After a snubbing incident four months ago, Vice Ganda (left) and Ai-Ai delas Alas (right) finally made peace with each other. On how it happened, Ai-Ai merely said, “Ay, ewan! Basta lang…bati na lang kami.”

Photo: Allan Sancon; Noel Orsal

Nagkabati na sina Ai-Ai delas Alas at Vice Ganda sa birthday party ni ABS-CBN channel head Cory Vidanes kagabi, May 15.

Ginanap ang kaarawan ng ABS-CBN lady boss sa Buddha Bar sa Makati at dinaluhan ng mga pinakamalalaking Kapamilya stars.

Magkasamang dumating ang mga couples na sina Kim Chiu at Xian Lim, Jericho Rosales at girlfriend na si Kim Jones, Cristine Reyes at Rayver Cruz, at si Ai Ai kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Jed Alvin Salang.

Nandun din sina Piolo Pascual, Coco Martin, Maja Salvador, Janice de Belen, Iza Calzado, Pokwang, at si Vice Ganda.

Nang tanungin ni Mary Anne Sta. Ana ng Backroom Inc. kung paano nangyari ang nasabing pagbabati, ito lamang daw ang sinabi ni Ai-Ai:

“Ay, ewan! Basta lang…bati na lang kami.”

Matatandaang noong Enero ay lumutang ang balita tungkol sa hindi pagkakasundo ng dalawang komedyante.

Ayon kay Vice, mayroon daw silang “pinagdadaanan” noon ni Ai-Ai kaya naman naiulat sa column ni Ricky Lo sa Philippine Star na hindi sila nagpansinan sa isang event na kapwa nila dinaluhan.

"Mero'n po kaming problema at ako po'y nagpapakumbaba sa mga hindi nagkagusto sa pangyayaring yun,” wika ni Vice.

Dagdag niya, "Kami lang ni Ms. Ai-Ai ang nakakaalam no'n.”

Tumanggi ang magkabilang partido na magbigay ng detalye tungkol sa isyu at pinili na lamang nilang manahimik.

Apat na buwan matapos ang insidente, nagkita muli ang magkabilang partido at nagpasya nang magkasundo.