news

Claudine Barretto and Raymart Santiago file petition for writ of amparo; friends offer “monetary incentive” to any person who can provide complete video of the NAIA Terminal 3 incident

by Joyce Jimenez posted on May 16, 2012  STATS: 58422 Views | 216 Comments

Claudine Barretto and husband Raymart Santiago are still advised not to grant interviews to the press. Nonetheless, their lawyers released a press statement debunking "the video circulating on the Internet" and saying that friends are offering “monetary incentive to anyone who can provide a video documenting the events leading up to the scuffle.”

Photo By: Melo Balingit

Nagsumite ng petition for a writ of amparo ang mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago sa Quezon City Regional Trial Court, Branch 129, kaninang hapon, May 16.

Ang hakbang na ito ay ginawa ng mag-asawa bilang proteksiyon daw mula sa mga banta ng magkakapatid na Ben, Raffy, at Erwin Tulfo.

Matatandaan na noong Mayo 7, sa kanilang public service program na T3: Kapatid, Sagot Kita! sa TV5, ay naglabas ng saloobin ang magkakapatid tungkol sa sinapit ng kanilang panganay na kapatid na si Ramon "Mon" Tulfo.

(CLICK HERE for related article.) 

Ito ay matapos masangkot sa gulo sina Mon at Raymart—kasama ang asawa at mga kaibigan ng huli— sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Mayo 6.

(CLICK HERE for related article.)

Kasunod naman ng pagbabanta ng Tulfo brothers ay ang pagkakasuspinde ng tatlo sa kanilang mga programa sa TV5.

Humingi rin ng tawad si Erwin sa mag-aasawa.

Kanina naganap ang unang pagdinig sa petisyon nina Raymart at Claudine na sinaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

THE PROCEEDING. Ayon sa sa sc.judiciary.gov.ph, ang petition for a writ of amparo ay isang: “remedy available to any person whose right to life, liberty and security is violated or threatened with violation by an unlawful act or omission of a public official or employee, or of a private individual or entity."

Dumating sa hearing kaninang hapon si Claudine, kasama ang kanyang mga magulang na sina Miguel at Inday Barretto, ang legal counsel nila ni Raymart na si Atty. Alex Avisado, at tatlong support counsels na sina Atty. Joanna Marie Raguio, Atty. Ronald Ubaña, at Atty. Jennifer Jimeno-Atienza.

Bago pa man maisalang sa witness stand si Claudine upang pagtibayin ang kanilang petisyon ay tumutol na ang abugado ni Erwin Tulfo na si Atty. Nelson Borja.

Ayon kay Atty. Borja, hindi sila nakakuha ng kopya ng petition.

Hindi rin daw sila “aware” na may magaganap na hearing nang araw na iyon kaugnay ng naturang petisyon.

Gayunman, pinayagan pa rin ng presiding Judge Bayani V. Vargas na magpatuloy ang hearing, na nagsimula pasado 3:30 ng hapon.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

216 Comments

  • 216  dramatista586

    05/23/2012 | 08:47 AM
    kumon sentido? pa USA ka pa dyan eh nangyari nga sa pilipinas. at kahit saan hindi ok ang mambugbog. di natin alam kung sino ang tama pero dapat alam ng mga artista na sila ay public figure at lahat nakatutok sa kanila. me karapatan ang media nun. nakakatawa ang mga taong to na always kinukumpara ang pilipinas sa Tate.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 215  seasons

    05/22/2012 | 07:56 PM
    get a kumon sentido people of the phils!!! in the USA, if you`re an agressive papparazzi, you will be mauled and forced to shut up cause if you`re caught harassing anothers`privacy, tapos ka na..no arte arte in the press. The verbal life threatening attacks of the tulfo brothers are by law very punishable talaga. No sorry or excuses can be accepted as they are public servants. In the US, what they did is worst than their brother at the airport. Besides, the Santiagos took defense. Obviously, Tulfo reporter hit FIRST. Whoever will be there, saw him junked and kicked a woman, even another woman are justified to junked him back..kahit sino sana sinipa din sya. Lessons Learned. Who says that Phil. Celebrities must not fight back from dirty writers and papparazzis??!!! They are also humans with needs and feelings!!! Its about time to junk dirty writers. Be professional and Respect people!!!! Panahon
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 214  edmund_galila

    05/19/2012 | 11:26 PM
    si tulfu ang attacker dito kaya siya ang hawak ng security kc siya ang nanguna at sha ang lamang sa suntukan nung una nagkataon lng d sha umubra sa 2 ke raymart at sa nakapink ei symepre kung babae ka na nasipa alangan maglulundag kpa s atuwa s atindi ng galit ni claudine d niya napigilan sarili, makakapag isip kapa ba nun na sa career mo at sa public ei sinipa ka ng black belter na bastos! walang galang s ababae.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 213  Xray

    05/18/2012 | 09:16 AM
    Syempre kunyari gustong pag-usapan ng mga tards ang "mas mahalagang" issues tulad ng corruption dahil ang issues ito ay tungkol sa idolo nila. Kung tungkol pa ito sa karibal ng idol nila, eh sila man din ay magpipiyesta rito!! Isa pa, kahit pa gumana ang cameras sa airport at kahit maipakita pa nila kung sino talaga ang na-unang manakit, the fact of the matter is PINAGTULUNGAN YUNG MATANDA. Si Raymart lang ang ka-banggaan niya pero sumali ang asawang amazona at ang side kick na naka pink. Nagreklamo pang sinipa siya. Syempre kung bubugbugin ka, hahalikan mo ang nagmubogbog sayo? syempre lalaban ko 'no!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 212  kadabarkads

    05/18/2012 | 09:08 AM
    hahaha, here we go. Emote lang ng emote mga teh, libre yan
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 211  lefty

    05/18/2012 | 08:41 AM
    nakakatawa tong si matronix makikipag ayos lang sa dalawang babae me media pa..para nga naman bumango uli sya sa nga tao..sobrang pagka plastikada ng babaing ito to the hyst lebel..LOL...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 210  jimmycrackcorn

    05/18/2012 | 08:27 AM
    pwede naman kasi maresolba ito kung hindi agad idinaan sa init ng ulo na kailangan pang magmura at mangmaliit pa ng tao with name dropping pang nalalaman kahit pa sabihin nyang yung sitwasyon ang minumura nya kahit anong frustration mo konting modo lang naman.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 209  buretche

    05/18/2012 | 08:13 AM
    raymart claudine,hindi man kasali sa isyu mga magulang nyo pro d rin maiwasan ma question kng panu nila kyo pinalaki...wala kayo modooooooo!! kakahiya ky mag asawa!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 208  ywca003

    05/18/2012 | 07:10 AM
    Ayos talaga si Claudine, mukang maamong tupa ang dating. Samantalang mukang barbaric na nambugbog ng senior citizen at walang respetong nagalit sa ordinaryong empleyado. Sinama mo na ang mga anak mong walang malay pati ang magulang mong may sakit para makuha simpatya ng tao. Matalino ang mga pilipino, kaya hindi mo maloloko. Baguhin mo yung technich mo. Masyadong obvious ang motibo mo. Iyan ang napapala mo sa sobrang pagkaspoiled bratt mo. Itanong mo sa tatay mo kung tama ba na nabugbog ka ng isang matanda na tulad nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 207  kadabarkads

    05/18/2012 | 07:06 AM
    209 SimonLaplace2 Haaay naku, wla kang magagawa dude. Kase pag nakita mo ang mali ng kompanya, ikaw ay isang bulag na fantard! LOL. Even if you think both sides are at fault, still there is No way you are being objective! idol mo lang ang iniisip mo, what can you do, hey? Dapat kase ang comment mo ganito, kwawang staff, pinaiyak ng laos na impaktng klawklaw! Yan ang ideal nacomment dito. hahahaha...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 206  SimonLaplace2

    05/18/2012 | 06:07 AM
    Anak ng puting inang aso. Tigilan nyo na si Claudine. Bakit nanggagalaiti kayo eh sabi nyo laos na ang balyenang ito? It is very normal in the US na sinasapak ang mga paparazzi. Get a life pipol. Nagkataon na nanuntok din si Tulfo at nandyan ang mister kaya nakuyog, buti nga sa kanya. For sure sya ang salarin dahil sya ang hinawakan ng mga security guards. Ganong naman palagi kung sino ang salarin yun ang hinahawakan ng mga tao. Ang sentimiyento ng public that time eh kina Claudine. Why is the press milking money from this? More important issues to focus on. Move on and solve the corrupt in Pinas. Daming pulubi sa atin, mga OFW na inaabuso ng mga amo. Tigilan nyo na ang walang sense na issue nato. May fault sila pareho. Lalo na ang CEBU PAC
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 205  partyPPol

    05/18/2012 | 05:23 AM
    isinama nila ang magulang nilang WALANG turo ng mabuting asal sa mga anak. Si Claudine WALANG respeto sa kapwa, bastos at mata pobre.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 204  Daina66

    05/18/2012 | 04:50 AM
    ung isang barreto lang yata ang matino andito un sa canada or sa states pero ung mga nandyan naku!!mga pasaway---did you mean yung sister nilang flight attendant ng PAL na si Mitch? na-meet ko na yun one time sa s.f. california many years ago, ibang-iba sa kanila....very simple at hindi yung tipong KSP.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 203  Daina66

    05/18/2012 | 04:44 AM
    Their friends are offering monetary incentive to any person who can provide the complete video so that they can destroy the evidence that it was them who started getting physical and not Tulfo? Otherwise, Raymart, Claudine and their friend could end up in jail? Well that makes sense...LOL! ----Naku, kailangan mapasakamay na sa kanila yung complete video baka maunahan sila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 202  jeanine89

    05/18/2012 | 04:39 AM
    Their friends are offering monetary incentive to any person who can provide the complete video so that they can destroy the evidence that it was them who started getting physical and not Tulfo? Otherwise, Raymart, Claudine and their friend could end up in jail? Well that makes sense...LOL!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 201  Daina66

    05/18/2012 | 04:34 AM
    boxofficequeen, Claudine's camp tried to get her back to ABS-CBN pero ayaw na sa kanya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 200  ChristieMarie

    05/18/2012 | 03:31 AM
    ... Ohh ... bless her parents heart !!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 199  boxofficequeen

    05/18/2012 | 02:48 AM
    Claudine, kung ako sayo, suggestion lang naman... Bumalik ka na lang please sa ABS-CBN... Alam kong alam mo na may career kang babalikan pag bumalik ka sa ABS. Di ba mga pepesters??? Aminin nyo pag bumalik si Claudine sa ABS, aangat ulit ang career nyan. Isa sya sa mga magagaling na artista... Go Claudine! Tapusin na yang away na yan at bumalik ka na sa ABS!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 198  JoeyfromNY

    05/18/2012 | 02:44 AM
    Yikes. The Tulfos and Barretto-Santiagos should just settle this off-cam. Get it done and over with! Pareho lang silang may mali.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 197  tammy123

    05/18/2012 | 02:40 AM
    Raymart and Claudine are just as guilty of the same case that they filed against Tulfo. It doesn't matter kung sino ang nauna. Nanakit din sila at sila rin ang nag-expose ng violence sa mga anak nila. Mas malas lang sila dahil nakunan ng video yung sila ang nanakit. Bakit kasi nagmamalinis pa eh may proof naman na may mali rin sila. At huwag nilang sasabihin na self-defense yung ginawa nila lalo na si Claudine dahil kitang-kita naman sa video na sumugod at nanakit siya kahit nandoon na yung mga security, na dapat ay nilayo na lang niya yung mga anak nila sa scene.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About