“Alam ko nagkausap na sila, e. Pero magkikita sila at magkakaroon na naman sila ng cooking fest. Hindi ko lang alam kung kailan. Pero yun ang pastime nila, e. Magluluto sila ng marami. Kasi malaking pamilya kami, e. So, style Kapampangan,” enthuses Councilor Gian Carlo Sotto about the activity that might follow after the recent reconciliation of his mom Helen Gamboa and cousin Sharon Cuneta.

Photo: Noel Orsal

“May issue nga raw, ganyan-ganyan. So, ako naman, sana magkabati. 

"Pareho silang ‘in love’ sa isa’t isa ‘tapos biglang nag-away," ani Gian.

HOW THE MISUNDERSTANDING AFFECTED THEM. Naapektuhan din daw silang magkakapatid sa alitang Helen-Sharon.

“Oo naman naapektuhan kami. Ako, si Ciara at si Ate [Apples]. 

“Parang may ate akong nakaaway. Kaaway ng mommy ko, ganun. 

"Si Ate Sharon kasi, sobrang close kina Ciara, Ate Apples. 

"So, lagi kaming nagkikita ‘tapos, nung biglang nangyari yun [‘di pagkakaunawaan], nalungkot ako. 

“Pero I know magkakabalikan din naman sila ni Mommy. Magkakaayos din sila. So, naging okay na.”

HELEN AND SHARON'S PASTIME. Nagkausap na ba sina Helen at Sharon?

“Alam ko nagkausap na sila, e. Pero magkikita sila at magkakaroon na naman sila ng cooking fest, e. Hindi ko lang alam kung kailan. 

“Pero yun ang pastime nila, e. Magluluto sila ng marami. 

"Kasi malaking pamilya kami, e. So, style Kapampangan,” kuwento ni Gian.

ANOTHER CELEBRATION? Nung May 7 daw ang birthday ng kanyang mommy, pero mukhang magkakaroon ng isa pang selebrasyon sa sandaling magkita na mommy niya at ang Megastar.

“Sobrang ano...sa sobrang excited, nakakaiyak. Alam mo yung feeling na sobrang tuwa mo. 

“Ganun yung naiisip naming mararamdaman,” saad ni Gian.