Randy Santiago's reaction if the Tulfo brothers challenge him to a fistfight: “Hindi mangyayari yun! Baka hamunin ko sila ng kantahan!”

Photo: Melo Balingit

“Ay, oo. Nag-uusap kami. Right after na nangyari yung insidente sa kanila ni Kuya Mon.  

“Kasi tinawagan ako ng DZMM, e. Tinawagan ako ng alas-tres or alas-dos nang hapon. 

“Nangyari yung gulo ng alas-dose nang tanghali. Tinawagan naman ako nang DZMM nung alas-dos or alas-tres nang hapon.

“Tinawagan ako ng DZMM para makuha raw yung side ni Raymart.

"Sabi ko, ‘Bakit?’

“’Alam n’yo na ba yung nangyari?’ Sabi ko, ‘Hindi pa?” natatawang kuwento ni Randy dahil clueless siya sa gulong napasukan ng kapatid nung mga oras na iyon.

Ano ba ang mga sinabi ni Raymart tungkol sa gulo nito kay Mon?

“Wala naman. Kung ano yung sinasabi niya interview, yun din yun. Tinamaan siya.

“Naitulak niya [ni Mon si Raymart]. Open fist ang tawag nung ginanun siya.

“So, siyempre nag-react siya [Raymart]. Naghintay siya ng mga five seconds.  Parang… ‘Bakit mo ako ginanito?’

“Nung mapag-isip-isip niya… 'tapos yun nga, nasipa si Claudine,” kuwento pa raw ni Raymart sa kanya sa bersyon nito kung paano nagsimula ang gulo.

SANTIAGO VS. TULFO MEME. Naaliw naman si Randy sa mga gumagawa ng mga kakatwang larawan at video sketches sa Internet nina Raymart, Claudine, at Mon, at nakasama na rin siya. 

Sumailalim na nga sa "Internet meme" o pagkalat sa pamamagitan ng paglabas ng iba't ibang bersyon para sa katuwaan ng mga makakakita sa Internet, ang insidente nina Raymart, Claudine, at Mon.

“Pati na nga yung mga Hitler, nakakatawa, e. Ang gagaling nating mga Pilipino," tukoy ni Randy sa paglabas naman sa YouTube ng 2004 German movie na Downfall, na nilagyan ng Tagalog sub-titles para magmukhang nag-aalburoto ang aktor na gumaganap na Adolf Hitler sa nangyaring gulo sa NAIA.

Hitler Reacts to Tulfo-Santiago Brawl