ng Showbiz Central host na si Raymond Gutierrez, kasama ang co-hosts na sina Pia Guanio-Mago at John "Sweet" Lapus ay “What do you think of our studio?”
“It’s very, very different sa nakasanayan ko. Different,” sagot ni Luis.
“I’m very, very… thankful ako sa lahat ng mga nandito. Thank you for a very, very warm welcome.
“Kami ni Mats [tawag niya kay Jennylyn], we're very thankful both sa bosses ng ABS and GMA for allowing this to happen.
“As she was able to guest sa Kapamilya Deal or No Deal at ako’y nandito ngayong hapon.
“Kaya once again sa mga bosses po ng ABS and GMA, thank you very much.”
TERMS OF ENDEARMENT. Bukod sa “Matsmats” na hango sa mats na ginagamit nila sa kanilang Brazilian Jiu-jitsu at Muay Thai training, ano pa ang iba nilang terms of endearment ni Jennylyn?
“It would have to be siguro, ‘Baby.’ Nandiyan ang ‘Love-Love’ or ‘Love.’ Ayan,” sagot ni Luis.
Sa kanila raw ni Jennylyn, si Luis ang mas mahilig magbigay ng mga nicknames or terms of endearment.
“Hindi ko nga alam kung paano ko naisip yung ‘Matsmats,’ ani Luis.
“It’s very out of the box. Napakalayo nun sa ‘Honey,’ ‘Baby-Baby,’ napakalayo ng ‘Matsmats’ para maging term of endearment,” sabi pa ni Luis.
PAST IS PAST? Colorful at controversial ang kanilang nakaraang pakikipagrelasyon, napag-uusapan ba nila ang tungkol dito o ito ba'y isang "no-go zone"?
“It’s not necessarily a 'no-go zone.' It’s more of, hindi na siguro kailangang pag-usapan," sagot ni Luis.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
18 sofreaky
17 yaralei
16 orange04
15 lanalang08
14 beautiful_stranger
13 BeckyLeeKelly
12 artwork
11 JeepneyDriver
10 artwork
9 chikadee
8 merlion_25
7 zabeth58
6 wisdomtooth
5 hototguy
4 itsmedanda
3 jdcamz
2 iam_brainful
1 soysilicious