news

Aiko Melendez surprised that her ex-beau Mayor Patrick Meneses and Ara Mina are rumored to be dating

by Demai G. Sunio-Granali posted on May 15, 2012  STATS: 99373 Views | 16 Comments

Sa sobrang pagkagulat ay napahalakhak na lamang si Aiko Melendez nang marinig ang balitang may relasyon umano ang ex-boyfriend niyang si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses at aktres na si Ara Mina. Wala raw siyang ideya na nagde-date ang dalawa subalit alam niyang magkakilala ang mga ito dahil magkabarkada raw sila.

Photo By: Melo Balingit

Sa Twitter at ibang social networking sites ay marami ang pumuri at kinilig sa muling pagtatambal nina Aiko Melendez at Jomari Yllana sa episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) na ipinalabas noong Mayo 5.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Aiko kahapon, Mayo 14, sa All-Star Golf Cup sa Ayala Alabang Country Club, ay nagpasalamat ang aktres sa suportang ibinibigay sa kanila ng mga manonood.

“Nagpapasalamat kami, kasi actually sa Twitter nga, ang dami naming good feedback.

“And si Vice Ganda, nag-thank you ako kasi isa siya sa kinikilig sa ‘min ni Jom.

“Ganito yata sa Pilipinas, e, kung sino yung naghiwalay, sila yung ano…parang Pops [Fernandez]-Martin [Nievera], di ba, kinikilig pa rin tayo?

“So, parang Jomari-Aiko [ulit] ang dating.”

Ito raw ang unang pagkakaton na muli silang nagkatrabaho ng dating asawang si Jomari sa isang drama project.

Kumusta naman ang muli nilang pagsasama sa trabaho?

“Okay naman kami ni Jom, magaan namang katrabaho and yung rapport namin, di pa rin nagbabago.

“Kasi siyempre, may nakaraan kami, [so hindi] mahirap na kunwari ma-in love ulit sa isang story.”

Dahil sa mainit na pagtanggap ng tao sa tambalan nila ni Jomari, hindi na raw magtataka ang dating Quezon City District 2 Councilor kung sakaling mabigyan siya ulit ng proyekto kasama ang dating asawa.

Aniya, handa siyang tanggapin kung sakaling may mag-alok na gumawa sila ng teleserye ng kanyang ex-husband.

MAYOR PATRICK MENESES. Bukod kay Jomari, isa pang ex-lover ni Aiko ang napag-usapan sa interbyu.

Ito ay si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses na kamakailan ay napabalitang karelasyon na umano ng aktres na si Ara Mina.

Pumutok ang balita tungkol kina Patrick at Ara nang magsampa ng kasong libel at grave coercion ang kapatid na si Cristine Reyes.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

16 Comments

  • 16  akoydreamer

    05/21/2012 | 01:12 PM
    hotomma15, si Bernadette Allison po ay asawa ni Gary Estrada na dating bf ni Aiko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  lanieguillen

    05/17/2012 | 12:18 PM
    bakit siya ma surprise eh ganoon din ang ginagawa niya, kunyari friends o barkada lang yon pala nag li live in na sila ng mga naging friends kuno niya tapos naging asawa. siya lang ba ang marunong??? marami sila no? ma suprise siya kung hindi more than friends ang mga barkada nila...baka ayaw niyang mapunta sa iba si meneses at sa kanya lang...kunyari denimanda niya pero hanap lang siya ng pansin kay patrick..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  hotmomma15

    05/16/2012 | 01:10 PM
    ano nga pla nangyari kay bernadette alison eh di ba kasal sila ni jo mari dun?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  hotmomma15

    05/16/2012 | 01:09 PM
    prettycheena salamat hah, nabitin ako sobra, di ko mahanap online kadugtong, kiligin ulit sa tambalang jo mari at aiko.hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  prettycheena

    05/16/2012 | 12:35 PM
    hotmomma15 - kinausap si aiko ng nanay nya parang ayaw masyado magtiwala kay jomari, pumunta si jomari kila aiko kinausap nanay ni aiko, tapos ayun kinsal na sila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  hotmomma15

    05/16/2012 | 12:29 PM
    ano bang nangyari dun sa episode nila sa MMK yung ending?please anybody tell me, di kasi complete yung sa internet parang bitin nung nagkita uli sila simbahan na matanda na sila.huhu
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  humandynamics

    05/16/2012 | 09:15 AM
    kung maka react naman etong si aiko akala mo malinis.. di nga bat iniwan mo si jickain para kay patrick meneses? akala mo siguro papakasalan ka rin no? hahaha mas switik at mas matalino si patrick kesa kay jom at jickain kaya bagsak ang plano mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • flourpower

    05/16/2012 | 08:18 AM
    hototguy, hindi nga related sa politika ang kukunin nyang kurso eh. ano ba tong pinagsasasabi mo? basahin kasi ang article hanggang dulo, wag selective reading ang gawin! hahahaha. at dun sa iba, ano ba gusto nyo...pakasalan nya lahat ng nagiging bf nya? eh dalawang kasal na nga ang pina-annul nya eh. ikaw kaya hindi ka madala? hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • flourpower

    05/16/2012 | 08:13 AM
    hototguy, sabi nya nga hindi related sa politics yung kukunin nyang kurso...ano ba tong pinagsasasabi mo. hahaha. basahin mo kasi hanggang dulo yung article. hahaha. ano ba gusto nyo, pakasalan nya lahat ng magiging bf nya? eh nakadalawang kasal na nga sya eh...hindi ka kaya ma-trauma kakapakasal at kakapa-annul? hahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • singpinay

    05/16/2012 | 07:51 AM
    LOL! natawa ako sa FOLLOW THE LEADER hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bus_stop

    05/16/2012 | 05:33 AM
    di hamak na mas mahaba ang hair ni Aiko kesa kay ara...ara mina ang hilig mo talagang mangwasak ng isang pamilya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sapulasaputi

    05/16/2012 | 05:20 AM
    pareho ata ng tipo ng lalaki ang dalawang ito. Lamang lang si aiko kasi napagsawaan na nya. Wala na bang ibang lalaki ara.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lanalang08

    05/16/2012 | 04:49 AM
    pareho na lang silang dalawa na maraming lalake sa buhay nila. what else is new with ara. after a breakup a new one will come along and then panibagong buhay and then pag nagsawa na sa isat isa tapon ulit and palit. kaya sa mga ganitong babae walang permanent na relasyon nauuwi na rin sa wala. pumayag kasi silang maging live in partner na in the end ay hindi pinakasalan dahil hindi sila wife material or hindi sila karapat dapat na mahalin habang buhay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    05/16/2012 | 02:02 AM
    ARA always slays the big fish.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    05/15/2012 | 10:49 PM
    mahusay naman syang konsehal ng QC, given her chance again, okay lang. at very dedicated sya sa work nya, see? mag aaral pa sya to enchance her knowledge sa politics. Goodluck!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • joosy

    05/15/2012 | 10:40 PM
    di bale Aiko, ibig sabihin ikaw palagi ang original at tagasalo lang ng pinagsawaan mo si Ara
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About