“Alam ko nagkausap na sila, e. Pero magkikita sila at magkakaroon na naman sila ng cooking fest. Hindi ko lang alam kung kailan. Pero yun ang pastime nila, e. Magluluto sila ng marami. Kasi malaking pamilya kami, e. So, style Kapampangan,” enthuses Councilor Gian Carlo Sotto about the activity that might follow after the recent reconciliation of his mom Helen Gamboa and cousin Sharon Cuneta.

Photo: Noel Orsal

Isa si Quezon City Councilor Gian Carlo Sotto sa mga natutuwa at nagpapasalamat sa pagwawakas na ng dalawang taong tampuhan ng ina niyang si Helen Gamboa at pinsang si Sharon Cuneta.

Kitang-kita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mukha ni Gian ang kasiyahan nang matanong tungkol sa pagbabati ng mommy niya at ng Megastar.

Kabilang si Gian sa mga dumalo sa nakaraang birthday party ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na ginanap sa Isla Ballroom ng Shangri-La Hotel, Edsa noong Sabado, May 12.

“Sobrang grateful and thankful ako kay God,” simula ni Gian. 

“Para sa akin mas ano yun… mas naging tight pa sila ngayon. 

"Kasi, di ba ‘pag pamilya, hindi naman totoong pamilya kapag hindi nag-aaway?

“Minsan talaga nagkakaroon ng argument, ng discussion. 

"Pero ito para sa akin, sobrang parang pareho silang at peace ngayon.

“And I know mas tight talaga yung pagmamahalan nila ngayon bilang ‘mag-ina,’” pagtukoy ni Gian sa "mother-daughter" na relasyon ng magtiyahin na Helen at Sharon.

ONE OF THE LAST TO KNOW? Aminado si Gian na maging siya ay hindi natunugan agad na malaki na pala ang tampuhan ng kanyang ina at ng kanyang Ate Sharon.

“At first ano, akala ko, petty na tampuhan lang. Pero tumagal na. So, na-realize [ko] na may alitan pala talaga.

Nanghinayang daw siya sa pagtitinginan ng kanyang ina at ng Megastar.

“Kasi team sila dati, e. Pero at least ngayon nagkabalikan na sila. So, answered prayers talaga.”

Sa kolumnistang si Ricky Lo raw niya nalaman na talagang malaki na ang problema ng mommy niya at ng kanyang Ate Sharon.

“'Tapos tinanong ko nga sa mommy ko kung ano ang nangyari. Nagkuwento siya.