Napuno ng tawanan ang launch ni Karylle bilang endorser ng isang jewelry brand noong nakaraang linggo. Panay kasi ang biro ng singer-actress na handa itong tumanggap ng engagement ring basta’t hindi ito “malas” at may malaking bato gaya na lamang ng suot niyang singsing sa larawang ito.

Photo: Noel Orsal

“Di ba, ang sagot mo kaagad, ‘I Do’?” pahabol pa niya.

Muling tinanong si Karylle: “So any moment bigyan ka ng ganyan ng lalake, go ka na?”

“Oo.”

Pero nilinaw ni Karylle na ang pagtanggap niya ng singsing ay hindi nangangahulugan na agad na rin siyang magpapakasal.

“Forty-two months to pay, 42 months to wait,” muli niyang biro.

Kung siya raw ang papipiliin, nais sana ni Karylle na makatanggap ng engagement na may batong sapphire.

“Naisip ko kasi, my first ever role when I entered theater was for The Little Mermaid, the Trumpets version.

“So I played Princess Sapphire and naisip ko baka sapphire [ang batong bagay sa akin] kasi maganda iyon, e, parang may sentimental [value].”

RELATIONSHIP WITH YAEL YUZON. Bagamat naging bukas si Karylle sa pagbibiro tungkol kay Yael sa presscon, tumanggi naman itong magsalita tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Bakit nga ba ayaw pang umamin ni Karylle?

“Hindi pa ba tayo natuto sa mga kaganapan [noon]? O, di ba nga alam n'yo naman ang lahat?”

Ang tinutukoy ni Karylle ay ang naging relasyon niya noon kay Dingdong Dantes na tumagal din ng tatlong taon, subalit nauwi rin sa hiwalayan noong 2008.

“At saka sa kanta nga, di ba, ang kanta na sinulat ni Yael: ‘Tambay/ Whoa, whoa, whoa / Alam naman nila kahit hindi magkaaminan.’

“Ay, hindi kayo nakinig, e. Bumili kayo ng [album ng] Spongecola," sabi pa ni Karylle.

DREAM WEDDING. Dahil napag-uusapan na rin lang ang engagement at pagpapakasal, ano nga ba ang dream wedding ni Karylle?