Rich Asuncion on Ervic Vijandre: "After naming mag-break, hindi na kami nagkabalikan pa. Kaya nagulat ako nang tanungin ako na nagkabalikan daw kami. Friends pa rin naman kami ni Ervic. May communication pa rin naman kami. Pero nag-decide naman kami na maging friends na lang. Parang mas okey ‘yon kesa noong naging kami."

Photo: Noel Orsal

Marami ang pumupuri kay Rich Asuncion dahil sa mahusay na pagganap niya bilang mapang-api at nagpapanggap na tiyahin ng Kapuso child actress na si Roseanne Magan sa GMA-7 primetime series na Biritera.

Natutuwa si Rich kapag nakakatanggap siya ng mga magagandang feedback sa pagganap niya bilang kontrabidang si Tita Jo. Hindi raw niya inakala na magagampanan niya nang maayos ang role na ibinigay sa kanya.

Ayon kay Rich, “Hindi naman ito ang first time ko na magkontrabida. Bale pangatlo na ito.

“Una ay sa Little Star kunsaan kontrabida ako kina Lovi Poe at Jennylyn Mercado. ‘Tapos sumunod yung Sisid kunsaan kontrabida ako ni Jackie Rice.

“Hindi madali na maging kontrabida.

“Pinaghahandaan ko rin kasi bata ang nagiging kaeksena ko. Nagiging maingat ako lalo na kung kailangan kong maging physical sa kanya.

“Okey lang sa mga 'tulad nina Jackie or Lovi kasi alam nila kung paano tatakbo ang eksena.

“Extra careful ako sa Biritera dahil nga kay Roseanne.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rich sa Studio 6 ng GMA Annex Studio during the live telecast ng Showbiz Central last May 13.

HIT ME GENTLY. Aminado si Rich na nahirapan siya noong una na apihin at pagmaltratuhan si Roseanne sa Biritera dahil mapagmahal daw siya sa mga bata.

Aniya, “Noong una, talagang nahirapan ako kasi may kapatid ako na kasing-edad ni Roseanne.

“Parang hindi ko kayang magtaray sa bata kasi baka isipin nila na gano’n ako sa kapatid ko.

“Pero noong kausapin ako ni Direk Maryo [de los Reyes], sinabi niya na kailangan gawin ko 'yon dahil para raw sa akin talaga ang role na 'yon.

“Kaya dapat patunayan ko na karapat-dapat ako sa role na iyon at minu-motivate niya ako nang husto kung paano ko aatakihin yung role.

“Hindi naman ito ang first time na makatrabaho ko si Direk Maryo. Nadirek na niya ako sa Magdusa Ka at sa Little Star. Kaya malaki ang tiwala ko sa kanya.