Naniniwala ang nakatatandang kapatid ni Raymart Santiago na si Randy na hindi na dapat lumaki at tumagal pa ang gulo sa pagitan kanyang younger brother at sa veteran journalist na si Mon Tulfo.
Noong May 9, Miyerkules ay pormal na ngang naghain ng demanda sina Raymart at asawa nitong si Claudine Barretto laban kay Mon. (CLICK HERE to read related story.)
Kaugnay ito ng kaguluhang nangyari sa pagitan nina Mon at sa grupo ng mag-asawa na naganap sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) Terminal 3 nung May 6, Linggo. (CLICK HERE to read related story.)
Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Randy sa kakatapos lang na 44th birthday celebration ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Edsa Shangri-La Hotel noong Sabado, May 12, sinabi niyang naniniwala siyang hindi totohanin ng mga Tulfo brothers na sina Erwin, Ben, at Raffy ang mga banta ng mga ito laban kina Raymart at Claudine.
“Sinabi naman ni Kuya Mon na, 'Huwag kayong mag-alala, hindi naman gagalaw yung mga ano...' I’m very sure," tukoy ni Randy sa nakatatandang Tulfo.
“Sabi nga ni Kuya Mon, mali nga yung ginawa ng mga brothers niya, e.
“Kumbaga, magkakaibigan rin kami nina Erwin. Channel 2 'yan, e!” patuloy ng singer-host tungkol naman kay Erwin na dati niyang kasama sa ABS-CBN.
Hindi rin masyadong ipinag-aalala ni Randy ang mga binitawang banta nina Erwin, Ben, at Raffy sa TV5 show ng mga ito na T3, Sagot Kita Kapatid nung May 7, Lunes. (CLICK HERE to read related story.)
“Hindi naman mangyayari yun kaya wala akong dapat ikatakot," aniya pa. "I’m very sure na silakbo lang ng damdamin ng mga Tulfo yun, e.
“Kumbaga, walang malalim na pag-uugutan para mag-aaway-away yung magpapamilya.
“Precisely...ayaw namin ng nakikialam,” banggit pa ni Randy tungkol sa gulong kinasasangkutan ngayon ng bunso nilang kapatid ng dating aktor at ngayo'y TV and concert director na si Rowell Santiago.
ADDITIONAL SECURITY. Nagdagdag ng security si Raymart at Claudine sa kanilang bahay, dahil sa diumano’y pag-aaligid ng mga sasakyan na pinaghihinalaan nilang posibleng gagawa ng masama sa kanila at sa kanilang pamilya.
“Hindi mo naman maiiwasan 'yan. Mapapraning ka rin. It can happen, e," pahayag ni Randy.
“Ang masakit nga niyan katulad ng sinasabi namin, kakampi or kalaban, puwedeng umatake.
“Huwag naman sanang gano’n ang mangyari.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
9 Glak9
8 butchike
7 edmund_galila
6 wa2
5 Manamalady
4 tatoyadik
3 starqueen
2 wisdomtooth
1 bulagafan
more comments