[x]

Tates Gana (center) is blessed with two children by live-in partner Quezon City Mayor Herbert Bautista (right). As young as the children are, their artist inclinations may already be observed—Eight-year-old Harvey (lower left), regularly appears in the children's gag show Goin' Bulilit, while the girl, musically-inclined Athena, 15, already exudes a beauty queen appeal.

Paglabas ng artikulo na ito, posibleng nasa Subic na ang long-time girlfriend ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na si Tates Gana para magbakasyon, matapos na asikasuhin ang birthday party ng kasintahang actor-politician.

Matagal nang magkasintahan sina Tates at Mayor Herbert. Biniyayaan na nga sila ng dalawang anak—ang Goin' Bulilit mainstay na si Harvey, 8, at ang showbiz newcomer na si Athena, 15.

Non-showbiz si Tates pero marami siyang mga kaibigang artista at malapit din siya sa mga press people.

Sa tuwing may okasyon si Herbert—tulad noong nakaraang birthday celebration nito—si Tates ang coordinator ng programa o event at nag-e-entertain sa mga bisita.

Sa birthday party ni Mayor Herbert nitong nakaraang Sabado, May 12, na ginanap sa Isla ballroom ng Edsa Shangri-La Hotel, katuwang si Tates ng dalawang nakababatang kapatid ni Herbert na sina Harlene at Hero.

PREPARATIONS. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Tates sa party ni Mayor Herbert, ikinuwento niya kung paano nabuo ang selebrasyon.

“Last week of April na nga sinabi sa amin, e,” bungad na salaysay ni Tates. 

“Ang invitation, na-print nung May 2. Pina-distribute ko four or five days ago lang. 

“Kaya nga yung ibang kasamahan natin sa press, nagpatulong na ako.

“Ang mahirap yung national government. 'Tapos, walang nag-a-RSVP. Hindi talaga uso no?” pagtataka niya.

“Alam mo, kahit ako, ngayon ko na-realize na importante pala yung RSVP."

RSVP o "Respondez s'il vous plait" ay salitang Pranses na may English translation na "Respond if you please" o "Respond please" ay nakalagay sa huling bahagi ng mga imbitasyon sa isang party o event. Binibilinan nito ang nakakuha ng imbitasyon na kontakin ang nag-iimbita kung makakarating o hindi sa okasyon ang inimbita.

“Hindi ko alam kung iri-reserve ko ba yung table na ito para kay Ganito. Kasi mamaya, baka mabutas, 'pag hindi dumating.”

Ang ideya ng party ay nanggaling daw mismo kay Mayor Herbert, ayon kay Tates.

“Siya [Mayor Herbert] na mismo ang nag-utos.