Bagama't malungkot, nagpapasalamat pa rin si Cavite Congresswoman Lani Mercado na hindi na nahirapan pa ang inang si Justa Garcia Hernandez sa kanyang pagpanaw. Aniya, hindi nila inaasahang stroke ang ikamamatay ng kanilang ina dahil matagal na raw itong may dementia sanhi ng Alzheimer's disease. "Nakaprograma na ‘yong utak namin [magkakapatid] that we will see her deteriorate, ‘yong memory niya, makakalimutan niya kami later on hanggang sa magiging para na siyang baby."

Photo: Noel Orsal

Naging malungkot ang Araw ng mga Ina para kay Cavite Congresswoman Lani Mercado dahil sa biglaang pagpanaw ng kanyang inang si Justa Garcia Hernandez.

Naikuwento ni Lani ang mga huling sandali ng kanyang ina sa panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press kahapon, Mayo 14, sa Heritage Park Funeral Home sa Taguig.

“Bale this happened at three in the morning.

“Pauwi na actually ako from taping sa isang soap sa [GMA]-7. My sister called me, si Millie, she asked me kung nasaan ako and then I told her I was in Kamuning area.

“Sabi niya, ‘Candy [palayaw ni Lani], pumunta ka na ng Cardinal [Santos Memorial Hospital].’

“Sabi ko, ‘Bakit?’

"‘Parang it’s time na.’”

Huwebes, May 10, nang malaman daw nilang magkakapatid, bilang resulta ng CT scan, na brain dead na raw pala ang kanyang ina matapos itong ma-stroke noong araw ding iyon.

“Meron na siyang cerebral hemorrhage, which is caused by several strokes.

“Kasi 87 na nga ang mama ko at nagkaroon siya ng maraming mga strokes in the past.”

Dalaga pa raw si Lani nang unang ma-stroke ang kanyang ina, subalit hindi niya inasahang ito pala ang magiging sanhi ng kamatayan nito.

“May history siya, but we were not really preparing for this kasi biglaan itong pagkaka-atake niya.

“Ang pine-prepare namin ‘yong… kasi she has Alzheimer’s [disease]. May dementia siya.

“So, nakaprograma na ‘yong utak namin [magkakapatid] that we will see her deteriorate, ‘yong memory niya, makakalimutan niya kami later on hanggang sa magiging para na siyang baby.

“So, we did not expect na ganito.”