Jean Garcia, as host of reality TV show Personalan: Ang Unang Hakbang, believes that it is inevitable that she will be compared with the hosts of similar shows: “Wala naman akong pakialam, 'beh! Basta… hindi… totoo naman, kasi they have their own… iba!"

Photo: Noel Orsal

“Pero kasi, as the host kasi, hindi ka puwedeng kumampi sa kanila, dapat patas ka, e.

“'Tapos okay din na hindi ka kakampi kasi minsan ‘pag mabubuo na yung istorya at nagkakaharapan na sila, parehong may kasalanan at parehong may punto.

“Alam mo yun? Na normal din sa atin dahil hindi naman tayo perfect na tao, we make mistakes kaya lang depende kasi.

“Kamukha ng ‘pag nanakit ka siyempre, malaking bagay iyon, di ba?

“Pero minsan kami, merong ding, ‘Bakit siya nanakit?’

“Meron ding pinanggalingan kung bakit dumating dun sa pananakit physically.

"Parang ganun, so kailangan patas ka.”

STRESSFULL SHOW. Kahit nag-e-enjoy, aminado si Jean na mabigat sa dibdib ang show.

“Mabigat! Alam mo minsan, after [ng taping], dapat medyo huwag mo dapat dadalhin sa house.

“Ang ginagawa ko, like tatlong episodes ako sa isang araw na taping, like itong isa tapos na ang taping, kakalimutan ko na.

“Itong pangalawang kukunan, dito naman ako, hindi ko pa iniisip yung pangatlo.

“’Pag natapos itong pangalawa, tanggal na ito sa utak ko.

"Yung pangatlo, usually iyon ang pinakamabigat, yung third episode na kukunan.

“Pagkatapos nun, talagang ‘Ayoko na, ayoko na kayong tandaan!’

“Kaya lang minsan talaga, ikukuwento’t ikukuwento ko pa rin sa bahay na, ‘Grabe, 'no!’