[x]

“Nanghihinayang ako dahil after no’ng pinaghirapan mo, after no’ng mga nangyari sa akin dun, napunta siya sa wala. Disappointed talaga, kasi nga… yun, e. Sayang. Pero may mga nagsabi sa akin na may mga nangyayari talagang gano'n na hindi maiwasan," says Mercedes Cabral when asked about her supposedly first mainstream series with ABS-CBN.

 

Photo: Noel Orsal

“Sa akin kasi, yung mga gano’n, depende sa character, sa script at sa director,” sagot ni Mercedes.

“Siguro ili-lessen ko lang talaga or pag-uusapan kung papayagan ba nila ako,” na ang tinutukoy niya ay ang producer ng Luna Blanca.

“Depende na lang siguro sa project. Willing naman akong mag-adjust.

"Pero depende yun sa mapag-uusapan namin ng manager ko. 

“Kung kailangan talaga at nagustuhan ko yung project, ipapaalam lang namin kung okay lang ba talaga ito.

“Kung hindi sa kanila okay, mapag-uusapan ‘yan ng director sa offer ng indie project sa akin na, ‘Hanggang dito lang po ako. Pero gusto kong gawin itong project na ito.’

“Pero bago pa naman mangyari itong Luna Blanca, ni-lessen na siya talaga. 

"Ayokong… kasi nata-typecast na ako sa mga sexy characters, e.

"Na sa akin, okay lang yun kasi effective ako sa mga characters na ganun.

“Pero ang gusto ko rin naman, yung iba’t ibang characters ang ma-explore ko.

“So, binawasan ko na rin yung pagpapa-sexy or paghuhubad. 

"Tatanggapin ko ang character na may ganito pa rin kung may kakaiba doon sa gagawin ko... sa script, sa istorya o role na ibibigay sa akin.”