Jean Garcia, as host of reality TV show Personalan: Ang Unang Hakbang, believes that it is inevitable that she will be compared with the hosts of similar shows: “Wala naman akong pakialam, 'beh! Basta… hindi… totoo naman, kasi they have their own… iba!"

Photo: Noel Orsal

“Minsan yung mom ko, ‘Ma, alam mo ba?’ Siya naman, ‘Anong araw palabas 'yan?’

“Sasabihin ko, ‘Basta intayin mo, manood ka.’"

ALTERNATE. Sina Jean at Jolina Magdangal ay naghahalinhinang hosts ng Personalan.

“Kasi alternate kami ni Jolina, di ba?

“E, ang mommy ko, natutuwa rin kay Jolina, so pinapanood nila every day.”

Si Ali Sotto ang dating host ng show, may pressure ba at nakapanood na ba si Jean ng mga dating episodes ni Ali?

“Kasi nag-guest host lang naman kami, so nanghingi ako ng copy kasi kailangan kong malaman yung concept.

"'Tsaka nung una ngang tinawagan ako, ‘Maghu-host ho kayo ng Personalan.

“Sabi ko, ‘Ano yung Personalan?’ Ganyan-ganyan... hindi ko alam.

“Hindi naman sa hindi ako nanonood or ayaw kong manood, pero dahil lagi akong may regular taping, di ba, so itinutulog ko na lang iyon, di ba?

“Sabi ko, ‘Ano yun?’ ‘Ganito po…’ ‘Ay sige, padala ng kopya.’

“Nung pinadala, tumawag ulit ako, sabi ko, ‘Ako?! Seriously? Are you sure?’

“Yung ganun, parang hindi yata ako 'yan.”

Sa palagay niya, bakit siya ang napili?

“I don’t know. Maybe because dahil siguro alam nilang may hosting background ako.