Napuno ng tawanan ang launch ni Karylle bilang endorser ng isang jewelry brand noong nakaraang linggo. Panay kasi ang biro ng singer-actress na handa itong tumanggap ng engagement ring basta’t hindi ito “malas” at may malaking bato gaya na lamang ng suot niyang singsing sa larawang ito.

Photo: Noel Orsal

“Hindi ko pa naiisip, e. Hindi ko rin alam, e.

"Ang naiisip ko lang, ayoko ng, di ba, palaging sinasabi ng ibang tao ang gusto nila yung simpleng wedding?

“Ako, ayoko lang [isipin] kasi gusto ko lahat ng loved ones ko nando’n, in the sense na I want the people who love me to be there to bless the marriage.

“Kasi naniniwala ako do’n sa malakas ang prayers ng taong nagmamahal sa 'yo—like relatives, friends—na talagang malapit sa ‘yo.

“Malakas ang prayers nila. Kumbaga, ‘yon ‘yong gusto kong mangyari.

"Kumbaga, ‘yon pa lang ‘yong naiisip ko.”

Wala ba siyang naiisip na magiging setting ng kanyang kasal?

“’Yon ang hindi ko inisip. Gusto ko lang ‘yong kumpleto lahat ng mahal ko sa buhay," sagot ni Karylle.

Pero sa ano’ng edad ba niya nais maikasal?

“Wala. In God’s time.

"Actually, ‘yong mga friends ko ngayon pa lang kinakasal, so wala namang pressure.”

Bagamat hindi minamadali ni Karylle ang pagpapakasal, nakikita naman niya ang sarili niya sa hinaharap na bubuo rin siya ng sarili niyang pamilya kasama ang lalaking mahal niya.

“Oo naman. Kahit na siguro sabihin na natin na hindi gano’n kaganda ‘yong result ng marriage ng parents ko, I am parang bonded with the whole family.

“[Hindi pa rin naman] nawala ‘yong faith ko in love.”