Randy Santiago's reaction if the Tulfo brothers challenge him to a fistfight: “Hindi mangyayari yun! Baka hamunin ko sila ng kantahan!”

Photo: Melo Balingit

“Ako nga, gusto ko nga matapos na, e,” mabilis niyang tugon.

“Ayoko, ayokong pangunahan yung ganun. It can happen to me also na hindi naman sila makikialam, di ba?”

AMICABLE SETTLEMENT. Kung si Randy ang masusunod, paano ba niyang gustong matapos ang problemang ito?

“Amicable,” mabilis na sagot ni Randy. “Sana maayos na ito sa lalong madaling panahon.”

Apektado ba ang pamilya nila sa kinasangkutan ni Raymart?

“Hindi naman dapat maapektuhan, e. Dahil alam naman nating maaayos at maaayos. Magkakakilala rin naman tayo,” ani Randy.

ISSUING CHALLENGES. Noong 2004 ay nagkahamunan sina Cesar Montano at ang kapatid nitong si Rommel versus the Tulfo brothers ng suntukan. Posible bang maulit ito sa Santiago brothers naman?

“Hindi mangyayari yun!” mabilis niyang sagot uli.

“Baka hamunin ko sila ng kantahan!” bulalas ni Randy, sabay tawa.

“Hindi," buweltang pagseryoso nito. "Gaya nga ng sinabi ni Raymart, 'Away namin ito, bakit kayo nakikialam?'

“Hindi naman kami nakikipag-away in the first place. Nangyari at nangyari lang dun sa moment na yun. 

“Pero as much as possible, kung naiwasan niya, naiwasan niya. 

“Hindi naman natin masisisi rin.  Kagaya ng statement ni Raymart na, ‘Kung hindi nasipa si Claudine,’ hindi naman raw siya mang-aano.” 

SECURITY AND SAFETY ISSUES. Nangangamba ba siya sa kaligtasan nina Raymart at Claudine?

“Hindi naman. Alam naman nating magkakaayos din lahat. 'Tsaka kilala ko si Erwin.